CHAPTER 13

8.3K 129 54
                                    

Daddy

I managed to get ready for school kahit ang hirap lumabas sa magarbong bathroom ng silid na ito. Hindi ganoon ka-laki sa bathroom ni Achilles but it was equally luxurious.

Staying for a few days isn't that bad after all, huh? I think so...

"Auntie, sorry hindi agad ako nakasagot. Pero kaylangan po ba talagang dito niyo ako patuluyin?"

My bag is like a never ending pit. I ended up dumping all of it's content on the bed just to find my phone. Nang nahawakan ay agad ko nang tinawagan ang tyahin.

"Anak, wala rin kasi sina Nanay Lucy mo. Busy naman ang mga Kuya mo at madalas, dis oras na ng gabi umuuwi sa trabaho. Aba, hindi ka pwedeng mag-isa sa bahay!"

Apparently, nasabi ni Auntie kay Manong Redj na walang titingin sa'kin sa bahay. He called Achilles and the opportunist shamelessly offered his house to my Aunt! Wala nang pagtutol dahil kilala na pala ni Auntie si Achilles.

Gaya nang inaasahan ko, ipinatawag si Auntie para mamahala ng hasyenda at minahan sa Zambales dahil narito nga sa Nueva Ecija sina lola.

"Pero Auntie, kaya ko naman po..."

"Ayesha Selene..."

Seryoso na ang tinig ni Auntie. Yup! Not up for discussion Ayesha.

Ang alam ko ay may lupain sina Lola dito sa aming lalawigan. At bilang paboritong apo, doon pinatutuloy ni Lola si Ate Dash habang narito siya kaya no choice talaga ako. Natapos nalang ang tawag na nakaligtaan kong itanong kay Auntie kung bakit magkasama sila roon ni Manong.

Magaan ang pakiramdam ko nang magising kinabukasan. Achilles brought me some more of that amazing tea kagabi kaya hindi na ganoon kasakit sa puson pag-gising.

I can still feel his kiss on my lips.

He came to my room last night after the call. I can't help but laugh when he entered. May normal naman kasing pinto ngunit doon parin talaga siya sa closet lumabas.

"You have a secret door to my room, Sir. That is kinda creepy."

"Easy access baby girl." Those blasted smirks again.

Iginala kong muli ang aking mga mata sa buong silid. Pakiramdam ko kasi ay malulusaw nanaman ako sa kanya.

Sa ganda ng silid na ito at sa mga gamit sa closet, hindi ko maiwasang magisip kung kaninong kwarto nga ba talaga ito. Hindi naman kasi ito simpleng guest room lang.

Halatang para sa babae talaga ito.

I sat against the cushioned headboard and hugged my knees to my chest. I asked, "Kaninong kwarto ito Achilles? Baka kasi magalit 'yung babae kapag nalamang dito mo ako pinatuloy."

Bigo akong itago ang pait sa tinig ko. Ang sayang nadama kanina ay unti-unting nawawala sa kung ano-anong bagay na naiisip.

Dito niya ba pinatutuloy ang mga babae niya? May sarili talagang room? Kumpleto pa sa gamit at lahat ay mamahalin! With his age and status, I guess no strings seems normal. Bakit hindi sa kwarto niya kung ganoon? Or maybe he have this serious conservative girlfriend at sa kanya talaga itong silid. Mas lalo akong naiirita. My stomach feels like it was drenched with acid.

I felt him approach and I nearly fainted. Ayan nanaman ang nakakayanig na pintig ng aking puso. Hinawi niya ang buhok kong bahagyang tinatabunan ang aking mukha.

"This is just a spare room next to mine. I have it renovated the first time I saw you in a dreamy dress..."

Gulantang nanaman ako habang siya ay tila normal na paksa lamang ang inihahayag sa'kin! His hooded eyes are doing insane things to me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lace and LeatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon