"FLASHBACK"

176 6 0
                                    

"Aaaaaaaaahhhhhhh!! HINDI ITO PWEDENG MANGYARI! HINDI MAAARING UMIBIG SI KAURI SA BABAENG MORTAL NA IYON. HINDI! HINDI PWEDE!". Malakas na hagulgol ni Yecca nang malaman ang nangyari. Natatakot siyang maulit ang nangyari sa kanyang Kapatid na si Zinnia sa kanyang anak. Ayaw niyang mawala sa kanya si Kauri.

"Huwag kang mag-alala Yecca. Hindi na mangyayari ang nasa isip mo. Kilala ko ang anak natin kaya na niya ang kanyang sarili. Hindi habang-buhay ay lagi natin siyang madidiktahan ." pang-aalo ni Zacaton sa kanyang asawa.

"Alam ko,. Alam ko naman iyon. Ngunit ako'y isang Ina Zacaton. Kahati na nang buhay ko si Kauri at ayokong mawala siya nang dahil lamang sa pag-ibig ng isang mortal. Ayoko na matulad siya kay Zinnia.".

__________________________

"Mahal kita Zinnia . Kahit magkaiba tayo nang mundo walang makakapaghiwalay sa atin kahit ang kamatayan."

"Mahal din kita Elias. Kahit sa kamatayan ay magsasama tayo.".

"Anong ibig sabihin nito?!" gulat na tanong ni Elias sa kanyang mga tauhan na ngayon ay tinutukan sila nang baril.

"Pasensya na heneral.. kailangan naming gawin ito para sa ikabubuti nang lahat.".

"Kunin ang babaeng halimaw na 'yan."

"Anong ikabubuti nang lahat?! Hindi siya halimaw! Bitiwan niyo siya!.". sigaw ni Elias ngunit humigpit ang pagkahawak ng dalawa sa kanya. Akmang ipuputok ng isa niyang tauhan ang baril kay Zinnia ngunit agad na kumawala si Elias at kasabay noon ang malakas na putok ng baril.

"ELIAS!!" Napasigaw si Zinnia nang makita ang duguang katawan nito.

"Z-zinna,. t--takbo..."  hirap na sambit ni Elias.

Akmang isusunod na siya ng mga tauhan ni Elias nang dumating si Yecca.

"Y--yecca?! Anong ginagawa mo rito?!!".

"Kailangan na nating umalis.! Delikado rito Zinnia. Halika na bago pa dumating si Ina!".

"H-hindi. Hindi ko iiwan si Elias."

"Pero kailangan na nating umaliss!. Ano ka ba Zinnia! Nakikinig ka ba sa mga sinass---"

" Ano ang sinabi ko sa'yo Zinnia?!!".

"Ina?!" Halos sabay na nasambit ni Yecca at Zinnia nang makita ang kanilang Ina na nagngingitngit sa galit.

"Mahal ko si Elias Ina.. pakiusap." pagmamakaawa ni Zinnia.

"Ang mortal na ito ang puno't dulo ng lahat kayat hindi ako magdadalawang isip na burahin siya sa mundong ito.!".

"Pakiusap Ina.. Huwaaaaagg!!".

___________________________

________________________

"At dahil sa pag-ibig at lintik na sumpaan nila.. namatay si Zinnia. Namatay ang Mahal kong Kapatid. Kayat bago pa maulit ang nangyari,.uunahan ko na sila.".

_____________________________

"KAKAIBAbe"  By: Stalzee_19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon