Floorwax
Kahapon sa nangyari, nakatulog naman ako ng mahimbing. Kinilig lang ako ng bahagya.
Friday na ngayon yey! TGIF! Ngayon ang sayaw nila at ngayon din kami maglilinis ng room.
"Nasaan na mga floorwax niyo?" Nasa harapan ngayon si Astrea at nangunguha ng mga floorwax. Nagpadala kasi siya kahapon. Yung iba mga walang pake.
"Ano!? Asan na!?" Galit na galit na si Astrea dahil lima pa lang nagbibigay. Kasama na ko don.
Bigla namang dumating si Damen na fresh na fresh. Lumapit siya kay Astrea dahil nahalata na niya na gigil na ito."Ilalabas niyo floorwax niyo o kukunin ko yang mga cellphone niyo!?" Parang kulog ang boses niya ng sinabi niya iyon.
Titig na titig ako sakaniya dahil bagay pala sakaniya ang galit na mukha.
Dahil sa takot ng mga kaklase ko nilabas na nila lahat ng floorwax nila at tinago ang mga cellphone.
Napatingin bigla si Damen saakin kaya agad akong umiwas at tumingin sa cellphone ko.
Nakakahiya! Nahuli niya ata akong nakatingin sakaniya.
Lumabas na kami dahil ilalabas na ang lahat ng bangko. Grupo namin ang mga flo-floorwax ngayon pero ayoko mag floorwax tinatamad ako.
Nakaupo lang ako at naka earphone habang tinitignan sila na nagflofloorwax.
"Ano tititigan mo nalang sila?" Nagulat ako ng lumitaw si Damen sa harapan ko.
"Oo, ayaw ko mag floorwax eh." Sabi ko dahil totoo naman iyon.
"Bakit? May masakit ba sayo?" Umiling ako sa tanong niya.
"Ayaw ko lang mag floorwax." Sabi ko at tumayo na para sana tumabi kanila Amiel.
"Sige ako nalang mag flofloorwax para sayo." Nagulantang ako sa sinabi niya. Malakas pa naman ang pagkakasabi niya kaya napatingin ang mga kaklase ko sakaniya.
"Yown!!!!!"
"Yieeeeeeeee!!!!!"
"Anlalandi niyo!!!!!!!"
"Landi mo Damen!!!!!!"Napuno ng sigawan ang paligid at para silang mga tanga na nang-aasar saamin. Medyo nahiya ako doon kaya kinuha ko na sakaniya yung basahan at floorwax.
Tumulong na ko sa mga nagflofloorwax upang tumahimik na sila. Grabe! Meron pa naman ako! Baka tagusin ako.
Nangangalahati na ako sa sahig ng biglang may binulong saakin si Damen.
"May floorwax ka sa pants mo." Nagtataka naman ako kung bakit niya binubulong eh nalagyan lang pala ako ng floorwax.
"Hayaan mo na lalabhan ko naman yan." Tuloy tuloy lang ako sa pag flofloorwax.
Napabuntong hininga siya. Oa naman netong si Damen floorwax lang eh.
"May floorwax ka sa gitna ng pants mo." Ulit niya kaya tumayo na ko at sinilip iyon.
Shet! May tagos ako! Binitawan ko kaagad ang hawak kong floorwax at basahan.
Biglang may nag takip ng panyo sa likod ko. Agad kong hinawakan iyon at inayos. Lumapit ako sa locker ko at kinuha ang extra napkin at pants ko.
Derederetso ako sa labas papuntang cr.
"Nakakahiya grabe!" Inayos ko na ang damit at mukha ko.
Nahihiya akong bumalik sa room kaya nag muni muni muna ako sa loob ng cr.
After 5 minutes I decided to go out. Pagbalik ko sa classroom tapos na nila ang pag flofloorwax. Pumunta ako sa locker ko at nilagay ang damit ko.
"Okay ka na?" Lumingon ako kay Damen na nasa tabi ko na.
"Uhmm..oo sorry nga pala kanina ito na panyo mo." Inabot ko sakaniya ang panyo na pinang takip niya sa likod ko kanina. "Salamat." Agad akong umalis sa harapan niya at pumunta sa mga kaibigan ko.
Ayaw ko ikuwento ang nangyari kanina dahil aasarin lang nila ako.
12:05 pm
Mataas ang sikat ng araw bagamat malamig ang simoy ng hangin. Kasama ko ang mga kaibigan ko na nagkwekwentuhan tungkol sa kung ano-ano.
Nakikitawa na lang ako dahil sumasakit ang puson ko. Pawis na pawis na ko at gusto ko nang humiga.
Pagkatapos namin kumain ay nag cr ulit ako. Mas lumala ang sakit ng puson ko kaya 'di na ako masyadong makapag-usap.
Sa sumunod na subject at hindi ko na maunawan ang tinuturo ni ma'am dahil mainit na nga masakit pa puson ko.
"Ayos ka lang ba Tyche?" Biglang tanong ng katabi kong si Damen.
Hindi ako makatango dahil hindi ako okay at hindi ako makasagot dahil sa kakaiba ko nang nararamdaman.
"May masakit ba? Mainit?" Sunod-sunod niyang tanong. Pumikit ako ng madiin at nagpunas ng pawis.
"Mainit." Iyon na lamang ang sinabi ko sakaniya dahil para sakin na yung isa kong problema.
Nangheram siya ng pamaypay na malaki at pinaypay iyon saakin. Dahil don medyo naginhawahan ako at mas presko na ang paligid.
"Baka nangangalay ka na, ako na." Sabi ko dahil kanina pa siya nagpapaypay.
"Hindi naman, para mahanginan din naman ako di lang ikaw naiinitan." Maarte niyang sabi saakin.
Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin. Ng medyo tumagal na ay hindi na masyadong masakit ang puson ko. Di tulad kanina na parang sinasagasaan ng sampung truck na 10 wheeler.
"Lumabas na po ang lahat ng estudyante at pumunta na sa gym."
Napatigil kami sa pagdadaldalan dahil sa announcement sa labas. Tumayo na si Damen at mga kaibigan niya. Naghahanda na sila para sa sayaw nila.
Tumayo na kaming lahat at naglabasan. Umupo kami sa bench at nagsiksikan.
"Hoy Nicole! Urong! Laki ng puwet mo ang sikip dito oh!" Sigaw ng kaklase kong si Alfred.
Tawanan kaming lahat at nag-asaran na sila. Natahimik kami ng nag simula na ang program.
Napatakip ako ng tenga dahil sa sigawan ng mga estudyante. Grabe ha! Rumampa muna ang mga candidates at nagpakita ng kani-kanilang talents.
Ang hinihintay talaga namin dito ay sila Damen na sasayaw. Halata sa mga mukha ng kaklase ko na yung performance lang nila Damen ang hinihintay nila.
Napatakip ulit ako ng tenga sa mas malakas na sigawan dahil sa paglabas nila Damen.
Hinila ako nila Veron sa puwesto na mas malapit sakanila para daw mas makita namin ng malapitan.
Hindi matahimik ang mga estudyante kahit kakasimula pa lamang ng tugtog.
Napasigaw na din ako dahil ang gagaling nila sumayaw.
"Alfred! Aray!" Angal ni Veron dahil puro sabunot ang inabot niya kay Alfred.
Napatingin ako kay Damen na napaka effortless sumayaw. Hinahawi pa niya ang buhok niya at kinakagat ang labi.
Bigla siyang lumingon saakin kaya nagulat ako. Iiwas sana ako ng tingin ng bigla niya akong kinindatan.
Nagulat ako sa biglaang pagtulak saakin nila Veron kaya nasubsob ako sa sahig.
"Uy, okay ka lang?" Sumulpot naman si Damen sa harapan ko.
Bago pa ako tumayo ay nagsalita ulit siya.
"May floorwax ka ulit."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya at tinakpan ang likod ko.
"Joke lang! Uto-uto!"
Bigla siyang tumakbo paalis. Napairap ako, pero di rin nagtagal ay sumilay ang ngiti sa aking labi.
