Kabanata 6
(Sana)
Ravi:
Thank God napilit ko si Shane na sumakay sa car ko para maihatid siya sa kanila. Syempre nun una todo tanggi niya. Ayaw niyang magpahatid sa akin. I insisted talaga na maihatid siya kasi kita ko naman na masama na talaga ang pakiramdam niya. Ewan ko ba, nakakaramdam ako ng pag-aalala para dito kung hayayaan ko lang siyang umuwing mag-isa. At dahil siguro sa masama na talaga ang pakiramdam niya ay napilit ko rin siya.
Kaya ito siya ngayon, nakaupo sa passenger's seat at nakasandal sa headrest ang ulo. Kita ko ang pagod sa mukha niya. Ako naman ay nagdadrive.
"Paano mo nagagawa 'yan?" Tanong ko kay Shane. Ang totoo gusto ko lang makapagsimula ng conversation sa kanya.
"Madali lang naman umupo, ah." Pamimilosopo ni Shane sa akin.
Natawa naman ako.
"Tssssk...hindi yan. I mean, how do you manage your time as a schoolar and a working student at the same time?"
"If there's a will, there's a way. Kailangan kong gawin 'to, para sa sarili ko at para sa family ko. Para sa kanila kahit mahirap ay gagawin ko." Nakangiting sagot niya sa akin.
Napatango ako. Narealized ko ang sinabi niya.
"Maswerte pala ako kung ganun. I don't need to work at ma-pressure sa studies ko para lang makagraduate. Hindi ba subrang hirap ng ginagawa mo?" Tanong ko.
Hinintay kong sumagot si Shane pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito sumasagot sa akin.
Tiningnan ko siya. Napangiti na lang ako nang makita kong nakatulog na pala siya. Talagang pagod na pagod siya.
"Tssssk...Talagang tinulugan ako ah." Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siyang pagmasdan.
Parang may magnet si Shane na hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mukha niya. Mas lalo ko pang inilapit ako mukha ko sa mukha niya para lalo ko siyang mapagmasdan.
I felt a deep sense of contentment just watching her sleep. Hindi ko alam kung bakit. Pinagmasdan ko ang detalye ng kanyang mukha.
Mahaba ang mga pilik-mata niya. Hindi kasyadong matangos ang ilong ni Shane pero bagay na bagay naman sa mukha niya. Naka-awang ng bahagya ang kissable red lips nito. Sinamantala ko ang pagkakataong matitigan siya dahil siguradong kapag nagising ito ay hindi ko magagawa ang ganito.
Napalunok ako. Kinabahan ako na ewan. Hindi ko alam talaga kung bakit? I felt a sudden urge to kiss Shane. Ang tingin ko sa kanya ay isang magandang dalaga na parang anghel.
Nang makorner ko siya after niyang ipa-date ako kay Dante ay hindi kay Dianne. Ang balak ko lang sana ay ipahiya siya at pagtawanan kaya naman kunwari'y hahalikan ko siya. Pero when I stared at those sweet, inocent lips, I wanted to kiss Shane. Pero nang maisip kong mali iyon dahil hindi naman babae si Shane, at wala sa vocabulary ko na makipag-halikan sa bading ay idinaan ko na lang sa pagtawa ang gusto kong mangyari. Pinagtawanan ko siya at alam kong nasaktan ko siya.
Pero bakit ganito? Nararamdaman ko na naman ang ganitong feelings ko sa kanya? Kaya lang alam kong hindi dapat. At never kong gagawin. Dahil si Dianne ang mahal ko.
Shane:
Dahan dahan akong dumilat. Nagmamaneho si Ravi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kanina lang ay magkausap pa kami. Pagod talaga ako. Sa dami ko ba namang ginagawa sa maghapon. Puyat pa ako dahil sa pagrereview para darating na exams namin.
Nawala na rin sa isip ko na kumain ng tanghalian. Kunsabagay nawalan na ako ng oras para kumain pa katatago ko kay Ravi na sa malas ay nakorner din naman niya ako.
"O baka bumaha ng laway mo sa upuan ko ha." Pang-aasar ni Ravi sa akin.
"Hindi noh. Wala kaya." Nahiya naman ako kaya chineck ko kaagad ang upuan kasi nga baka naman naghilik ako. Salamat na lang at tuyo pa rin ito.
Inirapan ko si Ravi at tumawa naman.
"Nagugutom ka na ba?" Biglang tanong ni Ravi sa akin.
Hindi kaagad ako sumagot. Kahit nagugutom na talaga ako kaso naunahan na ako ng hiya. Isa pa mapapagastos lang ako kung kakain kami sa labas. Kailangan ko pa namang magtipid. Marami akong kailangan mabayaran at may mga gamit pa ako sa school na kailangang bilhin. Bukod sa obligado rin akong mag-grocery para sa bahay.
Umiling ako.
"Busog pa ako," pagsisinunghaling ko. Kaya lang ang traydor kong tiyan ay ipinahamak ako. Bigla itong kumalam at narinig iyon ni Ravi. Napangiti na lang ako sa kahihiyan.
Ravi:
Inihinto ko ang kotse ko sa harap ng isang fine dining restaurant. Dito ko madalas dinadala ang mga babaeng nakakadate ko. Hindi talaga ako nagugutom kaya lang alam kong gutom na si Shane. Narinig ko ang pagkalam ng tiyan niya. Alam kong hindi na ito nakapaglunch dahil sa kagagawan ko. Nagi-guilty tuloy ako.
"Bakit mo inihinto ang sasakyan?" Nagtatakang tanong ni Shane sa akin.
"I'm hungry. Hindi ako makapagdrive ng maayos kapag kumakalam ang sikmura ko." Pagdadahilan ko. Nauna akong bumaba ng kotse. Akmang bubuksan ko na ang pinto sa side ni Shane pero bago ko magawa iyon ay nakababa na ito sa sasakyan.
"Ang mahal naman dito. Wala akong perang dala." Nag-aalalang sabi niya.
"Don't worry, it's my treat. Kaya relax ka lang diyan." Nakangiti kong sabi.
Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. This time hindi ko na hinayaang maunahan niya akong magbukas ng pinto. Pinagbukas ko siya ng pinto. Umupo kami sa pandalawahang mesa. Inaabot sa amin ng waiter ang menu list.
"Ikaw na lang ang um-order para sa akin. Hindi ko alam bigkasin ang mga pagkain dito. Nagbubuhol-buhol ang dila ko." Bulong ni Shane sa akin.
Natawa ako s kanya in a nice way naman. Ayaw kong ma-offend ko siya. Para talagang inosenteng anghel si Shane.
Nagulat si Shane nang ihain ng water ang mga inorder ko. Ang dami daw kasi. Isa-isa niyang tinanong sa akin ang tawag sa bawat putahe. Nakakatawa talaga siya.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang ma-ammuse kay Shane.
Para siyang inosenteng bata na nag-eenjoy sa mga kinakain niya. Hindi kagaya ng iba kong kilalang bakla na galawgaw kumilos. Hindi rin kagaya ng mga babaeng nakakadate ko na parang de-numero ang kilos at minsan ay napaka-arte pa. I couldn't help but compare Shane sa ibang babae na nakakadate ko. Ginanahan tuloy akong kumain kahit ang totoo ay busog pa ako.
"Bakit mo ko tinitingnan? May dumi ba ako sa mukha?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Busog pala ha. Kaya pala halos maubos mo ang lahat ng in-order natin." Biro ko sa kanya.
"Sayang kasi kung hindi natin uubusin ang mga ito. Ang dami kayang nagugutom sa mundo." Sabi niya sabay subo sa pagkain niya.
Natawa na lang ako. Subrang nakaka-enjoy panuorin si Shane.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na itong umuwi. Bigla niyang pinahinto ang sasakyan nang madaan kami sa simbahan.
"Dito na lang pala ako. Salamat ha." Sabi nito.
Nagtaka naman ako, "Wala namang misa, ah. Ano'ng gagawin mo?" Tanong ko.
"Magtitirik lang ako ng kandila. Birthday kasi ni papa."
"Talaga? Samahan na kita." Alok ko kay Shane. Gusto ko pang makasama siya.
"Sigurado ka? Baka masunog ka?" Tumatawang sabi niya sa akin.
Ginulo ko ang buhok niya.
"Ang yabang mo naman.Kala mo sa akin kampon ni taning?"
Sumabay ako pagpasok sa simbahan. Hindi naman siya kumontra pa. Nagtirik siya ng kandila saka pumikit na at nagdasal. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Shane. Napakaamo ng mukha niya. Para talaga siyang inosenteng anghel. Matagal ko siyang tinitigan.
"Sana naging babae ka na lang..." bulong ng isip ko.
Written by:
mikzyloveMy work is not perfect please bear with me. (wrong grammar, wrong spelling, etc.) Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)Completed
Roman d'amourKahit Hindi Mo Ako Mahalin A boys' love story. Written by: mikzylove Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Shane kay Ravi ay kinailangan niyang pagbayaran ito. Si Shane ang magiging tulay ni Ravi para mapalapit kay Dianne. Malaki kasi ang paghang...