Friends
Masaya akong naglalakad papunta sa room.
"Tyche" nagulat ako sa tawag ni Damen.
"Jusko naman akala ko kung sino." Napatawa ako sa gulat.
"Sorry, kanina pa kasi kita tinatawag." Sabi niya at sumabay saakin sa paglalakad.
"Talaga???" Hindi naman ako naka earphone.
"Oo parang may iniisip ka." Sabi niya na parang natatawa.
"Ah....iniisip ko lang yung mga lesson." Ngumiti ako para hindi masyadong nakakahiya.
Inunahan ko na siya sa paglalakad at umupo agad sa upuan ko. Seatmate ko nga pala siya! Ba't di ko naisip yun? Aish..
Nung papalapit na siya tumayo agad ako sa upuan ko at lumapit sa mga kaibigan ko. At hinintay na dumating ang teacher namin.
"Tyche, gusto mo?" Alok ni Damen sa kinakain niya.
"Ah hindi salamat." Sabi ko at agad na yumuko sa arm chair ko.
Nakakatamad kumain ngayon grabeeee! Pati pagkain kinatatamaran ko anobayan.
Lumipas ang minuto at dumating na ang guro namin.
"Tycheee, gising na uy!" Tumunghay agad ako dahil baka mapagalitan ako.
"Aray!" Hinawakan ni Damen ang ilong niya at mukang nasasaktan.
"Hala! Sorry! Natamaan ba kita?" Tanong ko agad dahil mukha siyang sakit na sakit.
"Hindi hindi tinamaan mo lang." Agad ko siyang hinampas nung sinabi niya iyon.
"Aray! Anoba kanina ka pa!" Ngayon braso naman hawak niya at umaakto pang sakit na sakit.
Inirapan ko siya dahil mukhang niloloko niya ako.
"Maam, sinaktan po ni Tyche si Damen akin nalang po siya."
Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Alfred. Nilingon ko naman si Damen at hawak pa rin ang braso't ilong niya.
"Sorry, masakit pa ba?" Agad kong hinawakan ilong niya at tinignan iyon.
Napadaing siya dahil sa paghawak ko. Masakit nga ata.
"Tanga mo kasi eh. Ayan tuloy." Sabi ko at binitawan ang ilong niya.
"Wow ha, ako pa ngayon." Tumayo siya sa upuan at lumipat sa unahan.
Aba't! Nagtatampo pa ang kumag. Lumingon naman ako kay Raizen na nakatitig sa may bintana at naka ngisi.
Agad akong tumayo at lumipat sa tabi ni Tintin. So weird para na siyang si Rique. Tinigil ko nalang ang pagtingin at pag-iisip sa ginagawa ni Raizen. Tumingin nalang ako kay Ma'am na nagsusulat sa blackboard.
"Tycheeeeeeeee!!!!" Napatakip ako ng tenga dahil sa ingay ni Junel tumatakbo siya papalapit saakin.
"Anoba ingay mo." Kinuha ko ang pagkain ko sa bag at nilagay sa lamesa iyon.
"Sweet niyo ni President. Kayo na ba?" Kinikilig niyang tanong.
Napatigil agad ako sa pagsubo ng pagkain ko dahil sa sinabi niya. Kung palunok na ko baka nabulunan na 'ko.
"Hindi ah! Mukha ba kaming mag jowa?" Sinubo ko na agad yung pagkain ko at agad na nginuya at nilunok. Baka kasi maibuga ko pa sakaniya.
"Sweet niya kasi sayo eh!!! Inggit nga si Alfred eh." Tumawa siya at tinuro si Alfred sa malayo na may hawak na mga dahon at kumakanta ng pang ritwal na kanta.