Chapter 2: Transferring Out

16 0 0
                                    

Alexa Maureen

Nabato ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Para akong estatwa na hindi makagalaw maski ang kumurap ay pilit kong pinipigilan dahil pakiramdam ko, isang galaw ko lang ay aatakihin ako ng dalawang halimaw na kaharap namin ngayon. Knowing na ngayon ko lamang sila nakita, hindi mo maiiwasang kilabutan at kabahan. I use to only see them in horror and mystery movies but seeing them in person, it seems like your sanity will be gone over you.

Ito na ba ang sinasabi nilang near-death experience? The heck! Ayoko pang mamatay, may misyon pa ko sa mundong ito.

"Maureen, a-ano ng gagawin natin? I'm really scared to death, damn!" Mahinang pahiwatig ni Amaia sa tabi ko na nakahawak pa sa laylayan ng damit ko. Nararamdaman ko ang kaba niya dahil sa panginginig ng kaniyang mga kamay. "Feeling ko maiihi or matatae na'ko anytime soon. Jusko, hindi ko alam ang gagawin ko kung nagkataon man."

Natawa ako ng bahagya sa sinabi nito. Hindi ko alam kung nag-jo-joke ba ito o hindi dahil seryoso naman ang kaniyang boses. Nakalimutan ko na may mga halimaw nga pala kaming kaharap na kailangan naming takasan.

"Just stay at my back and don't move for a while. Susubukan kong humanap ng paraan para makatakas tayo sa mga halimaw na 'to, okay? Just stay behind." masinsin kong sabi sa kaniya sa kontroladong boses.

Napatingin ako sa dalawang halimaw na ngayo'y aakalain mong lobo na naghahanap ng kaniyang masisila. Tila galit na galit ang mga ito at kating-kati ang mga kamay na pumatay ng mga tao. Napaurong ako ng bahagya ng magsimulang maglakad ang mga ito papalapit sa'min. Nilabanan ko ang takot at pangambang nararamdaman dahil sa mga ganitong sitwasyon ay kailangan kong maging matapang para maisalba ang kaisa-isa kong buhay. Walang magagawa kung mananatili akong parang bato sa isang puwesto at hintayin na lang na atakihin at patayin ng mga halimaw na'to. We need to escape. We need to survive dahil naniniwala ako na hindi pa ito ang katapusan namin.

"Amaia listen, I will count on three and when I say three, that's the cue. Tatakbo tayo sa makipot na iskinita na 'yan at sa pangatlong poste na makikita mo ay may isang lumang bahay doon, you will enter that abandoned house at ako nang bahalang iligaw sila. Don't worry, I'll be safe. What's the use of my ability then?"


Ito na lamang ang mga naiisip kong paraan para makaligtas, or atleast mailigtas man lang ang aking kaibigan at bahala na'ko sa aking sarili. Pero sa totoo ay walang kasiguraduhan kung makaliligtas ako. They're two and I'm only one, dehado ang laban.


"Nababaliw ka na ba, Maureen? Itataya mo ang buhay mo para---


"It's now or never Amaia!" I cut her in mid-sentence, at napansin ko ang pagtaas ng boses ko. "Ang mahalaga ay ang ngayon at kailangan nating makaligtas. Kailangan mo lang manalig at magtiwala sa'kin, can you do that?" pamimilit ko sa kaniya na makuha ang kaniyang simpatya.


"Are you sure you can handle them? Kasi hindi ako titigilan ng konsensiya ko kapag may nangyari sa'yong masama. Just tell me if you can really deal with them." She said in her most worried tone. Nangingilid na rin ang mga luha sa mga mata nito. Ngayon ko lamang nakitang nag-breakdown na ganito si Amaia. She must've been experiencing such tough situations like this and it must've been really hard to overcome it too. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Nasanay kasi akong lagi itong nakikitang masaya at nakangiti lang.


"I can and I will. I'll promise I won't get hurt. Matibay yata ang kaibigan mo." Mahinahon kong sabi at ngumiti ng matamis. Hindi ko alam kung ito na ba ang huling pagkakataon na makakangiti pa ako. Our life is at stake and in the first place, hindi naman namin hawak ang buhay namin. "You know, sa ating dalawa, kung mayroon akong 20 percent of survival rate may 5 percent ka lang na mabuhay. I have my offense- for atleast, but you don't even have the opportunity to fight. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yong masama. Kaya, nangangako ako sa iyo, makakaligtas ako sa mga halimaw na 'yan."


Something ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon