Kabanata 10

2.9K 148 11
                                    

Kabanata 10

(North Star/ Wish)

Shane:

"HAPPY BIRTHDAY!"

Nagulat ako nang may confetti na nagliparan sa harap ko. Bumulaga sa akin ang masasayang mukha ng parents ko, kapatid ko, mga kaibigan ko at mga pinsan ko. May hawak pang cake si papa. Nasurprised talaga ako ng bongga.

Isa-isa ko silang niyakap at pinasalamatan. It was my best birthday ever!

Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan. May nirentahan din silang videoke machine. Kaya naman ay napakanta ako ng bongga. Nang magsimulang sumayaw si Joy kapartner ang isa ko pang pinsan na si kuya Larry ay sinayaw din ako ni papa.

"Dalaga ka na Shane, anak. Malapit ka nang magka-boyfriend. Huwag mo munang iiwan si papa, ha." Maluha luhang sabi ni papa. Kahit ako din naman ay pinipigilan ko lang maiyak. Kahit kelan naging napaka-supportive ni papa sa akin. Never niya akong ikinahiya o pinagalitan dahil naging ganito ako. Mas itinuring pa nga niyang babae ako. Kaya naman lalong mahal na mahal ko siya.

"Papa, ano ka ba? Wala nga pong magkamaling manligaw, boyfriend agad?" Natatawa kong sabi kay papa. "Saka wala po yan sa agenda ko. Kailangan kong magsikap muna para matulungan ko ang pamilya natin. Promise yan papa. Kayo muna bago na yang boyfriend- boyfriend na yan."

"I love you, anak." Hinalikan ako sa noo ni papa. At inakap.

Kaya naman niyakap ko rin siya. "Love you, papa."

May tumikhim sa likuran ko kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay papa. Nagulat ako nang malingunan ko si Ravi. Namiss ko siya ng subra.

Ngumiti s'ya kay papa. "Sir, pwede ko po bang maisayaw ang prinsesa n'yo?" Tanong ni Ravi kay papa.

Ngumiti rin si papa sa kanya. "Ikaw muna ang bahala sa dalaga ko, hijo." Tinapik pa ni papa si Ravi sa balikat niya.

Marahang kinuha ni Ravi ang mga kamay ko. Dinala niya ang mga ito sa balikat niya. Humawak siya sa baywang ko. Tinitigan ko si Ravi. Napakagwapo niya ata ngayon? Pakiramdam ko isa siyang prinsipe sa isang fairy tales.

Napasinghap ako nang salubungin niya ang tingin ko. Huminto ang oras. Nawala ang lahat ng tao sa paligid namin. Naiwan lang kami ni Ravi na nagsasayaw sa music na Got to Believe in Magic ng bandang Side A. Hindi ko maipaliwanag ang nararamramdaman ko. May mahikang sumasakop sa puso ko.

Shane...wala lang 'to. Stop thinking otherwise... Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. It's Ravi Padilla. Ayaw niya sa kagaya mo, your heart should never forget that.

"Madaya ka." Sabi ni Ravi. Pinisil pa niya ang tungki ng ilong ko.

Nakatawang tinapik ko ang kamay ni Ravi. Pinilit kong maging kaswal. "Kung makapisil ka naman.Baka masira yan, mahal ang pagawa ko diyan. Teka, bakit pala nandito ka? Hindi naman kita in-invite, ah?" Biro ko kay Ravi.

"Grabe, ouch! Ang sakit naman. Marami ka nang kasalanan sa akin, ah. Birthday mo pala hindi mo man lang ako sinabihan. Tapos ngayon mukhang gusto mo na akong paalisin." Kunwari'y nagtatampong sabi ni Ravi.

"Hahaha...bahala ka dyan. Tampo pa more. Asan na ang regalo ko?" Inumang ko ang kamay ko kay Ravi at kunwari'y naghihintay sa regalo niya.

"Bakit kita bibigyan? Hindi mo nga ako sinabihan na birthday mo. Maigi pa si Inigo alam niya samanatala ako hindi. Hindi mo nga ako in-invite tapos hihingi ka pa ng regalo."

"Ah, ganun. Pwes, Ravi Padilla...bawal kang kumain." Natatawa kong biro kay Ravi.

Ravi:

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko si Shane na masayang nakikipagtawanan sa mga bisita niya.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon