Chapter 2

0 0 0
                                    


"Miss?Miss?Gising na..." napamulat ako sa aking mga mata dahil sa mabahong amoy na aking nalalanghap

Kaagad akong napatakip sa aking ilong ng bumungad sa akin ang isang bunganga na pagmamayari ng isang matandang lalaki

"Sa wakas naman ay gising kana. Ito na yung last stop ng bus kaya bumaba kana" sabi ng matanda na kumakamot sa kanyang puwetan

Napalinga-linga naman ako sa aking paligid

"Tatang? Nasaan po ako?"

"Nasa terminal tayo. Tumayo kana dyan" sabay amoy ng kanyang kamay na kagagaling sa kanyang puwetan

"Terminal ho?"

"Oo, halika ihahatid na kita sa labas" sabay lahad ng kanyang kamay

Napatitig naman ako sa kamay nyang nakalahad. Yung kamay na kakagaling lang sa kanyang puwetan. Imbes na abutin ang kanyang kamay ay kinuha ko na lamang ang aking bibit na mga gamit

"Salamat nalang ho" nagumpisa na akong tumayo

Nang nasa labas na ako ng sasakyan ng muli akong tinawag ng matandang lalaki kanina

"Bakit ho?" tanong ko sa matanda ng makalapit ito

"Wala ka pang bayad"

"Bayag ho?"

"Oo, bayag. Kaya Bumayad ka"

"Bumayad ho?"

"Bumayad. Magbigay ng pera" napakamot ako sa aking ulo

"Hindi po ba libre ?"

"Aba, sa panahon ngayon walang libre sa mundo! Kaya magbayad kana"habang nakalahad sa aking harapan ang kanyang kamay

Dahan-dahan ko namang binuksan ang aking sisidlan at kinuha ang isang panyo. Binuksan ko ito at kinuha ang perang nakalagay dun. Perang pagmamayari ni mommynay at daddytay.

"Magkano po ba?"

"Isang libo"

"Isang libo po? Ang laki naman po" gulat na sabi ko

"Aba, mas mura pa nga iyon kaysa sa totoong pamasahe mo. Kaya akin na, bilis" binilang ko ang perang hawak ko

"Walong daan lang po ang meron ako"

"Okay na yan, akin na" sabay agaw ng pera sa aking kamay

Wala akong nagawa kundi hayaan na lamang sya. Binilang nya ito ulit sa aking harapan bago  umalis ng walang paalam.

Natunganga akong napatingin na lamang ako sa kanyang likod habang siya'y naglalakad. At ng mawala ito sa aking paningin ay kaagad kong tinignan ang aking paligid

Nasaan ako? Asan yung lalaking may berdeng mata kanina? Sabi nya tutulungan nya ako pero nasaan na sya?Paano na ako ngayon? Wala akong alam sa lugar na ito. Saan ako pupunta?

Kaluluwas ko lang sa aming probinsya. Nagluwas ako magisa dahil wala na along natitirang kamag-anak. Patay na ang mommynay at daddytay ko dalawang taon na ang nakakalipas. Naiwan akong magisa. Naiwan akong malungkot

Isang araw habang ako'y nanghahalungkat ng mga gamit na pagmamayari nila mommynay at daddytay ay may nakita akong isang papel na may nakasukat. Dahil sa kakulangan ng kaalaman ay hindi ko mabasa ito kaya ibinalik ko lamang ito sa aking pinagkuhaan ngunit lumipas ang ilang araw ay ito ang nagpapagabag sa akin kaya naisip kong lumuwas sa bayan upang itanong ito. Napagalaman ko na ito ay "Address" kung saan pinagtitirahan ng tao. At dahil dun ay bigla kong naisip na baka dito nakatira ang ibang kamag-anak nila mommynay at daddytay.

Gusto ko silang makilala. Gusto ko silang makasama. Ayaw ko na ang magisa

Kaya kahit walang kasiguraduhan ay lumuwas ako sa tinatawag nilang Manila. Buong ang desisyon kong hanapin sila

Suot ang pinakadisenteng saya na ipinamana ni mommynay sa akin na minana rin nya sa kanyang mama na minana rin ng kanyang mama sa kanyang mama na ngayon ay sinusuot ko na upang sa pakikipagsaparalan sa bagong lugar. Dinala ko rin ang paborito kong sisidlan at ang kaisa-isang tungkod ni daddytay upang gawing pangdepensa sa mga taong nangnanalamtala.

Napabalik diwa ako ng may naramdaman akong kumakagat sa aking mga braso. Napatingin ako rito. Lamok. Kinakagat ng maliit na lamok ang aking mga braso. Napangiti ako

"Bakit ang liit nyo? Hindi ba kayo pinapakain?"

Hindi kasi ito gaya sa aming probinsya. Ang liliit ng mga lamok na ito para bang isang taong hindi pinapakain

Kawawa naman

Maya-maya pay' dumami na sila ang kumakagat sa aking braso kaya nakaisip ako ng paraan upang hindi na sila magsiksikan sa aking braso. Dahan-dahan kong itinaas ang aking saya. Natuwa naman ako ng lumipat ang iba sa kanila

"Sige, kain lang kayo. Masarap naman ako"



Nang napakain ko na ng sapat ang mga lamok kaagad akong naglakad

Kung hindi man ako tinulungan ng lalaking may berdeng mga mata ay hindi ibig sabihin na kaagad akong susuko. Desidido akong mahanap ang lugar na iyon

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit madilim ang daan. Lakad ng lakad ng lakad ang aking ginawa hanggang sa nakaramdam ako ng pagod ay napagdesisyonan ko munang tumigil sa isang tabi

"Mommynay, Daddytay magpapahinga muna po ako, pangako po hahanapin ko ang lugar na iyon upang magkasama na kami"

Ang pagpapahinga ay napunta sa pagkakatulog ng dahil sa pagod.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na ingay kaya kaagad kong kinusot ang aking mga mata upang makita kung saan nanggagaling ito

"Hey! Get out of the damn way!" sigaw ng isang lalaki habang nasa loob ng isang bagay

Hindi ko malaman kung ano ang kanyang pinagsasabi kaya nanatili akong nakatingin sa kanya

"Hell! Get out of the way!" muling sigaw into

Muli ay hindi ko sya naintindihan kaya napailing na lang ako at ng dahil sa aking ginawa ay sunod-sunod kong narinig ang kaparehong ingay na napagising sa aking pagkatulog kani-kanina lang

Hinanap ko kung saan ito nagmumula. Ngunit nagulat ako ng may humila sa aking braso at kinaladkad ako patungo sa isang tabi. Pabagsak akong binitawan sa kung sinoman ang humila sa akin. Naramdaman ko ang pagtama ng aking noo sa isang matigas na bagay

"Damn! If you want to die get a fucking gun and kill yourself! Wag sa daan at ng wala kang maperwisyo ibang tao!"

Kahit masakit ang aking noo ay pinilit kong itaas ito upang makita ang lalaki. At ng nagtagumpay ko itong nagawa ay nanlalaking mata akong napatitig sa kanya. Ramdam ko rin ang pagnganga ng aking bunganga sa aking nakita.

Mababakas sa mukha ng lalaki ang pagtataka.

Pinilit kong tumayo at itinuro sya

"I-ikaw" utal na sabi ng aking bibig

A Nitwit DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon