Chapter 3

16 1 0
                                    


Riann"s pov

Habang naglalakad na kami pauwi ay biglang nagsalita si Kape.

"Gatas? Ano ba kasing nangyayari sayo? Para kang sinapian ng masamang espiritu. Ipapa albolaryo nalang kaya kita."

"Tuleg! Okay lang ako Kape sadyang masakit lang yung puson ko." Pagdadahilan ko.

Marami pa kaming pinag usapan tulad ng mga nakakatawang bagay at mga seroyosong bagay din hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Gatas, May sasabihin sana ako sayo." Nanlumang sambit ni Kape.

"Oh!? Ano yun?"

......

Enzo's pov

"Bukas nalang Gatas hihihi"

"Anong bukas!? Ngayon na Kienzo! Seryoso siyaaaaa.

"Bukas na nga nakalimutan ko kase" pagdadahilan ko.

"Sige, ikaw bahala. Bahala ka na."

"Sige Gatas, ingat ka." Pagpapaalam ko.

Sinundan ko ng tingin si Gatas hanggang sa makapasok na siya sa pintuan ng bahay nila tapos nun ay naglakad na ako papunta rin sa bahay namin. Magkapit-bahay lang kami kaya malapit lang.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Nasa kwarto ako ngayon, kakatapos lang naming kumain at heto nakahiga ako at nag-iisip kung sasabihin ko ba kay Gatas o hindi. Matagal ko na rin tong tinatago sa kanya, nag-iipon lang ako ng lakas ng loob

"Hayst! Makatulog na nga lang" bulong ko sa sarili ko.

.................

Riann's pov

Anong oras na pero di pa rin ako makatulog, ewan ko ba panay ang isip ko dun sa sasabihin ni Kape parang nangangamba ako. Hayst! Ewan.

~~~Kinabukasan~~~

"Riann, gisingin mo na nga yung mga kapatid mo para makaligo na" nanay

"Sige po" naglalakad na ako papuntang kwarto ng kapatid ko ng tumunog yung cellphone ko. May message galing kay Kape? Ano kaya to?

Sms: Kape

"Gatas, di muna ako makakasabay sayo papuntang school, may dadaanan lang muna ako bago pumasok. Mag-ingat ka na lang."

Magrereply na sana ako at na sent na nung may biglang lumabas sa screen na "failed to send" tapos may bigla akong naalala, wala nga pala akong load takte naman oh! Nagtuloy nalang ako sa paglalakad para gisingin yung dalawang ugok at iniwan ko yung phone ko sa may lamesa.

"Hoy! Dalawang ugok. Gumising na kayo, anong oras na oh!? Aba naman 'tong mga batang to oh!" Sermon ko sa kanila.

"Sige po little NANAY" diniinan talga nila yung 'nanay' ah.

"Bilisan niyo dyan puro kayo biro." Umalis na ako at sinara yung pinto nila.

Tapos na akong maligo, kakain nalang ako at pupunta na akong paaralan pero ngayon ay nakatunganga lang ako dito sa salas.

"Bat parang ang tamlay-tamlay ko?" Ay!? Tanga tinatanong ang sarili......
Makakain na nga lang..

Nang papunta na ako sa kusina ay ayun na kumakain na si Ryle at Rico, pfft. mga kapatid ko sila...

"Ate Ria? Kumain ka na! Ano to daydreaming? Ganon? Ryle

"Alam ko kung bakit ganyan kumilos si ate." Nakangising sabat ni Rico.

"Bakit?" Sabay kami si Ryle.

"May nakita akong text message ni kuya Enzo." Rico

Tumatawa ngayon ang dalawang ugok ang pangit naman.

"Hoy! Kayong dalawa ang pangit niyo na tapos tatawa-tawa pa kayo dyan. Ikinagwapo niyo niyo ba yang tawa-tawa nyong yan!?" Saway ko sa kanila.

Hindi sila nakining at panay pa rin ang tawa nilang dalawa.

"Hoy Rico! Sabihin mo na. Anong alam mo?" Sabat ni Ryle.

"Oh siya sige eto na sheshare ko na sa inyo kase ang sabi ni mama share your blessings daw ee! Hahaha!"

"Eto yun----

Sms: Kape

"Gatas, di muna ako makakasabay sayo papuntang school, may dadaanan lang muna ako bago pumasok. Mag-ingat ka na lang."
Panggagaya ni Rico na may facial expression pa. Andami talagang alam ng batang to!

"Hahahhahahahah" halos mamatay na 'tong dalawa kakatawa tas may pa apir-apir pang nalalaman.

"Ayiieeee si ateeee, affected." panunukso ni Ryle.

"Tigilan mo 'ko Ryle Rodriguez kung ayaw mong di kita bigyan ng baon." Pagkatapos kong takutin sila ee umalis na ako para kunin ang mga gamit ko.

Habang papaalis ako ay..........

"Ate naman oh, bigyan mo kami ng baon." Ryle

"Ateeeee! Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng balot, penoy, itlog ng manok, itlog ng pato, at kung ano-ano pang balat yan." Rico, habang pigil ng pigil sa pagtawa. Langya tong ugok na to.

"Bahala na kayo dyan." agad na akong umalis at wala na silang nagawa.

Kahit naglalakad ako ay dinig na dinig ko ang.....

PAGTATALO NILA?

Eeh?

Anong nangyari hahahhaha?

"Ikaw kase Rico ee binanatan mo pa si ate ng mga patama mo yan tuloy mas lalo mong pinapalala ang sitwasyon. Yan kase napapala ng pagiging pakielamero ee." Dinig kong sermon ni Ryle. Hahhaha

"Edi ako ng may kasalanan." -_- Rico

Habang naglalakad ako ay pigil na pigil ako sa pagtawa ko. Naaaliw ako sa mga kapatid ko. Kahit ganyan yan sila pero mahal ko sila noh. Hahhahah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon