Rangel

198 5 0
                                    

"Tulong! Tulungan nyo ako! Hayop ka! Wag mo ako hawakan!!! Tulooooooong!"  umiiyak kong hikbi habang ang isang lalaking nakapulang maskara sa buo nyang mukha ay pilit hinahawakan ang aking kahubaran. Sobrang higpit ng pagkakatali nya na kahit anong piglas ko ay ako rin ang nasasaktan. Kitang kita ko ang pagnanasa sa mga mata nya. Tinititigan ko sya para masaulo ko ang hugis ng mata nya maging ang mukha nya kahit natatakluban ito ng maskara.
"Parang awa nyo na tulungan nyo ako! Tulong! Tulong!" wala na ako halos boses at lakas. Di ko alam bakit alas dos ng hapon ay walang makarinig sa akin sa dorm na ito. Mas nawalan ako ng lakas at pag asa ng sinuntok nya ako dahilan upang mawalan ako ng malay.

"Gel! Gel! Gosh girl wake up! It's a nightmare."

Humahangos habang lumuluha akong napabangon. Napatingin ako sa kabuuan ko at mas napaiyak ako. I hate myself. Sobrang dumi kong tao. Wala na tatanggap sa akin.

"Rangel Deneese, wag mo naman ako takutin oh. Napanaginipan mo na naman ba? Hay. Sabi ko naman sayo let's go see your psychiatrist for your second session. Maybe this time it will be better. Everything will be okay Gel." paghagod sa akin ni Jannah. She's my bestfriend since we're kids. Hindi ko alam kung dito na ba sya nakatira simula noong araw na kinamumuhian ko o pumupunta lang talaga sya araw araw para siguraduhing buhay pa ako. Hindi ko alam. Miski nangyayari sa labas ay hindi ko alam. Wala akong balita. Walang nagbabalita. Iyon ang maganda. Iyon ang mabuti.

Everything will be okay. Yan naman ang sinasabi ng lahat eh. Na magiging okay din ang lahat. Na babalik rin sa dati. Na makakalimot rin ang tao, makakalimutan ko rin. Palagi nilang sinasabi na makakabangon din ako. Saulo ko na nga yata ang linya nila.

Ang dali na lang sabihin na para bang wala na itong kahulugan. Di ko na mabilang kung pang ilang buwan na ako dito sa kwarto ko na hindi lumalabas. Walang iniimikan. Kung tatanungin nila ako, tango o iling lang sinasagot ko. Di ko na rin tanda kung kailan ba yung first session ko sa Psychiatrist na yun. Hindi naman ako baliw. Hindi pa.

Pero pakiramdam ko, nababaliw na ako sa bawat araw na dumadaan na buhay pa rin ako. Gusto ko na lang mawala. Gusto ko na maglaho sa mundong to. Sa mundong puno ng panghuhusga. Sa mundong ang tanging hiling ay makibagay ka para pakisamahan ka. Dahil pag nagstandout ka, hindi ka ibebelong. Ipaparamdam sayo na di ka karapatdapat.

"Rangel, hey look at me. Free yourself please. It's almost half a year yet you're still stuck in this room. You can't just lock yourself here. You'll never heal in this 4 corners."
Jannah, akala ko ba everything will be alright? Eh bakit pinipilit mo ako ngayong lumabas at makihalobilo?

"Rangel...."

"Anak, Jannah, nandyan na si Jeremiah. Sige na. Pasok ka muna. Ako muna magbabantay kay Gel"

Mom treats Jannah as her daughter too since lumaki nga kami ng magkasama. Jeremiah is her boyfriend. I envy her kasi going strong sila.

I heard the door closed. Hindi naman ako siguro major case kasi nakakabangon pa naman ako. Naririnig ko pa sila. Hindi ako parang lumulutang na lang. Well, minsan oo.

Ilolock ko na sana ang pinto nang marinig kong nagtatalo si Mommy at Jannah

"Tita Mommy, anim na buwan na syang ganyan! Wag nyo na syang ibaby!  Kailangan na nyang magpagaling! Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo natin! Kung ayaw nya, pilitin natin sya! Kung kailangan nyang buhatin at sapilitang dalhin sa doktor gawin natin!"

"Jannah kilala mo bestfriend mo. Kapag ayaw nya --"

"Ayaw nya. I know. Pero ta, hanggang kailan?" ang sakit marinig na ganon na pala ako kapabigat kay Jannah. Pero mas masakit yung pag iyak nya. Mas sensitive ako sa kanya. Mas iyakin ako. Kaya sobrang bilang lang ang araw na nakita ko syang umiyak. At ngayon, kahit di ko nakikita, nararamdaman ko kung gaano kasakit at kabigat ang kanyang nadarama. Pero di naman kasi nila ako naiintindihan. Ang dali namang sabihin na kaya ko basta magtiwala ako sa sarili ko.

Sudden ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon