"Paraaa!" isang sigaw ang napagising sa aking pagkakaidlip
Hindi pa man ako tuloyang napamulat ng aking mga mata ng napahawak ako ng mahigpit sa aking kinauupuan dahil sa biglaang paghinto ng sinasakyan kong bus.
Shit. What's going on?
Maya-maya pa'y may narinig akong kalabog sa labas ng bus.
"Pasakay po!" narinig kong sigaw ng isang tinig na nanggagaling sa labas
Itinaas ko ang aking ulo upang tignan ang kapwa ko pasahero dahil sa pagtataka. Wala kasi akong ingay naririnig sa kanila kahit na may nangyayari sa labas.
Pagkainip
Ang mababakas sa kanilang mga mukha___pagkainip dahil sa kung sino mang nangbubulabog sa labas ng bus.
Napabugtong hininga ako at shaka umayos sa pagkakaupo habang hinihintay na lamang ang sumunod na mangyayari. Maya-maya pa'y may isang nilalang ang biglang pumasok sa bus.
Napakunoot ang aking noo.
What is that?
Hindi ko maaninag kung babae ba o lalaki ang pumasok sa loob ng bus. Dahil sa buhok na natatakpan ng kanyang mukha. May bitbit syang malaking basket na hindi ko mawari kung saan gawa yun dahil sa sobrang kalumaan nito. Ilang segundo ko syang tinaponan ng tingin saka umiwas
Weirdo.
Magkalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ulit ang paggalaw ng bus. Kaya kinuha ko ang aking earphone at handa ulit isaksak sa aking mga tainga ng biglang
"Jesus!" sigaw ko sabay soksok ng aking sarili palapit sa bintana ng bus
Nagulat ako ng nasa tabi ko na yung kakapasok na weirdo kanina
And it almost give me a heart attack
"Patabi ha?" sabi nito
Wala pa akong sinabi ay kaagad na itong umupo sa aking tabi.
Ano pa ba ang magagawa ko?
Naiinis na umayos ako ng upo sa aking kinauupuan
Bakit ba kailangan dito pa sya umupo? At bakit ba pinapasok ang taong ito? Paano kung magnanakaw to?
Napatingin naman ako sa kanya. Mula ulo hanggang paa.
She a she.
Imbes na umiwas ng tingin sa kanya ay mas pinagmasdan ko sya ng mabuti
Ghadd.. I didn't know it still exist in this era. For Pete' sake!
Nakasuot ang katabi kong babae ng isang sayang dilaw na parang kapanahonan pa ni Rizal . Nakatsinelas rin ito at may hawak na tungkod. Idagdag pa ang dalang nitong basket. Seriously? Anong trip ng taong to?
Nagulat ako ng biglang syang gumalaw. Kaya kaagad akong iwinasiwas ang aking tingin.
Mula sa aking peripheral vision ay alam kong natingin sya sa akin na aking ikinailang. Kaya kaagad kong isinaksak sa aking tainga ang aking earphone at ipinikit ang aking mga mata
Ilang minuto ang lumipas ng biglang may naramdaman akong may tumutusok sa aking braso kaya napamulat ako. Bumungad sa aking pagkamulat ang dalawang paris ng maiitim mata. Napadikit ako sa aking upuan dahil sa pagkagulat
"W-what?" nauutal na sabi ko ng napagtanto kong ito ay ang aking katabi
Hindi na natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha pero ganun pa rin ang ayos nito. Magulo. Lalo na ang kanyang buhok