Tahesha Miller.NAGISING AKO nang may kumalabit sa akin, nag-mulat ako ng mga mata at bumungad sa akin si Kisha na naka-ngiti sa akin. Umayos ako sa pagka-kaupo at kinusot-kusot ang mga mata.
"G-Good morning.." Inaantok kong saad sa kaniya. Inabot nito sa akin ang limang paper bag punong-puno ng damit. Nang-laki ang mata ko dahil sa mga nakita ko.
"P-Para 'saan ang mga ito?" Nagugulat kong tanong sa kaniya. Mahina siyang tumawa at tumabi sa akin.
"Para sa iyo ang mga iyan, silly." B-Bakit ang 'dami yata ng mga ito? Isa pa, puwede naman akong bumili ng sarili ko, e. Kahit pa-paano ay may naipon naman akong pera sa banko.
"Alam ko na ang sasabihin mo, tanggapin mo na iyan. 'Eto! Parang 'di tayo mag-pinsan, e." Umiiling nitong sabi at tinulak ang mga paper bag sa akin. "Alangan namang suotin ko iyan e hindi kasiya sa akin iyan."
Wala na akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang mga iyon. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Sa lahat ng pinsan ko, siya lang talaga ang pinaka-close ko, kahit madalang lang kami mag-kita nito 'dahil mag-kaiba kami ng paaralang pina-pasukan.
Kapag may okasiyon lang kami nagki-kita-kita.
"Siya nga pala, hindi ka na din papasok." Napa-amang ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Paano na iyong mga pangarap ko?
"B-Bakit? Huwag mong sabihing 'gagawin mo akong alila di—" Hindi niya ako pina-tapos at basta na lang akong binatukan.
"Patapusin mo muna ako, puwede?" Naiinis nitong tanong sa akin kaya napa-kamot na lang ako sa 'batok. "Hindi ka na papasok sa paaralang iyon dahil 'doon ka na mag-aaral sa school na pinapasukan ko. Don't worry, in-ayos ko na ang mga dapat ayusin, kagabi pa." Ang bilis naman! Mas lalong lumawak ang 'ngiti sa labi ko. Pero kaagad na napawi iyon ng may maaalala ako.
Hindi ko alam ngunit bigla na lang tumulo ang luha ko. Tila napansin iyon ni Kisha at lumapit sa akin 'saka ako inalo. Humagul-gol ako sa 'iyak ng maalala kung paano siya niloko ng mga inakala niyang totoong kaibigan, kung paano siya muntikang ma-rape at kung paano siya pinalayas ng mga magulang nito.
"Hesha.." Bulong nito habang yakap-yakap ako. Hindi ko siya pinansin at umiyak na lang ng umiyak. "B-Bakit.. Bakit hindi mo sinabi sa aking mina-maltrato ka na pala ni Tito at Tita?" Mahina nitong tanong sa akin. Sinubukan kong punasan ang luha ko ngunit ayaw nitong tumigil sa pag-tulo. "At dahil 'doon.. Muntikan ka ng magahasa dahil sa mga kaibigan mo, tama ba?" Napa-hiwalay ako sa 'yakap at tiningnan siya. Nangi-nginig ang labi ko ng mag-salita.
"P-Paano m-mo nalaman?" Nauutal kong tanong habang hindi pa din natigil sa pag-tulo ang mga taksil kong luha.
Napa-kagat na lang ito sa labi 'saka nag-salita. "Hindi na importante 'yon, Hesha. Ang mahalaga ngayon, ligtas ka. Huwag kang mag-alala, may araw rin ang mga iyon.. Marahil ay hindi ngayon, ngunit alam kong dadating rin iyon." Mas lalong lumakas ang iyak ko.
B-Bakit ko ba kailangan maranasan iyon? Ano bang nagawa kong mali para maranasan ang mga bagay na iyon?
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit sa akin. Sa lahat ng tao, sa akin pa talaga? Gayong wala naman akong ginawang mali. H-hindi ko na alam..
"K-Kisha, natatakot ako.." Humihikbi kong saad sa kaniya na bumugtong-hininga. "H-Hindi ko na alam, Kisha.. H-Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.. 'Sawa na akong maging matapang, 'sawa na akong mabuhay. Kisha, ayaw ko na.." Nakita kong tumulo ang luha nito na ipinag-taka ko naman.
"So ganon na lang iyon, Hesha?" Seryoso nitong tanong at nag-punas ng luha. "Susuko ka na 'agad-agad? Simula pa lang iyan pero sumu-suko ka na, paano pa kaya kung napaka-bigat na ng pinagda-daanan mo?" Natahimik ako sa sinabi niya.
'Hirap na hirap na ako! Hindi ko na alam kung anong 'gagawin ko sa buhay na ito, hindi ito ang buhay na ginusto kong mangyari.. Hindi ito.
"H-Hindi mo ako maiintindihan, Kisha. Sobrang 'sakit na, nahihirapan na akong gumising araw-araw na may panibagong problema na hinaharap. Hindi ko na talaga alam kung paano makakalaya sa buhay kong ito."
"Hindi ko 'man alam kung anong pinagda-daanan mo ngayon pero sana huwag kang sumuko, simula pa lang ang lahat ng ito, Hesha.. Mas madami pa ang darating na pag-subok kaya kailangan ming maging matatag. Kasi paano ka makaka-bangon kung paiiralin mo iyang 'sakit at 'pagod na nararamdaman mo?" Muli ay natahimik ako sa sinabi niya. 'Tumigil naman sa pag-tulo ang mga luha ko at napa-tingin na lang kay Kisha.
May 'punto siya, biglang gumaan ang paki-ramdam ko ng sabihin niya ang mga bagay na iyon. Napaka-suwerte ko talaga sa kaniya dahil may nagma-mahal pa rin sa akin.
Maya-maya'y ngumiti ito 'saka nag-salita. "Siya, tama na ang drama! Kanina pa 'luto ang umagahan. Kumain na tayo," Mahina akong tumawa at 'sabay kaming lumabas ng guest room.
Na-upo na ako 'saka nag-simulang kumain ng umagahan.
"Sa lunes ka na pala papasok. Pasensiya na kung biglaan, ha? Mas mabuti na rin iyon, pero hindi tayo parehas ng section pero don't worry kasi madalas naman tayong magki-kita.." Paliwanag nito. Napa-tango na lang ako sa sinabi niya at kumain na lamang.
Tumigil ako sa pag-kain 'saka tumingin kay Kisha na halos umiyak dahil sa naka-handang umagahan. "Alam mo, akala ko talaga wala ng nagma-mahal sa akin. I mean, sino nga ba ang magma-mahal sa akin? I'm just a nobody.. Hindi ako ka-mahal-mahal. Pero maraming salamat dahil tinulungan mo pa din ako. Tatanawin mo itong utang na loob.." Sinsero kong sabi kaya ngumiti ito sa akin 'saka tumango.
"Sa totoo lang, hindi mo deserve ang mga nangyayari sa iyo. Soon, magsi-sisi nila na hindi ka nila minahal at pina-halagahan."
Kailan ko kaya ulit magagawang ngumiti ng hindi peke at pilit?
Kailan ko kaya ulit magagawang humarap sa tao ng buong puso?
At kahit anong 'gawin kong pagpapa-liwanag sa mga taong mahal ko ang mga nangyayari sa akin,
Hindi nila ako maiintindihan. Kasi hindi nila nararanasan ang mga nararanasan ko ngayon,
'Gusto kong maka-laya sa buhay kong ito ngunit paano ko magagawa iyon kung ang sarili ko ay hindi ko malabanan?
Ako si Tahesha Miller at ito ang kuwento ko.
BINABASA MO ANG
Break Free
Teen Fiction[Endless Love Series #1: Break Free] Bata pa lamang si Wilson ng mag-hiwalay ang magulang niya. Nasak-sihan nito ang mga pag-aaway sa pagitan ng mga magulang nito. At dahil sa nasaksihan niya, nangako ito sa sarili niya na hindi ito 'tutulad sa ama...