Chapter 3

0 0 0
                                    


"M-me?" nagtatakang turo ng lalaki sa kanyang sarili

Kaagad akong lumapit sa kanya at binigyan sya ng mahigpit na yakap

"Shit!" sigaw ng kayakap kong lalaki habang pinipilit alisin ang aking kamay na nasa kanyang bewang. At ng tuluyan nya ito natanggal ay mabilis syang lumayo sa akin

"What were you thinking  to hug me? Are you out on your mind?" asik nito

Imbes na intindihin ang lalaking nasa aking harapan ay humakbang ako patungo sa kanyang gawi

"W-what?" napaatras sya ng isang hakbang

Itinuro ko ang dahilan kung bakit ako napayakap sa kanya. Napatingin rin naman sya dito

"University of Lime" napatingin ako sa lalaki dahil sa kanyang sinabi

"Ano ho?" takang tanong ko

"University of Lime" ulit nito

"U-university of L-l....." nahihirapan na bigkas ko

"Lime" nakakunoot-noo nitong sabi

"L-lime. University of Lime" namamangha kong sabi

Napangiti ako

Mommynay, Daddytay nakita ko na po. Nakita ko na po

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig dun dahil sa pagkalula sa laki at lapad ng lugar na yun. Ang ganda nito. Mayroong itong iba't-ibang kulay sa loob. At higit sa lahat ay maraming tao naglalakad sa loob nito.

Sila na ba ang mga kamag-anak ko?

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Ilang sandali pa akong tumitig run ng natauhan ako at hinarap ang lalaking tumulong sa akin upang pasalamatan ngunit sa aking paglingon ay wala na ito sa kanyang kinalalagyan. Inilinga-linga ko ang aking ulo upang hanapin ang lalaki ngunit iba ang nahagip ng aking mga mata

Lumapit ako ng kaunti sa sinasabi ng lalaki kanina na " University of Lime" __ Ang lugar na hinahanap ko. Nang makalapit ako rito ay napahawak ako sa malaking rehas na nasa harapan ng lugar na iyon. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang isang lalaki at babae nakatalikod sa aking gawi habang nakaharap sa mga kumpol na kumpol ng kababaihan na nagsisigawan.

Anong nangyayari? Bakit sila sinisigawan? Galit ba sila sa kanila? Bakit?

Hindi ko na lamang yun pinansin at tumalikod na upang kunin ang aking naiwan na mga gamit. Habang papatungo na ako dun ay may nakabangga akong isang babae

"Pasensya na po" kaagad na hingi ko ng tawad

Tinitigan lang ako ng babae at saka yumuko upang pulutin ang ilang gamit nyang nahulog sa sahig. Agad rin naman akong yumuko upang tulungan sya. Inabot ko ang isang bagay na tingin ko'y pagaari nya ngunit bago ko pa man ibigay sa kanya ito ay napatitig ako sa bagay na hawak ko.

Balisong. Isa itong balisong

Hindi nagtagal ang titig ko dun ng may humablot nito sa aking kamay. Napaangat ako ng tingin sa humablot dito.

Nandidilim ang mga mata ng  babaeng aking nakabangga

"Pasensya na po. Hindi ko sinasadya" tinitigan nya ako ng matalim bago nya ako iniwan

Sinundan ko sya ng tingin ng may pagtataka. Pumasok sya sa malaking rehas na nasa aming harapan__ Ang University of Lime. Abot tenga ang kanyang ngiti sa isang  lalaking nakaputi. Napangiti rin ang lalaking sa kanya

Hindi ko maalis ang aking tingin sa babaeng yun hanggang sa nakalapit ito sa babaeng nakatalikod kanina. At ng sobrang lapit na nito sa babae ay kaagad nitong inilabas ang balisong na nakatago. Sa sobrang gulat ko ay kaagad akong tumakbo papunta sa kinaruruonan ng malalaking rehas ng lugar na iyon at malakas na sumigaw

"IWAS!!!"

Maaga akong nainis sa araw na ito sa kadahilanan na pinagbantay ako ni Mom sa babae kong pinsan. Kauna-unahan kasi itong papasok sa eskwelahan at kinakailangan may bantay dahil maraming tao ang may galit dito. At ng tanongin ko sya kung bakit ay sinabi lang nitong wag na akong masyadong matanong at sundin nalang ang utos nya

"Walter, you don't need to follow tita's order. I'm going to be fine I assure you" sabi ni Mia na aking pinsan

"Sorry to say but I need to follow Mom's order or else I'm the one who's gonna be in trouble"

Napairap naman sya sa sinabi ko at agad binuksan ang kotse. Lumabas na rin ako sa kotse at humabol sa kanya

Gaya ng nangyayari palagi ay sinalubong ako ng mga babaeng nagkukumpulan na sinisigaw ang pangalan ko

"Wow. Heartrob" kumento ni Mia

"I'm not. They we're just dumb" natawa si Mia sa sinabi ko

Ang pagtawa ni Mia ay napalitan ng pagkakunoot-noo ng may narinig kaming sigaw

"IWAS!!!"

Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses ngunit sa aking paglingon ay aking ring ikinagulat . Isang babae ang may hawak na balisong ang akmang sasaksakin si Mia. Kaagad kong hinila si Mia sa kanyang kinatatayuan at itinago sa aking likod upang protektahan. Nanlilisik ang mga matang tumingin ang babaeng gustong sumaksak kay Mia sa akin

"Jerk! Wag kang makisali dito!" sabay sugod sa direksyon ko ngunit hindi pa naman tuluyan syang makapalit ay hawak na sya ng mga security guard ng school

"Let me go! Let me go! I need to kill her! I need to kill her!" sigaw nito habang inilalayo

Nang tuluyan na itong nawala sa aming paningin ay napaharap ako kay Mia

"Mia, Are you okay?"

"God" utal nya sa nangyari

"What? Is something wrong?Are you hurt?" kaagad namang nyang pinakita ang kanyang braso na may bahid ng dugo

"Shit! Call an ambulance!" utos ko sa mga taong nakapaligid sa amin

"Seriously Walter? Ambulance? It just a scratch"

"But its bleeding!"sigaw ko

If something happen to this girl my mom gonna kill me. Oh God, I want to live longer

" Yeah, it bleed but it's not that serious. Band-aid well be enough"

"No, we gonna go to the clinic to check it"

Napangiwi sya sa sinabi ko

"Okay" she said simply

Hinila ko ang kamay nya ngunit hindi sya gumalaw sa kanyang kinatatayuan

"What now? " naiinis na sabi ko

Tumingin sya sa akin

"Who own that voice earlier?"tanong nya sa akin

Matagal  akong napatingin sa kanyang mata saka napabuntong hininga

I saw a security guard so I point him using my pointed finger to come to me. Then he politely follow

" Who own that voice earlier? Who shouted?" may iritasyon na sabi ko sa kanya

Well, tama lang na mairita ako sa kanila because they not doing right their job. Look what happen to my cousin. If that someone didn't shouted. What will be happen to my cousin now? Of course, Bleeding as hell

"Sir, tagalabas po yung sumigaw"

From Outside?

"Then find that person and bring to me"

"Yes sir"

Binalingan ko ng tingin si Mia

"C'mon, let's check your wounds in the clinic"

A Nitwit DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon