Kabanata 2

19 0 0
                                    


Mabaho

Dahil sa inis ko kay Damen ay hindi na ko nag online ulit.

Kinabukasan maaga akong gumising at pumasok sa school. Kahit Tuesday ay maaga pa rin ako pumasok kahit hanggang 7:30 bukas ang gate.

Malamig dito saamin kaya naka jacket ako. Para kang nasa baguio grrrrrr.

Habang naglalakad papalapit sa room ay nakita ko na nakatayo mag-isa si Rina sa labas. Kumaway ako sakaniya at ngumiti.

"Tyche aga mo din ah." Niyakap niya ko tsaka kami umupo muna sa lapag.

"Oo natripan ko lang pumasok ng maaga." Tumawa kaming dalawa.

Natahimik kami kaya nag-isip pa ako ng pag-uusapan.

"Uhm Rina may boyfriend ka ba ngayon?" Halatang nagulat siya sa tanong ko.

"Ah eh...." Di siya makatingin ng ditretso saakin kaya nginitian ko nalang siya.

"Okay lang kahit wag mo na sabihin." Ngumiti ako at kinuha ang cellphone at earphone ko.

Buti nalang ay dumating na ang kaibigan niya kaya hindi na awkward ang paligid.

Padami ng padami na ang dumadating na mga kaklase ko at wala pa rin ang kaibigan ko na Secretary at may hawak ng susi ng room.

7:35

Nakita ko nang paparating ang kaibigan ko. Grabe ha! Antagal na namin dito lagi nalang ganto hays.

"Astrea bilisan mo naman." Umirap siya at pinag suot pa kami ng shoe rugs.

"Wala namang floorwax yung room!" Umepal yung kaklase kong lalaki na walang shoe rugs pero laging may load.

Sinilip ko ang room namin at nakita kong mapula ang sahig. Nagsuot na ko ng shoe rugs ko.

"Edi walang papasok." Hindi niya muna binuksan yung room kaya nagangalan ang mga kaklase ko.

"Walang papasok hanggat di nag shoshoe rugs lahat!" Napalingon kaming lahat sa aming President.

Basa ang buhok at galit ang mukha. Natahimik ang lahat at nagsuot sabay sabay ng shoe rugs. Lumapit siya sa pinto at siya na mismo ang nag bukas noon.

Tahimik kaming pumasok ngunit nag ingay na rin dahil nagsama sama na ang magkakaibigan.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan ko. Nilapag din ni Damen yung kaniya katabi nung akin.

Dumaan ako sa kabila at pinuntahan ang mga kaibigan ko.

"Hoy pakopya sa assignment sa english." Nagkopyahan sila ng assignment habang ako ay nanonood ng videos ng EXO.

"Tyche wag mo nga i-like mga memes ko! Kainis ka." Tinawanan ko si Amiel dahil sa sinabi niya.

"Buti nga nilike ko e." Inirapan niya ko kaya tumawa ako lalo.

"Scroll mo nalang." Nagtawanan kami dahil kaming lahat ay nila-like lang memes niya.

Natigil lang kami dahil dumating na ang teacher namin sa Filipino. Nagsibalikan na kami sa totoong upuan dahil nagpapalista si Ma'am ng wala sa upuan at pagkatapos ng subject niya ay kakausapin niya kami kung bakit kami lumilipat.

Tumabi na ako kay Damen at Raizen pero si Raizen lang ang kinakausap ko.

"Tyche at Damen tayo." Nagulat ako sa biglaang pagtawag ni Ma'am.

Tumayo kaming dalawa at nagkatinginan.

"Damen ikaw leader at Tyche ikaw ang assistant leader." Naghiyawan ang mga kaklase ko.

Parang mga tanga simpleng bagay tinitilian. Umupo na kami at nagtuloy si Ma'am sa mga sinasabi niya.

2:00 pm

Nag plano na kami kung ano ang isasadula namin sa Filipino.

"Tyche sulat mo lahat ng ka grupo natin." Kumuha ako ng papel at nagsulat na habang sila ay nagpa plano.

Medyo mainit na sa classroom pero di ko pa rin inaalis ang jacket ko. Pinagpapawisan na ko dahil yung electric fan namin naka steady lang sa unahan.

"Lahat dapat tayo ay may ganap." Tumingin saakin si Damen.

"Narrator lang ako." Sabi ko agad dahil baka gawin niya pa akong bida.

Napahinga ako ng malalim nung tumango siya bilang pag-sangayon. Nagiisip ulit sila kung saan kami magprapracttice. Sana ay dito na lamang sa school para di na kami mahirapan.

Alas tres ng hapon ay naiwan kaming grupo. Antaas ng sikat ng araw at pawis na pawis na ko. Di ko pa rin inalis iyon dahil tinatamad ako.

Habang sila umaarte nakatingin lang ako sakanila at nagmumuni muni.

Tawanan pag nagkamali o kaya kapag may nabulol. Takot sila kay Damen kaya mga seryoso kung ako leader nila baka wala na kaming nagawa.

"Kaya niyo naman siguro kabisaduhin yan." Tumango tango sila sa sinabi ni Damen.

Kinuha ng classmate ko ang iphone niya at sinabihan kami na mag pi-picture. Pumuwesto silang lahat pero ako nakatingin lang sakanila. Tinatamad akong tumayo.

"Tyche bilis na!" Umiling ako at sinenyasan sila na sila na lang.

Lumapit saakin si Damen ay hinili ako. Pumuwesto kaming dalawa sa likod. Nagulat ako kaya hindi ako nakangiti sa camera.

"Tyche ngiti naman!" Napangiti na lamang ako sa bigla.

Nakaramdam ako ng pagod kahit nakaupo lang ako buong practice.

Naghikab ako at nagpataas ang kamay.

"Ang baho!" Biglang sigaw ni Damen.

Di ko sila pinansin dahil wala naman akong naaamoy.

"Amoy maasim!" Ulit niya kaya inamoy na din namin.

"Wala naman." Sabi ng kaklase ko na inamoy ang buong classroom.

Napalingon ako kay Damen na nakatingin saakin at nakangisi.

Inirapan ko siya, bigla niyang binuka ang bibig niya at nagsalita na walang tunog. Nung una di ko siya maintindihan kalaunan ay naunawaan ko na din. Sa inis ko ay hinabol ko siya.

Agad siyang tumakbo habang tawa ng tawa. Sa kabilang banda naman ay ang mga kaklase ko na inaasar kami na ang sweet daw namin.

Sa inis ko ay pumulot ako ng bato at inihagis sakaniya kaya lang ay nakailag siya.

Sino bang hindi maiinis sa sinabi niya!?

"Amoy putok ka."

Inalis ko na ang jacket ko sa inis. Hindi na ako magjajacket bukas! Binato ko din sakaniya iyon at sinalo naman niya.

"Pati jacket mo ang baho!" At tumawa pa siya ng napakalakas.

Tumakbo ako papunta sa cr namin. Inamoy ko ng bahagya ang sarili ko.

Kainis!

Lumabas agad ako ng cr at bumalik na sa classroom. Kinuha ko ang bag ko at tumakbo na palabas ng school.

Tumakbo na ko palayo sa school at ng napagod ay naglakad nalang.

"Kainis! Totoo nga siya! Ahhhh!!!!" Nakakahiya iyon.

Buti nalang di naamoy ng iba...o ayaw lang nila sabihin?

Gagawa ako ng fandom para sa haters ni Damen! Kaso baka ako lang mag-isa ang may ayaw sakaniya.

I hate him so so so so so so much!!!!!!

The President's SeatmateWhere stories live. Discover now