MathLahat kami ay nakatitig sa tv ng room namin na lagi lang namin pinanonoodan ng movies.
Nanonood kami ng horror kaya titig na titig ako. Yung iba naman nakatakip ng mukha lalo na si Astrea. Hinampas ko siya ng notebook kaya napatingin siya saakin. Halatang nagulat.
"Manood ka nga! Tapos magtatanong ka saamin kung anong nangyari." Nagtakip ulit siya pero sinisilip niya pa din. Baliw talaga hays.
Papatapos na yung movie ng dumating ang teacher namin sa math.
Akala ko ba may meeting mga teachers?
Ayoko pa naman mag math ngayon dahil ang sakit sa ulo ng lesson. Lahat naman ata ng lesson sa math masakit sa ulo grabe.After what happened yesterday, iwas na ko kay Damen dahil nainis talaga ako sakaniya. Wala atang side na mabait yun sa iba lang mabait.
Pero dahil magkatabi kami sa upuan, no choice ako. Si Raizen nalang kinakausap ko kahit medyo kakaiba kausap.
Minsan sasali siya pero di ko siya pinapansin. Kaya sa huli sila ni Raizen ang nag kwewentuhan. Buti nalang sa ibang subject puwede lumipat ng upuan.
"Damen! Can you please answer and explain this problem." Tumayo siya at lumapit sa board pero halata sa mukha niya na ayaw niya sumagot.
Tinignan ko yung problem at ini analyze ko iyon. Sinubukan kong icompute at sa tingin ko tama naman yung nakuha kong sagot.
"Can anyone please help Damen?" Napatingin ako sa harapan at agad na nagtaas ng kamay. Try lang naman.
Sinulat ko sa board ang solution at inexplain iyon sa kanila. Nahagip ko ang tingin saakin ni Damen. Mukhang amaze siya sa ginawa ko.
"Good job!" Nagpalakpakan ang mga classmates ko kasama si Damen.
"Galing mo pala sa Math." Tumingin ako sakaniya at naka ngiti siya saakin.
"Try lang naman yun tsaka analyze ko lang." Ngumiti ako sakaniya.
After that natapos na din ang klase.
"Sorry nga pala kahapon niloloko lang kita." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon.
Tumango nalang ako sa kahihiyan dahil totoo naman yung sinabi niya. Di naman talaga mabaho, dahil sa pawis lang siguro. Ayaw ko na maulit yun!
Tumayo ako sa upuan ko at lumipat sa tabi ni Veron. Agad naman niya akong niyakap at nagtanong ng kung ano-ano.
Tawanan kami kaya lumapit narin sila Dalle. Best friends ko talaga andiyan sila lagi thru bad and good times. Highschool friends are the best!
*Playing The Eve
Napalingon ako sa narinig ko. Nakita ko sila Lysander na sumasayaw. Nagtitilian sila Marie dahil sa step na medyo sexy?
Napansin ko din si Damen na effortless sumayaw. The hell! Naka lip bite pa! Di ko namalayan na nakikisigaw na ko sa kanila. Buti nalang exo napili nia! I love it!
"Lysander! Saan niyo yan sasayawin?" Tanong ko ng tumigil na sila kakasayaw.
"Bukas, may program eh." Tumango ako at ngumiti. Lumapit ako kay France na best friend kong lalaki.
Sinabihan ko siya na dagdagan sayaw nila. At kung ano-ano pa.
"Sali ka ba?" Agad akong umiling sa sinabi niya.
"Magaling ka naman sumayaw." Singit ni Damen sa usapan namin.
"Hindi ah! Marunong lang hindi magaling." Todo iling ako, kahit alam ko step niyan di ako sasayaw no.