~8~MR. SUNSHINE
Third Person POV
6:00 am.. J-Hope's house..
Sabado ng umaga pero maagang nagising si Ho Seok, iba sa mga nakaraang araw na lagi siyang huli sa klase niya, palibhasa ay napakaespesyal ng araw ngayon, maliban sa moment na pinakahihintay niya kasama si crush.
Ito ang araw ng kapanganakan niya.
huli siyang gumising ng ganito ka-aga, nung mga panahong sila pa ng ex niya pero nung hinawalayan siya nito ay palagi na siyang huli.
" syetlog first time ko magturo sa chix, ano kayang ituturo ko sa kanya?"
sandali naman siyang natunganga sa kinauupuan niya tyaka naisip tumayo at magtimpla ng kape.
"Eto! Pampagising! Pambihira parang hindi ako nakatulog ah? Si Miss Kim kasi ang sipag tumakbo sa panaginip ko e. " ngisi naman nito habang nagtitimpla ng kape sa kusina sabay akyat muli sa kwarto at humarap sa laptop,naghanap na ito ng pambabaeng k-pop na sayaw na pwede niyang ituro.
Bumungad naman sa youtube feed niya ang new solo debut song ni Hwasa-ng " Twit" na trending dahil kakarelease lang ng music video nito.
"tsk! Ang hawt talaga netong si Hwasa o! Napanuod na kaya to ni RM?" lalo namang nainitan si Ho Seok sinabayan pa ng iniinom niyang kape.
"kung ito kaya ituro ko kay miss Kim?" isip niya, "pero hindi, parang ang wholesome ni miss Kim para sayawin to!" nagsearch naman siya ng ibang kanta.
Nakarating siya sa Girls generation at cli-nick ang kanta nitong "Gee" ang debut song nila kung saan mga mistulang mannequin ang mga idols na nagtransform bilang tao sa gabi. "Eto parang bagay sa kanya tutal mukha naman siyang buhay na manika!" hagikgik pa niya.
"putek sandali ako pala mukhang timang pag sinayaw ko to!" naimagin niya bigla ang sarili na sumasayaw ng patweetums. Tinigil niya muna ang pagtatype at nagmuni-muni.
BINABASA MO ANG
A CRAZY love story [NamSooJin]
FanfictionAll rights reserved ©2019 (New Story) A triangle that will make your hearts literally CRAZY! who's in Love with WHOM? I wanna KNOW too! 😊