Napahakbang ako palayo ng may tatlong nanlalakihang katawan ang papalapit sa akin. May dalang-dala itong mahahabang baril. Alam ko iyon dahil mayroon si Daddytay nito noon ang sabi pa ni Daddytay ay pulis daw ang tawag sa may dala nun. Sila daw ang humuhuli ng masasamang tao"Ikaw ba ang sumigaw kanina?" tanong ng isang kalbo na isa sa tatlong lumapit sa akin
Tumango ako
"Kailangan mong sumama sa amin" sabi naman ng isa na walang buhok sa gitna
"B-bakit po?" kadautal na sabi ko
Kukunin ba nila ako? Bakit? Sa kadahilangan bang sumigaw ako? Bawal bang sumigaw dun? Masama ba yun? Masamang tao ba ang sumisigaw?
Naluluha akong tumingin sa malaking pangalan na nakaukit sa malaking pader sa aking harapan
Hindi man lang ba ako makakapasok dyan?
" Tara na" sabay hila ng aking braso
Naiiyak na tumingin ako sa kanila at saka naglakad
Mommynay, Daddytay pasensya na po ngunit mukhang nabigo po ako... Patawad po
Iniyuko ko ang aking ulo ng patuloy na umagos ang aking mga luha. Pagsisi ang nanglalantay sa aking isip sa mga oras na ito. Pagsisi kung bakit ako nakipagsapalaran sa lugar na hindi ko alam
Bakit ba kailangan humantong sa ganito? Ang gusto ko lang naman ay nakita ang aking kamag-anak. Gusto ko lang sila makasama. Masama ba yun? Masama bang hilingin yun?
" Nandito na tayo" rinig kong sabi ng isa sa kanila
Tumigil kami sa paglalakad kaya kaagad kong pinunasan ang basa kong pisngi at dahan-dahan iniangat ang aking ulo
Sa aking pag-angat ay sya ring pagbuka ng aking bunganga
"B-bakit?" nagtatakang tanong ko
Ngunit imbes na sagutin ang aking tanong ay sabay silang tumalikod at umalis. At ng hindi ko na sila matanaw ng aking tingin ay kaagad kong inilibot ang aking mga mata sa aking kinalalagyan
Ang ganda... Ang ganda rito.
Hindi ko malaman kung bakit ako naririto ngayon pero ako'y natutuwa. Nasa loob ako ng lugar na hinahanap ko.... Ang lugar kung saan nakatira ang kamag-anak nila Mommynay at Daddytay. Ang lugar na inaasam kung makita. Ang University of Lime
"Hi" isang tinig ang aking ikinalingon
Napangiti sya sa akin kaya napangiti rin ako
"I'm Mia. You are?" sabay lapit nya sa akin at inilahad ang kaliwa nyang kamay sa aking harapan
Tinitigan ko iyon at hindi umimik
Bakit nakalahad ang kanyang kamay? Magbabayad ba ako sa kanya? Dahil ba pumasok ako dito?