Chapter 1. The Encounter

24 1 0
                                    


Alex Maureen

"Maureen!"

" You need to hide"

"Ruuunnn!"

"No, I can't--

"Arckk--

"Nooooooo!!!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa isang masamang panaginip na 'yon. Nitong mga nakakaraang linggo, dalawa o tatlong beses ko na yata itong napaginipan but it's vague and unclear. The scene was blurry and the vision was nothing but an enigma. Walang kasiguraduhan kung nangyari na ba ito  o mangyayari pa lang. I don't know but I have this feeling na may kinalaman ito sa akin, sa pagkataong nananalaytay sa aking dugo.

I am warned by a snap at mabilis na hinanap ang cellphone ko. Wala ito sa katabing table ng kama kaya kinapa-kapa ko pa ito sa higaan at sa ilalim ng unan ko ito natagpuan. Tinignan ko kung anong oras na and to my surprise,

7:30 am

Great! Just great Alexa.

Mabilis akong tumakda para gumayak dahil late na ako sa unang araw ng klase ko. The class will start at 8:00 and yet I only have freaking 30 minutes to tidy up myself. I usually don't use alarm clocks dahil sa nakakarindi nitong tunog at bukod sa ibabalibag ko lang naman ito, magsasayang lang ako ng pera. Hindi ko rin naman gawaing mag-set ng alarm sa cellphone dahil ayokong naaantala ang tulog ko kaya umaasa na lang ako sa tinatawag nilang body alarm.

Aside from that, the reason why I don't use any alarm clocks is because of my unusual ability. I have an specialized sensory which I can manipulate and control my senses in extraordinary way. Mahirap man paniwalaan pero kaya kong makakita kilometers away, makarinig 10 miles radius, at malakas din ang aking pang-amoy na mula sa malayo, ay naaamoy ko ang fragrance at dugo ng kakilala kong tao. At tiyak na mababasag ang aking eardrums the moment na ma-trigger ang special hearing device ko, and I don't expect that to happen, never.

Mga limang minuto lang siguro akong naligo at mabilis na nagsuot ng uniform. My school's code of uniform is a maroon long sleeve blouse paired with skirt na may kaparehong kulay nito. Sinunod kong isuot ang neck tie, at natatarantang nagsuot ng medyas at sapatos. Wala na akong pakialam kung balanse pa ba o hindi ang pagkakasuot ko ng medyas dahil kailangan kong i-wrap-up ang mga natitirang oras sa pinakamabilis na paraan. Hindi ko na nga nagawang mag-almusal pa o kumain man lamang ng isang kapiraso ng tinapay dahil babiyahe pa'ko. Kung sana ay superspeed ang taglay kong kakayahan ay baka mabilis pa sa alas dose akong gumayak at nandoon na sa school kanina pa. Nang makapagbihis at kahit papaano'y makapagsuklay ng buhok ay isinukbit ko na ang aking bag at walang anu-ano'y isinarado at ni-lock ang pintuan ng kuwarto.

Patakbo akong bumaba sa hagdan ng apartment na tinutuluyan ko at mabilis na lakad-patakbo papunta sa garage.

"Good Morning, Alexa, mukhang nagmamadali ka yata?" Masayang bati ni manong guard na nadaanan ko sa labas. Ngiting-ngiti pa ito na parang nag-commercial lang siya ng close-up na toothpaste dahil sa napakaputi nitong mga ngipin. Hindi iyon maikakaila dahil may kaguwapuhan din naman itong si Kuya Flynn, the manong guard.

Seriously kuya? It's very obvious na nagmamadali ako dahil late na'ko, baka hindi lang late, super late pa.

"Late na po kasi ako sa klase ko eh." tugon ko naman at pinaunlakan din ang ngiti niya.

"Ganon ba? Good luck!" sabi pa nito bago ako nagmamadaling nagtungo sa paradahan ng mga sasakyan. Goodluck talaga sa akin.

I press the key of my car and the moment I hopped-in, I abruptly start the engine and drive fast. Tirik na tirik na ang araw nung makalabas ako sa subdivision at marami na rin ang mga tao na palisaw-lisaw sa kalye. Bukas na rin ang mangilan-ngilang stools at mga establishments na nagtitinda ng mga iba't ibang paninda. Malapit lang naman ang school na pinapasukan ko sa tinutuluyan kong apartment and it'll only take 8 minutes of travelling ahead. Pero sure ako na may teacher na akong aabutan mamaya dahil wala ako sa ibang bansa para hindi maipit sa traffic. Inexpect ko na mangyayari na 'to and I need to prepare myself for a good remarks of me, being late on my first day of second semester in college.

Something ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon