Ericka's POV
Patungo na ako sa classroom ng maisipan kong puntahan saglit si Sir Miller.Para na rin malaman kung ligtas ba sa ngayon sina Mathew at ang nanay nito.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang kanyang boses na tila may kausap.
"Pabantayan mo si Helena.Siguruhin niyong hindi siya tatakas kasama ang anak nito."
"Masusunod po."sagot ng kanyang kausap.
"Sige na bumalik ka na."
Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nagtama ang paningin namin ni Sir Miller.
"Kailan ko pa itinuro sa iyo ang pakikinig sa usapan ng may usapan?"taas kilay na tanong niya.
Biglang nagbago ang tono ng kanyang pananalita.Marahil ay di niya nagustuhan ang pakikinig ko sa usapan nila.
"A-ah pasensya na Sir hindi ko sinasadya."nakatungong sabi ko.
"What are you doing here?"
"Gusto ko lang sanang kamustahin kung maayos ba ang kalagayan ng mag-ina."sagot ko.
"Maayos naman sila.Wala kang dapat ipag alala."sabi niya pa.
"M-mabuti naman po kung ganon"sabi ko na lamang kahit ramdam ko ang pagkapahiya.
"Sige na bumalik ka na sa iyong klase baka malate ka pa."sabi niya at tinalikuran ako.
Bago tuluyang masara ang pinto ay sinadya kong silipin ang kasama niya.Dahil sa reaksyong ipinakita niya ay lalo akong nagtaka kung sino ang kanyang kausap.
Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang kanyang kausap.
Ngunit nagtaka ako kung bakit niya kinakausap ang nilalang na aming kinamumuhian.
Ang mga demonyo.
Mathew's POV
Sinadya kong agahan ang pagpasok sa klase para makausap si Ericka.
Gusto kong mabigyang linaw ang totoong pagkatao namin.
Nag aabang ako sa labas ng pinto.Natanaw ko naman siya na papunta sa room namin.
"Ericka!"tawag ko sa kanya.
Tinanguan niya naman ako at huminto sa harap ko.
"Anong kailangan mo?"tanong niya.
"A-ahh gusto sana k-kitang makausap."sabi ko.
Tulad ng dati ay nahihirapan akong huminga sa tuwing magkalapit kami.At base sa pagkakahawak niya sa kanyang dibdib ay batid kong tulad ko rin ang nararamdaman niya.
"Tungkol san?"
"Tungkol sa sinabi ni Sir Miller kagabi"
Pumasok siya sa loob at ibinaba ang kanyang mga gamit.
"Oh anong tungkol don?"
"Gusto kong malaman ang pinagmulan ng lahat.Lahat lahat."
"Sige,tara sa library."
Tinungo naman namin ang library.May ginalaw siyang mga libro at biglang nabiyak ang isang malaking bookshelf.
"What the..."hindi makapaniwalang usal ko.
Sa tagal ng nanatili ako dito ay ngayon ko lang nalaman na may sikretong kwarto dito sa library.
"Pasok ka"sabi niya.