Chapter 2

7 3 0
                                    

Enzo's pov


Halos kanina ko pa tinatapik ang balikat ni Gatas, magkakalahating oras na siyang nakatunganga simula nung mag dismiss na kami sa unang subject namin. Nang muli ko siyang sinapak ay yun na nabalik din sa normal ang mood ng gaga.

"A--Anong nangyari Kape?" Inosenteng tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Hayst. Sa wakas at nagbalik ka na."

"Bakit? S-saan ba ako nangga---"

Naputol ang pagsasalita niya ng dumating na si Miss Del Mundo. Umayos ang pagkakaupo namin ni Gatas. Agad namang nabalin ang tingin namin kay Nicole -(kaibigan ni Gatas) na pinuputakan ng mga tanong ng lec namin.
"Sino-sino ang naging presidente at kailan sila namatay Ms.Gomez?"

Hindi nakapagsalita o nakasagot ni Nicole dahil siguro ay hindi na niya ito maalala. Review lang kasi ito dahil na lecture na'to nung grade 9 kami pero 1st sem pa yun so panigurado wala na masyadong nakakaalala.

Maya maya ay nagulat ako ng tawagin niya si Gatas. "Miss. Rodriguez, sino-sino ang mga presidente ng pilipinas at kailan sila nama---

"Emilio Aguinaldo-he died last February 6, 1964. Manuel L. Quezon-died last August 1, 1944. Carlos P. Garcia-died last June 14, 1971. Ferdinand Marcos died last September 28, 1989. Ramon Magsaysay died last March 17, 1957. Elpidio Quirino died last February 29, 1956. Manuel A. Roxas died last April 15, 1948. Jose P. Laurel died last November 6, 1959. Corazon Aquino died last August 1, 2009. Sergio Osmenia diead last October 19, 1961. Diosdado Macapagal died last April 21, 1997. Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, and Benigno Aquino lll are still alive" putol ni Gatas sa tanong ng lec namin.

"Very Good Ms.Rodriguez" namanghang pagbati niya kay Gatas. Bakas nga sa mukha niya ang pagkagulat ee, yung akmang pagkagulat hindi dahil naalala ni Gatas ito kundi namangha siya dahil naalala niya pa ito ni Gatas. Halos mapanganga nga siya sa napakagaling na sagot ni Gatas ee.

Makalipas ang ilang minuto ay may sinabi siya, "sana ganyan kayong kagaling lahat pagdating sa recitation natin." Nakatingin siya na napakalawak ang ngisi kay Gatas na siyang tinutukoy na tularan raw naming lahat. "hindi yung kung ano-ano nalang ang pinaggagawa ninyo" dugtong pa niya saka sumilip sa kanyang phone. "Okay, its already time, class dismiss." dugtong pa niya na agad na umalis.

Bumuntong hininga muna ako bago iniharap ang sarili kay Gatas na parang namatayan ng langgam dahil ang tamlay-tamlay.

"Gatas, ang galing mo talaga. Pano mo na memorize lahat ng yun, ee halos mag-iisang taon na nating ni lecture yun" pagpupuri ko na ikinangisi naman niya.

"Alam mo Kape may sikreto ako kaya ko pa naalala yun" pananabik niya sa kin.

"Ano bang sikreto yan? Baka gusto mo namang i share .... kung gusto mo lang naman, heheh"

"Kape, pare" tinapik niya ang balikat ko staka pabulong siyang nagsalita.

"Alam mo ba yung sikreto? Ito yung hindi dapat sabihin kahit kanino. Yun yon." Saka niya inalis ang pagkaka akbay niya sa balikat ko.

Nakakainis akala ko sasabihin niya na, hanggang kailan talaga ay di nakakausap ng matino ang babaeng yan.

"Oh! Kape ano na? Tara! Mag-lunch na tayo, nagugutom na ako" natatawang aniya.

"Sige na nga halika na" inis na inis na ako.


--



~~~Sa Canteen~~~

"Kape, treat ko ngayon, ako na oorder mag antay ka na lang dyan" aniya

Hinawakan ko ang leeg at noo niya, hindi naman maiinit. "May lagnat ka ba?"

"Porket maglilibre ako may lagnat na? Ang harsh mo na sa'ken Kape ah"

Hindi na ako nag abalang sagutin siya. Ano na naman kayang nakain nitong babaeng 'to bat parang nasapian ng anghel sa katawan. Ang bait-bait. Hahahhah

Moody kase yang si Gatas, minsan nawawala nalang bigla sa sarili niya, minsan naman parang baliw kakatawa kahit wala namang nakakatawa! Minsan na nga siyang napagalitan dahil sa lagi siyang tumatawa.


--


~~~Flashback~~~

*nagtatake kami ng exam habang ang isang kaklase ko ay biglang tumawa*

"Sino yun?" Lec. namin.

Walang nagkibuan maski isa sa amin hanggang sa nawala na sa ipis ng lec ang nangyari. Makalipas ang ilang minuto tumawa na naman ang kaklase ko pero di ko alam kung sino.

Pumunta ang lec namin sa harapan. "Sasabihin niyo kung sino yung tumawa? O mababagsak kayong lahat?


Tiningnan ko si Gatas na pigil ng pigil sa pagtawa.

Binatukan ko siya at sinabihan "Hoy Gatas! Ano bang nakakatawa, tumahimik ka na nga lang, mababagsak tayo niyan sa mga pinaggagawa mo ee."

"Pfft. Hahahhaah..... Sige" tawang-tawa pa rin siya.

"Isa pang tawa Gatas, isusumbong na talaga kitang babae ka." Pagbabanta ko sa kanya.


Makalipas ang ilang minuto ee ang boung silid-aralan ay binalot ng nakakabinging katahimikan. Saglit pa ay tumawa na naman si Gatas, hanggang sa napansin na siya ng lecturer namin at......

"Ms. Rodriguez? Stand up go infront, face your classmates and explain why are you laughing."

Tumayo naman siya at nagpaliwanag naman. Gagang 'to Nag eexplore na naman siguro sa ibang planeta.


"Ahmm. I'm sorry Ms. Del Mundo, I remember some embarrassing moments lang po." Nakatungong aniya.


Aba!? Babaeng to may naalala lang palang nakakatawang pangyayari. Naku! Jusq po!


"Yun na yun? may naalala ka lang tapos tatawa ka na ng malakas? Ghadd Ms. Rodriguez, you're spacing out again. Im warning you. This is the last time you'll do that nonsense imagining, if that would happen again your suspended within a month! Understand?" Mahabang sermon ni Ms.Del Mundo habang si Gatas ay nakatungo lang pero seryoso na.

"Ms. Rodriguez, are we clear?"

"Yes Ma'am"


"Good. Now go to your seat and just focus on your test questionnaire." Dugtong pa ng lec.

Agad namang umupo si Gatas at sersoyong sumasagot sa papel niya kaya sinagutan ko nalang din yung akin.


~~~End of Flashback~~~




Ng matapos maka order ni Gatas ay agad na kaming kumain para sa susunod na sub. namin.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon