NEW LIFE, NEW BEGINNING

171 8 0
                                    

-KRISTEN'S POV-

"Nak, mag-almusal ka muna bago ka pumunta sa trabaho mo ha?. Tsaka inumin mo parin yung gamot mo para mas maging okay ka. Ibinilin ka sa'min ng Daddy mo bago siya umalis ng maaga." paalala sa akin ni Manang Fely habang naghahanda na ako para pumasok sa trabaho. Actually hindi naman ngayon yung first time na pumasok muli ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. It's been a month na rin magmula nung bumalik ako sa tunay na ako. Pero yung puso ko?. Naroon pa rin sa dati. Sa nakaraan. Ni walang nagbago. Siya parin ang mahal ko.

"Sige po." sagot ko na lang at sumunod bago nagtungo sa trabaho.

Sa mga nagdaang araw, narealize ko na hindi naman pala ganun kasama si Dad. Masyado siyang nasaktan sa pagkawala ni mommy kaya nawalan siya ng time sa akin . Ayaw niya rin lang akong masaktan at mawala sa kanya kaya niya nagawa kay Kauri yun noon. Kaya naiintindihan ko siya.

Si Henry?. Ayun nagkagirlfriend na rin ang gago. Pero sana lang magseryoso siya dun kasi magmula nang malaman niyang nabaliw ako,. ang bilis niyang lumayo at umayaw. See?. Hindi talaga siya tunay na nagmamahal . Pagnanasa lang ang meron siya. Pero nagpapasalamat nga ako sa pagkabaliw ko dahil kung hindi yun nangyari, ipipilit niya parin ang sarili niya sa'kin. Tungkol dun sa pagkakabaril niya kay Kauri sa balikat, nagmulta siya ng malaki sa batas dahil inunahan niya ang mga pulis. Yeah, hindi ko napansin na siya pala yung bumaril noon. Hinayupak na yun. Anyways okay naman na ang lahat dahil napatawad ko na siya at nanatili pa ring magkaibigan lalo na kay Apple na lagi ring nandyan para sa'kin. Pero ako? I'm trying to be okay.

"Kris, pagkatapos natin sa trabaho , gusto mo mamasyal?." tanong ni Apple sa'kin habang inaasikaso namin ang mga pasyente. Siguro she was just trying to be nice after all, kaibigan ko naman siya.

I smiled at her. "Sure, saan naman?". tanong ko ulit sa kanya.

"Uhm, hindi ko din alam eh hehe pero basta mamasyal tayo para makapagrelax tayong dalawa." saad niya.

"Okay sabi mo eh. Basta ba huwag sa mga romantic places baka mapatay na ako ng jowa mo sa susunod. Mukhang pinagseselosan ako eh😅" . biro ko.

"Sira! Hindi noh!".  indenial pa sya. Sus!.😅

________________

_________

Wala naman kaming masyadong pinuntahan ng babaeng to. Naupo lang kami sa park tapos kumain lang kami ng kumain sa mga fast food restaurant. Tapos nagtungo kami sa mall at bumili ng kung ano.Hays, sobrang namiss ko to.

"Tara sa carnival!😅". masayang sabi ni Apple. At doon ako natigilan. Parang bumalik ulit sa'kin ang lahat.

"H-ha?. P-pero pagod na kasi ako". Palusot ko. Ang totoo , gusto ko pang mamasyal pero huwag naman sa carnival. Masasaktan lang ako.

"Sige na, please?. Last na talaga to tapos ihahatid na kita ha?😅" Pagmamakaawa pa niya kaya wala na akong nagawa.

"Dun tayo sa ferris wheel!" tugon niya at tuluyan akong tinahak.

"Naku naman! And daming pila. Wait lang Kris ha?. Kailangan kong gumamit ng CR babalik ako promise. Mabilis lang to!". sigaw niya habang patakbo siyang umalis. Napangiwi na lang ako sa babaeng yun. At tuluyang binigyang pansin ang mga taong nakasakay sa ferris wheel habang sumisigaw sa tuwa at kaba. Parang kailan lang nung kami ni Kauri ang magkasama. Tuwang tuwa siya lalo na kung umiikot ito pababa.

_____________________________

Oo, ang ganda!😮 Ang laki., Pwede ba tayo diyan Kristen?." tanong nito.

"Oo naman., Pwedeng pwede tayo Dyan., Tara?"..
Sumakay kami ni Kauri at tuwang-tuwa siya. Gustong-gusto ko kapag ngumingiti siya. Turo siya ng turo sa mga nakikita niya sa baba. Para siyang bata though hindi ako natatakot kahit nagbago siya ng anyo dahil wala namang nakakapansin.

"Masaya ka?" out of nowhere na tanong ko.

"Masaya ako Kristen!.😅 Salamat. Ikaw ba? Masaya ka rin ba?". tanong niya sa'kin na ikinatuwa ko dahil gusto niyang malaman ang nararamdaman ko kahit basang-basa niya naman ang reaksyon ko.

"Masaya ka,.Kaya masaya na rin ako!🙌🙌"..😨😨😨 a-ano b-bang nangyayari sa'kin?. Dahan-dahan kong ibinaba ang dalawang kamay na naitaas ko.. at napakamot sa batok ko. I never felt this feeling before. Ngayon lang ulit ako sumaya nang ganito magmula nung mawala si mama.

"Hindi ka madaling magtago nang nararamdaman." napatingin ako kay Kauri na nakatitig sa'kin. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil ang lapit lang nang mukha niya sa'kin. Sakto namang tumigil na ang ferris wheel.

____________________

Isang butil nang luha ang bumagsak mula sa aking mata  pagkatapos kong maalala ito. Paano ko siya makakalimutan kung saan mang sulok ako pumunta naroon pa rin ang alaala niya.

Napatigil ako sa pagmumuni nang mapansin ang isang babaeng nakatayo sa kabilang panig ng ferris wheel. Mahaba ang kulay mais nitong buhok. Matangkad na tila isang modelo at kapansin-pansin ang malaporselana nitong kutis. Hindi ako pwedeng magkamali,.

"K-KAURI??!".

____________________

A/N
ohwemgi!😱
Si Kauri kaya yun?.
Abangan😅😂

"KAKAIBAbe"  By: Stalzee_19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon