President
"Uno!"
Tinignan ko ulit ang baraha ko. Tatlo nalang ang natitira at dalawa nalang kaming naglalaban.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nagbaba siya ng kulay berde. Tumingin agad ako sa aking baraha.
"Wala akong green." Agad niyang binaba ang huli niyang baraha. Great! Talo ako.
"O dare! Sino maguutos?" Nakasimangot akong tumingin sakanila. Nagtatawanan at nagbubulungan sila. Puro kalokohan nanaman ang mga 'to.
"Sumigaw ka sa labas na ayaw mong katabi si Damen." Nagulat ako sa dare nila pero tumayo parin ako at lumabas.
"AYOKONG KATABI SI DAMEN!!!!!!!!!!!!" napatingin saakin ang mga ibang estudyante kaya mabalis akong bumalik sa room.
"AYOKO RIN KATABI SI TYCHE!!!!!!!!!!" agad akong napalingon sa sumigaw.
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Hoy! Dare lang sakin yun!" Lumapit siya at nagkibit balikit.
"Dare lang din sakin yun." Ngumisi siya at umalis.
Aba't! Tinignan ko ang mga kaibigan niya na naglalaro sa mga cellphone nila. He's so annoying!
Lumapit ako sa mga kaibigan ko at sinabi sakanila ang nangyari.
"Yieeeee kilig ka naman." Mukhang tanga ang mga kaibigan ko dahil sa itsura nila. Grabe, kaibigan ko ba talaga tong mga to?
"Tyche sabay na tayo." Lumapit ako kay Astrea at kumapit sa braso niya.
"Hindi ka ba kinilig kanina?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Hindi." Tumawa siya at siniko ako. "Tumigil ka nga baka mabangga tayo." Pero di parin siya tumigil sa panunukso.
"Bye Astrea!" Kumaway ako sakaniya at lumiko na papuntang amin.
Tahimik at mataas ang sikat ng araw. Labasan din ng mga elementarya kaya maraming bata. Madami ding mga paninda sa paligid na paborito ng mga bata.
"Bat ka mag-isa?" Nagulat ako sa nagsalita.
"Kasi hindi ako dalawa." Bigla siyang tumawa ng napalakas kaya't napatingin ang iba saamin.
Tawa parin siya ng tawa kaya lumayo ako sakaniya.
Naramdaman kong papalapit na siya dahil sa tawa niya."Benta sayo ah." Sabi ko at lumingon sakaniya.
"Joker ka pala." Ngumisi ako. Tumingin ako sakaniya na nasa gilid ko na.
"Depende." Lumiko agad ako sa daan papuntang bahay.
4:00 pm
I fix myself and chat my groupmates that i'm going. Sumakay ako ng tricycle and i asked them if they're already complete. But they just seenzoned me.
Pumara ako at bumabana sa tricycle.
"Ano pabebe pa?" Nalingunan ko ang aking kaklase na napaka arte.
"Sorry na layo ng bahay niyo eh." Pumasok ako sa loob at binati ang mga magulang niya.
"Andiyan na ba lahat?" Naririnig ko na ang ingay sa likod ng bahay nila.
"Oo ikaw nalang hinihintay." Kumaway ako sakanila na seryoso sa mga ginagawa.
Naamoy ko agad ang pancit canton. Grabe tuwing may groupings kami di na nawalan ng pancit canton. Nakalagay ito sa malaki at babasaging tasa na may 6 na tinidor.
"Oh tyche bawal ka kumain wala kang ambag, late ka pa dumating." Iniwas nila saakin ang mukang over-cooked na pancit canton.
Nagkibit balikat nalamang ako at tumulong na sakanila. Habang naggagawa kami narinig ko ang usapan ng mga kaklase ko.
"Dapat talaga na si Damen ang President sa room no?" Sumilip ako sa kanila at nakinig sa usapan.
"Oo nga! Ang galing niya!" Halata sa mukha nila na mga kinikilig sila. Hays lakas talaga ng epekto ni Damen sa mga babae.
Umiling ako sa narinig at tinuloy ang ginagawa.
6:30 pm
"Bye guys!" Kumaway na ko sakanila at sumakay na sa tricycle.
Nauna na kong umuwi sakanila dahil ang layo ng bahay ko mula dito.
I think i left an unfinished assignment. Dapat pala ginawa ko na kanina para di ako magahol sa oras.
Habang nag scroll sa cellphone biglang lumabas ang chat head ko mula sa messenger.It's a new group chat that our secretary made. I click it and see that there is a reminder from our President.
"Follow me as your President. You vote all of me so everyone of you should follow me. Listen to all the things i will tell and no one should dare to disagree."
Nice words, ewan ko nalang kung di pa sumunod ang mga kaklase ko sakaniya. He's so serious when it comes to school stuffs.
Everyone send a like but i just seenzoned his message. Tinatamad akong magreply.
Pumara na ako at nagbayad sa driver. Bago pumasok sa bahay namin nag vibrate ang cellphone ko.
"Wag ka kayo pumasok kung di niyo kayang sundin ang mga patakaran ko sa classroom natin."
Seryoso talaga siya sa pagiging Presidente namin sa room. Siya na ata ang papangarapin na maging Presidente ng bawat section.
Sinara ko na ang messenger ko at pumunta sa kuwarto ko. Hinanap ko agad ang mga takdang aralin ko at sinagutan iyon.
Pagkatapos maggawa ay nagbukas ulit ako ng messenger. Biglang lumabas ang pangalan na Damen sa cellphone ko.
"Payag ka ba sa mga patakaran ko?"
"Hindi."
"Huwag ka na tumabi saakin sa upuan."
"Kapal, ayaw din kitang seatmate!"
"K."
Sinara ko ang cellphone ko dahil sa inis. I will probably mess up the whole year cause my seatmate is the President.