Chapter 3-Confront

3 0 0
                                    

Third Person's POV

"No Ericka.You'll stay here."Sir Miller suddenly exclaimed.

"But...."hindi na natuloy ni Ericka ang kanyang sasabihin matapos hatakin ni Sir Miller si Mathew papalabas sa silid na iyon.

Nagtataka man sa iniaasta ng nagsilbing ama sa kanya ay sinunod na lamang siya ni Ericka.

Kumuha siya ng libro sa bookshelf ng guro upang magbasa at magpalipas ng oras.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa ay muli niyang naramdaman ang kakaibang init sa kanyang paligid.

Agad na napabangon siya sa kanyang pagkakaupo at nagmasid sa paligid.

Walang anu-ano'y mula sa abo ay lumitaw ang limang demonyo sa kanyang harapan.

Di hamak na mas malaki at mas nakakapangilabot ang hitsura ng mga ito kumpara sa nakasagupa niya kanina.

"Anong kailangan niyo?"tanong ni Ericka sa mga demonyo.

Ngunit hindi siya nito sinagot sa halip ay humakbang papalapit sa kanya ang nasa unahan ng mga ito.Marahil ay siya ang nangunguna sa grupo nila.

"Binabalaan kita,isang hakbang mo pa ay hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang kapangyarihan ko laban sa inyo."Pilit pinapatatag ni Ericka ang kanyang sarili.Alam niyang kayang kaya siya nitong patayin lalo pa't hindi pa ganap ang kanyang pagiging tagapagmana ng kapangyarihan ng liwanag.

Natigil naman sa paghakbang ang demonyo."Walang duda ikaw nga ang kanyang anak."sambit nito gamit ang napakalalim na boses.

Naguluhan si Ericka sa winika nito."Anong ibig mong sabihin?"tanong niya.

Hindi siya sinagot nito at sinenyasan lamang ang mga kasama.Agad namang naglaho ang apat ma demonyo sa likuran niya.

"Malalaman mo rin sa takdang panahon.......Kamahalan."Nakangiting wika ng demonyo sa kanya at tsaka yumukod bago ito naglaho.

Lalo lamang naguluhan si Ericka sa inasta ng nilalang na iyo sa kanya.

Matagal ng magkaaway ang mga alagad ng liwanag at kadiliman subalit bakit hindi man lang siya nito nilabanan.

May nabubuong konklusyon sa kanyang isipan ngunit ayaw niya itong tanggapin pagkat buo ang kanyang paniniwala na siya ang adherent ng Lord of the Light at totoong anak ng kanyang mga magulang.

Kahit kakaiba ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga magulang ay hindi niya kailanman naramdaman na hindi siya tunay na anak ng mga ito.

Kaya't ipinagsawalang bahala niya na lamang ito at nilisan ang lugar.

Mathew's POV

Dali dali naming tinahak ni Sir Miller ang daan pauwi sa aming bahay.Labis ang kaba na aking nararamdaman sa isiping maaring nasa panganib ang aking ina.Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman.Buong buhay ko ay inakala kong imahinasyon ko lamang ang dahilan kung bakit ako nakakakita ng hindi ordinaryong bagay.Kaya pala tulad ko ay nakikita rin iyon ni Ericka.Dahil tulad niya hindi rin ako ordinaryong tao.

Pagkarating sa bahay ay binuksan ko agad ang pinto at nakahinga ako ng maluwag matapos makita na naroon si Mama at walang masamang nangyari.

"Oh anak,Late ka ata.San ka galing?" takang taning niya.

Ngunit imbes na sagutin ay lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Buong akala ko ay mawawala siya sakin.Akala ko ay kanina na ang huling paalam ko sa kanya.Akala ko ay yun na ang huling alok niya sakin ng agahan.Akala ko ay hindi ko na siya mayayakap pa.

Souless HeartWhere stories live. Discover now