"JEALOUS II"

204 9 0
                                    

                  -KAURI'S POV-

Hindi ko alam kung tama ba tong pinaggagawa ko. Bakit ba ako nakakaramdam nang ganito.?. Naiinis ako.. Lalo na dun sa Apple na yun.😑 Alam ko hindi dapat kasi hindi ko naman hawak ang mga gusto ni Kristen. Pero parang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita at naiisip ko na hindi lang pala sa'kin malapit si Kristen. Ano kaya kung umuwi na lang ako?. Para hindi na ako maging pabigat pa sa kanya. Pero kapag umuwi ako,..ipakakasal kami ni Zamia.,

"Kauri.."

Napatigil ako.. Bakit siya narito?. Unti-unti akong lumingon.

"Z-zamia?...😶". Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Hindi mo mahahalatang hindi siya pangkaraniwan.,

"Anong ginagawa mo rito?.

"Narito ako para ibalik ka sa iyong Ina. Kailangan na nating bumalik para---"

Hindi ko na hinayaan pang matapos pa niya ang kanyang sasabihin dahil alam ko rin lang naman ang patutunguhan nito.

"Para ano?! Ha Zamia?! Ipakasal tayong dalawa?! Hindi maaari sapagkat alam nating dalawa na magkaibigan lang tayo. Hanggang dun lang ang makakaya ko."

"Papaano kung--,. Paano kung hindi lang ganun yun para sa'kin Kauri?. Magkasama na tayo mula pagkabata., Paano kung--

"Hindi., Pasensya ka na Zamia., Ipagpaumanhin mo't ayokong maikasal sa iyo. Hindi ako babalik." . Ayokong masaktan siya ngunit anong magagawa ko?. Hindi ko kayang gawin ang isang bagay na labag sa aking kalooban. Alam kong hindi mahirap mahalin si Zamia., Mahal ko siya ,.Pero bilang isang kaibigan. Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ang mahigpit na kamay nito sa aking braso.

"Patawarin mo ako Kauri,. kailangan na kitang ibalik." sabay ang paghila nito sa akin na sadyang pagkalakas-lakas para mapahiyaw at magpumiglas ako sa sakit.

"Ano ba?! Bitiwan mo ako Zamia?!. Hindi ako babalik., Biti--

"Bitiwan mo siya.".

Sa pagbilis ng tibok ng aking puso ay alam kong si Kristen ito. Dahilan upang magkaroon ako nang lakas ng loob.

"Huwag kang makialam rito tao?!. Kailangan kong maibalik si Kauri." galit na wika ni Zamia, subalit parang walang narinig si Kristen at mas lalo pang lumapit kay Zamia.

"Papayag lang ako kung payag si Kauri ngunit pasensya ka na dahil mukhang ayaw niya." sabay ang paghila ni Kristen sa aking braso para mailayo kay Zamia.
Bakas ang poot ni Zamia sa kanya pero nagawa pa rin niyang ngumisi at kinilatis si Kristen mula ulo hanggang paa.

"Kaya pala ayaw mo nang bumalik,. May ipinagmamalaki ka na pala na animo'y nagpapakalalaki para lamang makuha ka., Hindi mo sila ka-uri Kauri., Kami ang pamilya mo., Sasaktan ka lang nila."

"Pamilya?. Paano ako babalik kung kayo lagi ang nasusunod?. Nasasakal na ako sa inyo Zamia. Kaya umalis ka na. Tayo na Kristen.". hinila ko si Kristen paalis pero natigilan ako sa sumunod na binitiwang salita ni Zamia.

"Kung gayon mamili ka., Babalik ka o buhay nang taong iyan.?. 

Hindi ko maitatago ang sarili ko habang-buhay. Paano si Kristen?. 'Pag hindi ako bumalik,. maaaring mawala siya. Anong gagawin ko?. Ayokong madamay siya rito.  Agad kong binitiwan ang kamay ni Kristen at akmang babalik pero naramdaman kong humigpit ang kamay nito sa akin.

"Stay with me,....
..... please."

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko man iyon naintindihan, alam kong ayaw niyang sumama ako kay Zamia. Nararamdaman ko siya., Pero lalo lang akong naguguluhan., Ayokong mawala siya sa'kin pero ayoko ring mawala siya ng dahil lang sa akin.

"Pag-isipan mong mabuti Kauri., Babalikan kita." patuloy parin ni Zamia bago naglaho na lang na parang bula.

Hindi pa rin tinatanggal ni Kristen ang pagkakahawak niya sa'kin.

"Huwag kang mag-alala., Hangga't nasa tabi mo ako, hinding-hindi ka nila makukuha".

Gusto kong bumitaw,.pero ayoko syang masaktan. Pero ayoko rin siyang mapahamak. Anong gagawin ko.?

"S-si Zamia,. Siya ang--- ang gustong ipakasal sa akin ni Ina.,.. Kristen."

------------------------------------

"KAKAIBAbe"  By: Stalzee_19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon