CHAPTER 9

5.8K 77 2
                                    

Granddaughter

"Redj, nakakahiya naman. Ayos lang ba talaga kayong dito matutulog?" Puno ng pagaalalang tanong ni Auntie.

People are naturally hospitable. At least, that's what I believe. Because that's how we are raised. Kaya naman nauunawaan ko kung bakit alalang alala si Auntie sa kalagayan ng mga bodyguards ni Chelsea.

Dahil biglaan ang pagpapa-alam ni Chelsea kay Achilles, muntik na syang 'di payagan. Pero gaya ng inaasahan, dahil spoiled sa kanyang tyuhin, pumayag na rin ito sa kundisyong kasama niya ang kanyang mga CPO na mago-over night.

Simple lang ang bahay namin at pinaka malaking espasyo na itong sa sala. Nanliliit lang talaga sa bulto ng mga ginoong ito. Three foam mattresses covered our linoleum floor. With sheets, blankets and lots and lots of pillows. That's my Auntie's obsession. Pillows.

"Okay lang po Miss Pearl!" Kuya Kyle is smiling from ear to ear. Kontento sa malambot na unang yakap-yakap.

"Mas komportable nga po rito." Kuya Jazz said in a hushed voice. Earning a warning glare from his Chief. He burry his self in the sea of pillows and blankets to avoid getting into more trouble.

Ang madalas na suot na black suits and slacks ay napalitan na ng tees at jersey shorts. They may look so casual but these men are still armed.

"Rest Pearl. We're fine here." Manong Redj's voice is dominating, silencing my Auntie's resolve.

She gave him a reluctant nod and bid her goodnight to the three gentlemen. She gave me and the girls a kiss to our foreheads before retiring to her room.

"Tutuloy na rin kami Savannah."

"Okay Thunder. Goodnight!"

Aba, blooming. Kating kati na talaga akong hilahin si Chelsea sa kwarto nang mausisa ng husto.

Nauna na sa labas si Kuya Rex at pasunod naman si Kuya Thunder. Hindi nga lamang lubos na maka-alis dahil labag pa yata sa loob na iwan si Chelsea.

The three men are watching them closely. Eyes squinting like a hawk. Pinipigilan kong matawa sa nakikita pero si Manong na ang hindi nakatiis.

"Bambina, preparati per andare a letto." Utos ni Manong sa italyano na halos ikadugo ng ilong ko.

"Sì Padrino..."

With one last look na pang telenovela, nagtungo na si Chelsea sa kwarto. Kuya Thunder nod at the three brooding gentlemen before finally leaving. Hanggang kaway nalang ako sa pinto bago ito i-lock.

"Damn bastard. Itapon niya nalang 'yang phone niya. Wala din namang silbi."

I heard Ate Dash grumble in the kitchen. Isa pa 'tong pinsan ko. Halos isumpa ang telepono dahil 'di makontak ang kung sino mang kanina niya pa tinatawagan.

"So... sinong mauuna? O magtatanong muna ako?" Patay malisya kong sabi habang namimili ng DVD sa shelf. Wala akong budget sa Netflix. Matagal ko ring pinagipunan ang player at flatscreen TV ko.

My room is big enough for us. Hindi siksikan. I'm not a cluttered person. Nahasa ang talento sa pag-guhit sa pagdaan ng panahon kaya mas maayos na ang mga sketches na nakapaskil sa dingding kasama ang iilang litrato ng aking pamilya. I have a study table and a decent size TV stand. Katabi ng bintana ang bookshelf at sa isang panig naman ng dingding ay ang built-in closet na may vanity mirror.

And of course, the love of my life. My bed. It was taking up the major space of the room but not too much. Sa paanan ay may di-tuping lamesita. Halos hindi magkasya ang mga snacks na bitbit ni Chelsea kanina. Samahan pa ng street foods ni Ate Dash.

Lace and LeatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon