P R O L O U G E

28 2 4
                                    

Something Extraordinary

I'm just a typical girl you might see on the line of teenage party's.

May pangarap sa buhay at may gustong marating na pwedeng ipagmalaki sa ibang tao.

Tahimik, masaya at kuntento sa kung anong bagay ang mayroon ako— My family, "friend", my interests and such crazy and nonsensical things.

Sometimes, I'm a bit sarcastic and mean to someone annoying. Ayoko ng distractions. Ayoko rin ng atensiyon ng ibang tao. I'm not that "attention seeker" after all. Gusto ko lang mamuhay ng naaayon sa gusto ko. But hey! Not what you think off. I'm not a total loner or a girl whose fading on the background. Hindi ako yung tipong tao, to be specific, a student wearing spectacles while holding some piles of books. Just the usual quality of college life.

Not until... something strange happened at that day. Something odd na hindi ko lubos na paniwalaan. Hindi ko na matandaan ang eksaktong pangyayari pero binago no'n ang kalahati ng pagkatao ko. To be exact, nabago ang nananahimik kong buhay.

Nang malaman kong may kakaiba sa akin. Naging mailap na ako sa mga taong nakapaligid sa akin pero hindi ko pinahahalata. Hindi na ako gaanong nakikipag- usap except sa nag- iisa kong kaibigan. Masasabi mo na ngang hindi na rin ako naiiba sa mga bespectacled na mga estudyante. Siguro ay pwede mo na rin akong gawaran ng award na "most behave" sa klase namin dahil sa sobrang imik kong magsalita.

And Sometimes I have to lie. I have to make- face. Kailangan kong magsuot ng maskara para lang matakpan ang pagkataong nananalaytay sa aking dugo. I have to do that, for my safeties. For the betterment and tranquility of my teenage life. Dahil gusto ko pa ring mamuhay ng normal. Kagaya ng dati. Nakikihalubilo sa iba. Nakikipag kwentuhan, tawanan, biruan at iba pang bagay na hindi kakaiba.

Booommm!!! Booommm!!! Booommm!!!

Tunog 'yon ng tatlong magkakasunod na tama ng baril sa kung saan and thereafter, I heard the screams of people somewhere. Umiiyak sila na para bang natatakot.

“Dapa! Walang gagalaw sa inyong lahat kung ayaw niyong malagutan ng hininga ang batang 'to!”

“Ma-mama...,” iyak ng batang boses babae.

“Ilabas niyo lahat ng pera niyo! Madali!”

May nakawang nagaganap. Hinagilap ko kung saan nanggagaling ang mga gumagawa ng masasama. Pero wala namang nagkakagulo sa paligid. Maybe it has something to do with my special hearing device— not again.

Tsk!

I decided not to engage myself at the chaos. Dahil baka malaman ng mga tao kung anong uri ako ng nilalang. Ayaw kong dumating sa punto na kinatatakutan ako ng lahat. Kinamumuhian at pinandidirihan. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, kasalanan ko bang maging isang concerned citizen?

Binagalan ko ang patakbo ng kotse ko at nilibot ang dalawang mata ko sa labas. Nahinto sa isang direksiyon ang paningin ko. Biglang nag- zoom out ang cornea ng mga mata ko na parang lense ng isang DSLR camera. Maya-maya ay nag- focus ang paningin ko sa isang Department store.

Nakikita ko ngayon ang tatlong maskuladong lalaking nakaitim ng jacket, nakabonet at nakasuot ng mask. Hawak ng isa ang batang babae habang nakatutok sa sintido nito ang baril. Ang isa ay mabilis na inilalagay sa isang itim na back pack ang mga pera sa cashier. Habang ang isa naman ay nakabantay sa mga kaawaawang tao na nakadapa at walang magawa kundi magpakontrol sa utos ng tatlong lalaking gumagawa ng krimen.

Tsk! People.

Mas pipiliin pang gumawa ng maling bagay at pasukin ang mga masamang gawain kaysa sa magbago at magpakabuti. Siguro nga, ganoon na talaga ang mga tao. Kung sino ang masama, ay mas lalo pang magpapakasama. Kung sino naman ang mabuti, ay mas lalo pang magpapakabuti. I must say, I prefer the latter one.

Tinawagan ko muna ang stasyon ng mga pulis at isinalaysay ang nakita ko. Sinabi ko kung saang lugar nagaganap ang nakawan. Matapos no'n ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko at hinayaang tangayin ng hangin. Sa isang iglap, nasa tapat na ako ng Department store.

Hindi na ako nag-atubili pa at lumabas na ako ng sasakyan. Kaagad akong pumasok sa loob para pigilan ang mga lalaki sa masamang hangarin nila.

“At sino ka naman, babae?” sabi ng lalaking sixth footer at itinutok sa akin ang baril niya.

“Dapa! Kung ayaw mong mamatay ang batang 'to!” sabi naman ng lalaking medyo napasobra sa kain. Nasa tapat ko lang siya kaya magagawa ko nang mabilis ang plano ko.

Itinaas ko ang mga kamay ko na nagpapahiwatig na sumusuko na ako.

“Okay, okay. Madali akong kausap.” pero hindi 'yon ang pakay ko. Dahan- dahan akong umupo at akmang dadapa pero hindi 'yon ang ginawa ko.

I quickly slide my right foot towards the marauder near my spot to make him imbalance. Bago pa siya makabawi ng tindig ay malakas ko siyang siniko sa batok niya. Bumagsak siya sa sahig at mahimbing ng natutulog.

1 down....

Mabilis naman akong lumapit sa lalaking matangkad at binigyan ng malakas na pwersa ng sipa ang kamay niya dahilan para mahulog ang hawak niyang baril. Now that he's disarmed, I can punch him whenever I want.

Humugot ang lalaki ng buwelo at nagpakawala ng mga suntok. I move my body in motion sideward and then downwards to dodge his punch and when I saw the window of opportunity, I gave the villain an upper cut and a full force kick at his abdomen. Napahiga siya sa sahig at namilipit sa sakit.

2 down....

Hinarap ko naman ang lalaking nasa cashier section at parang walang pakielam kung mamatay na ang mga kasama niya, magawa lang nang matagumpay ang pakay nila. Akmang tatakbo na ang lalaki pero mabilis akong nakalapit sa kaniya. I jumped out through the air and make my body moved a backward pull. I landed effortlessly at the front- face of shock villain, whose carrying the bag of money.

Naka-crossed arm pa ako habang nakataas ang isa kong kilay.

“Huwag ka munang umalis, mister thief. Nagsisimula pa lang ang palabas. Hayaan mo munang mag-enjoy ako. ” mayabang kong sambit.

“Huh! Sa tingin mo mapipigilan mo ako? Hindi! Mamamatay ka na!” madiin nitong sabi. Humalakhak pa ito na parang nasasapian.

Nakita ko ang pagdukot nito ng isang swiss knife sa likod ng pants niya at itinutok sa akin. He move his left hand, holding the knife forward as quickly as he can, trying to stab me at my chest. Prente lang ang pag-iwas ko sa mga tira niya.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, hindi ko inaasahang makakalusot siya papunta sa likod ko. Pero bago niya pa ako masaksak sa leeg ko, ay napigilan ko na ang kamay niya. Pinilipit ko ito at mula sa aking kamay na nakahawak sa kaniya ay dumaloy ang kakaibang enerhiya na siyang nagpabitaw sa kutsilyong hawak niya. Nagliwanag ang aking mga palad at sa hindi malamang dahilan, may kung anong lumabas doon. Pagkatapos no'n ay marahas kong ibinalibag ang lalaki sa sahig. Napapikit ito sa sakit na naramdaman at ngayon ay iniinda na niya ito.

“Arrrrgggghhh!!”

The moment the Police Officers had came their way to arrest the three suspects, I decided to drove fast away from the crowd. Tinitigan ko pa ang aking mga kamay at nararamdaman ko ang hindi pangkaraniwang lakas na dumadaloy doon. Hindi ako makapaniwala na magagawa ko ang mga gano'ng bagay sa sariling kakayahan ko lamang. Nagliliwanag pa rin ang mga kamay ko hanggang ngayon at hindi ko maiwasang mangamba.

That was the time I felt something bizarre.

I felt something unusual with my strength.

I felt something new across my life.

I felt.... Something Extraordinary.

Something ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon