Kabanata 2
(Huli ka!)
Ravi Padilla:
"Sigurado akong siya iyon. I saw her." Malakas ang pagkakasabi ko nito sa sarili ko na narinig naman ni Inigo. Andito kami ngayon sa locker at nagbibihis na.
"You saw who?" Tanong sa akin ni Inigo.
"Yong miss amasona na may kasalanan kung bakit nainjured itong paa ko. Kung bakit hindi ako nakapaglaro ng maayos ngayon. Kung natalo tayo ngayon ewan ko lang kung ano ang gagawin ko sa kanya." Nangigigil kong sabi.
Ano nga bang gagawin ko sa babaeng iyon kung sakaling natalo kami? Wala naman akong maisip, hindi ko naman pwedeng saktan siya lalo't kahit ganito ang ginawa niya sa akin ay mukhang napakaamo ng mukha niya. Ahhh...ewan ko, basta bahala na kapag nakita ko siya ulit.
Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong siya ang nakita ko. Tandang tanda ko ang mukha niya. At mukhang may pagkakataon na akong singilin siya sa ginawa niya sa akin dahil tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan. Pagtatagpuin muli kami, I just know it.
"Oh?, where is she?" Tanong sa akin ni Inigo.
I just shrugged.
"Tsskk...tinakasan ako. I'm sure bahag na ang buntot nun kasi alam niyang sisingilin ko siya. But 100% I am sure we'll see each other again. She's also studying here at SCU, kapag nagkita kami ulit I'll make sure na hinding hindi na siya makakatakas." Determinado kong sabi, may pilyong ngiti sa labi ko.
"Wohhhh, goodluck parekoy," natatawang tinapik lang ako ni Inigo, "know what, magpagaling ka na lang so you can play sa next game natin. Mas malupit ang makakatapat natin sa susunod. Huwag kang magpaka focus dyan sa babaeng amasona mo, hah parekoy."
Sheeesh...tangna 'tong si Inigo 'kit kelan napaka supportive niyan talaga sakin eh, hindi lang niya alam, tsssk.
Paglabas namin ng locker room ay sinalubong kami ng aming mga fans. We were surrounded by beautiful girls at gays na rin, lahat sila gustong magpapicture. Picture dun, ngiti dito, akbay dun, ngiti ulit dito. Pero syempre, espesyal na ngiti ang ibinigay ko kay Dianne nang lumapit ito sa amin.
Si Dianne Sandoval ang campus crush ng buong Sta. Clotilde University. My dream girlfriend. At hindi ako papayag na maging dream na lang iyon forlife.
"Congrats, guys! " nakasmile na bati sa amin ni Dianne. Ahhh...ang sweet talaga ng ngiti niya.
"Just seeing you wearing that sweet smile is too much of a reward." Sabi ko kay Dianne.
Ahh...kumakabog ang dibdib ko sa kaba at kilig. Takte...!
Mahinhing tumawa si Dianne.
"Bolero ka talaga Padilla, by the way how is your foot? Okay ka na ba? Masakit pa ba, uminom ka na ba ng meds? " Ramdam ko ang concern sa boses niya. Wow naman. Naks!
I can't help myself but to smile, iyong tipong abot tenga ang ngiti ko. Kahit puso ko alam kong ngumingiti, yeaah...IKR, OA ako, magagawa ko? Ganyan talaga ang effect ni Dianne sa akin eh.
Tingnan mo nga naman. May maganda rin palang maiidulot sa akin ang ginawa ng amasonang iyon. Dahil sa pilay ko ay kinausap ako ni Dianne. At kitang kita ko ang concern sa maganda niyang mukha...potcha, kinikilig talaga ako.
BINABASA MO ANG
Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)Completed
RomanceKahit Hindi Mo Ako Mahalin A boys' love story. Written by: mikzylove Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Shane kay Ravi ay kinailangan niyang pagbayaran ito. Si Shane ang magiging tulay ni Ravi para mapalapit kay Dianne. Malaki kasi ang paghang...