CHAPTER 3

10.1K 82 11
                                    

Hots

Rakoons are having a brawl inside my chest. Of all chances, bakit ngayon pa talaga!? Kung pwede lang talagang umuwi, kanina pa ako wala dito.

"I'm sorry bess! Promise babalik ako agad. Wag ka na kasing sumimangot 'jan!" She's rambling around the room for the past hour. Nagkalat sa study table at kama ang mga sketches niya ng vintage dolls. Napapanganga ako sa sobrang ganda ng mga disenyo pero hindi ngayon ang tamang oras para paulanan siya ng papuri.

She was summoned a while ago sa kanilang toy factory for her designs na hindi agad nai-present sa tamang oras. Hindi na ako nagtataka. She is used to cramming. But damn it! Not now for heaven's sake!

Halos luhuran ko siya wag lang niya akong iwan. Bahay ko ba kasi ito!? At isa pa... si... Achilles...

"Ayaw mo ako isama?" I used my puppy eyes with pouty lips but with her expression, mukhang mabibigo talaga ako.

"You silly, hindi pwede! Uncle told me that if you miss his free time today, hindi ka na niya mapapaunlakan sa susunod."

"Ei... Wag ka na kasing umalis. Kinakabahan ako bess." Pagmamakaawa ko.

She sigh. Mukhang tumatalab na ang ginagawa ko but I know better. The reprimands will soon follow.

"Ang kulit na bata oo. Babalik ako agad. 'Wag kang ma-shy dito sa bahay noh! You're my sister for God's sake! Don't worry, mabait si Uncle. He wont bite you." Hindi nangangagat? Eh mukha ngang gusto akong sunggaban kagabi.

Wala na akong nagawa. I watched her SUV drove away while waving at her. Bumaling akong muli sa napaka laking bahay na ito. Feel at home it is then... I guess.

Kumabog ang puso ko nang maaninag ang bulto nang lalaking halos hindi nagpatulog sa akin kagabi sa sobrag kaiisip. He's standing at the balcony while holding a mug of what's probably the dose of his caffeine for this morning. Hindi nga pala siya sumabay sa agahan kanina.

"Miss Ayesha, nagaantay na po si Master Achilles sa library."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking note pad habang nakatayo sa isang malaking pinto.

Andyan sya sa loob. Jusko. Wag sana akong himatayin.

Isang mahinang katok ang ginawa ni Ate Mercy bago ianunsyo ang presensya namin.

"Come in."

Ayan na! Biglaan ang pangangatog ng tuhod ko.

"Ate, wag mo akong iwan. Samahan mo 'ko sa loob." Pagmamakaawa ko. Daig ko pa 'yung batang haharap sa galit ng nakatatanda at walang sino man ang may balak ipagtanggol ako.

Base sa matamis nyang ngiti, alam kong nauunawaan niya ang kaba sa dibdib ko. Now I wonder if I'm the first one to step inside and conduct an interview with the man.

Of corse not! Ilang pahina na ba ang nabasa ko na isinisigaw ang pangalan niya? Ganito rin kaya ang kabang naramdaman nila? Malamang hindi. Mga professionals 'yun eh. Kung ano man ay ako lang siguro ang high school student sa kanila.

Ilang sandali pa at nagpaalam na si Ate Mercy at babalik lang daw mamaya upang maghatid ng meryenda.

"Have a seat Miss Urzua."

Now we're being formal huh? Gaga! Narito ka para sa isang pormal na panayam kaya malamang ganoon nga! I pouted. Parang hindi niya ako halos hinalikan kagabi sa itsura niya ngayon. He seems not affected. O talagang ako lang ang nago-overthink dito?

Thank all that is holly at sa nakalipas na halos isang oras ay nasagot niya nang maayos ang mga katanungang hinanda ko. Muntik ko nang makalimutan 'yung nangyari kagabi kun'di lang panay ang tingin niya sa labi ko sa tuwing magtatanong ako.

Lace and LeatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon