"FEELINGS'

183 9 0
                                    

-KAURI'S POV-

Naalimpungatan ako sa init ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Masyado yatang napatagal ang tulog ko, wala na rin si Kristen sa kabilang higaan. Nagsimula na siguro sila sa trabaho. Inayos ko na ang aking sarili at nag-almusal. Mukhang naghanda pa si Kristen bago umalis. Nakapatong na kasi ang mga ito sa lamesa di man lang ako ginising.😐

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay napagpasyahan kong maglakad lakad muna sa tabi ng dagat. Napakasariwa ng hangin. Napakagandang tanawin, parang nasa kaharian lang ako. Namimiss kuna ang aking ama. Ang aking mga kaibigan ngunit hindi ako pwedeng bumalik. Ipipilit lang ni Ina ang kagustuhan niya na ipakasal ako kay Zamia.

Kung normal na tao lang sana ako, hindi ko mararanasan ang lahat ng ito. Masaya siguro ako at kampante kasama si Kristen. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Gusto ko kasama ko lang siya palagi., Nawawala ang lahat ng aking pag-aalala kapag kasama ko siya. Nakita ko ang lugar kung saan nagtatrabaho sina Kristen. Napangiti ako ng makitang inaalagan niya ang isang matanda. Nakangiti pa siya habang nakikipag-usap rito. Napakaganda niya. Hinding-hindi ako magsasawang titigan siya. Isa sa mga paborito ko sa kanya ang kanyang pilik-mata. Napakahaba at nakaka-aliw pagmasdan habang kumukurap ito.

Bago pa ako mawala sa realidad ay napagdesisyonan ko na lumapit na lang sa kanila.

Kumuha muna ako ng isang boteng tubig sa kabilang lamesa at tuluyan na ngang lumapit sa kinaroroonan niya pero bago pa man ako makalapit ay kitang kita ko kung paanong pinunasan ni Apple ang pawis ni Kristen sa mukha at leeg. Kitang-kita ko kung paano niya ito pinainom ng tubig at kung paano siya nginitian ni Kristen ng pagkatamis-tamis.  Para bang nanginig ang buong kalamnan ko para mabitiwan ang dala kong tubig. May kung anong tumutusok sa kalooban ko para bang unti-unti akong pinapatay.
Babalik na lang siguro ako dahil hindi pala maganda ang tanawin rito.

---------------------------------
------------

"KAKAIBAbe"  By: Stalzee_19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon