Chapter 1-Nightmare

10 1 2
                                    

Lumitaw sa harap ko ang isang nilalang na may pakpak.Mayroon nakakatakot na mukha at malalaking sungay.Puno ng apoy ang paligid ngunit ang katawan ko ay tila sanay na sanay na sa ganitong lugar.Wala akong maramdamang init.

Nakatayo lamang ako habang hinihintay na marating ang nilalang na iyon.Hinihila ako nito papalapit sa kanya sa pamamagitan lang ng pagtingin sa aking mga mata.

"Sa wakas aking alagad,tinanggap mo na ang iyong kapalaran"wika nito.

"Ito ang iyong kapalaran Mathew.Ikaw ang nakatakdang maghari ng kasamaan."dagdag niya at pagkatapos ay nagpakawala ng nakapangingilabot na halakhak.

Saka ko lamang napagmasdan ang paligid.
Mga nilalang na nagpapahirap sa mga tao.Mga gumagawa ng kasalanan.May mga nilalang pa na linalatigo ang mga tao habang pinagtatrabaho ito.

Nakita ko sa mga mata ng tao ang sakit at paghihirap.

Ngunit imbes na maawa ay hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng tuwa habang pinapanood sila.

Nakakataba ng puso ang makita ang mga taong iyon na naghihirap at humihiyaw sa sakit.

Muli ko sinulyapan ang nilalang na nakausap ko at nabigla ako sa aking nakita.

Unti unting nagbago ang itsura nito na siyang ikinagulat ko.

Ang nilalang na iyon ay naging........

Ako.

Bumalikwas ako ng maramdaman kong tumama ang sikat ng araw sa aking mukha.Ilang gabi ko na ring napapanaginipan iyon.At hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.

Dumiretso ako ng banyo upang magsipilyo at maligo.

Humarap ako sa salamin habang inaayos ang suot kong uniporme.

Ako si Mathew Wilson.17 years old.Kaming dalawa nalang ng nanay ko ang magkasama sa bahay matapos kaming abandonahin ng tatay ko nung sanggol pa lang ako.

"Mathew anak bilisan mo na at mahuhuli ka na sa klase mo."sigaw ni Mama.

"Okay Ma,saglit na lang."sagot ko.

Bumaba agad ako at nagmano sa kanya.

"Oh hindi ka na ba mag aalmusal?"tanong niya.

Souless HeartWhere stories live. Discover now