Chapter 2

41 7 0
                                    

Itong update na ito ay dapat kahapon pa kaso na-low bat ang phone ko. T_T Medyo maikli lang po siya kaya pasensya na.

-irishlrn

—————

Tahesha Miller.

NAGISING AKO sa katok sa pintuan. Kumunot ang noo ko. Nasa dreamland pa ako, e.

“Hesha, gising na.” rinig kong tawag ni Kisha.

“Mamaya na, Kisha. Inaantok pa ako.” binalot ko ng blanket ang sarili ko.

“Hesha, first day mo ngayon, remember?” dahil 'dun ay napabangon ako.

Oo nga pala. Unang araw ko sa paaralan na pinapasukan ni Kisha. Balita ko ay pristihiyoso raw ang paaralan na 'yon. Kailangan kong gumawa ng magandang impresiyon para tumagal ako roon.

“I'm awake now. Salamat sa paalala.” narinig ko pa siyang tumawa sa sinabi ko. Nag-unat muna ako bago pumuntang banyo para maligo.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako. Mabilis lang naman akong kumilos.

Paglabas ko ay may nakahanda nang uniporme sa higaan ko. Nilagay siguro ni Kisha.

Nagbihis na ako at nagsuklay. Wala naman akong arte sa katawan kaya lip tint lang ang nilagay kong kolorete. Ayon kasi sa mga kakilala ko, namumutla raw ako lagi.

Bumaba na ako.

“Hesha! Let's eat na!” si Kisha. Excited masyado.

Umupo na ako. Nakaupo na rin siya.

Kumain na kami.

“Hesha, naka-ready na nga pala ang mga gamit mo. 'Yung bag sa tabi ng wardrobe doon.” sabi niya.

“Thank you talaga, Kisha. Hindi mo naman 'to kailangang gawin pero tinutulungan mo pa rin ako. Ang totoo niyan, nagrenta na lang sana ako ng apartment diyan.”

Totoo ang mga sinabi ko. Nagpapasalamat ako kay Kisha dahil nandyan siya para tulungan ako kahit hindi kailangan.

“Naku, ayan ka na naman, Hesha. Magpinsan tayo, magkadugo, para na kitang kapatid kaya tutulongan talaga kita. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang, 'di ba?” ngumiti siya.

Pagkatapos kumain ay sumakay kami sa kotse niya papuntang school.

Habang nasa biyahe ay nagkuwentuhan lang kami.

“Nandito na tayo.” bumaba na kami pareho.

Pagbaba ko ng kotse ay napanganga ako. Totoo ngang prestihiyoso ang school na 'to. Ang laki at ang ganda.

“Hesha, 'yung bibig mo. Sige ka, papasukan ng langaw 'yan.” sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Sabay kaming pumasok ng gate.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at nagbubulungan pa.

“Sikat ka rito, Kisha?” tanong ko.

“Hmm. Medyo.” at kumindat pa. Natawa na lang ako.

Hinatid niya muna ako sa room ko bago siya pumunta sa room niya.

Awkward akong pumunta sa bakanteng upuan.

“Oh, that's my seat.” sabi ng isang babae at naunang umupo sa bakanteng upuan. Teka, nakaupo siya sa kabilang row kanina, ah. Tss.

“O-okay.” inukupa ko ang bakanteng upuan sa pinakalikod.

Bumuntong-hininga ako.

Mukhang wala namang pakialam ang mga kaklase ko rito.

“New girl!” sigaw ng isa kong kaklase. Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang transferee rito kaya hindi ako lumingon.

“Hey, look at me when I'm talking to you.” nilagay niya ang kaniyang kamay sa desk ko kaya napatingin ako sa kaniya.

“A-anong kailangan mo?” tanong ko.

“Just to tell you, everything we do is none of your business so back off kung gusto mong tumagal dito. In exchange of your silence, hindi ka namin guguluhin. But still, on your first day… alam mo na. And, this is my boyfriend. Kapag nakita kong nilapitan mo siya, you'll experience what hell is like.” tinuro niya ang lalaking nakahawak sa bewang niya. Tumango lang ako. Ayaw ko ng gulo.

“Good.” umalis na sila sa harap ko.

Maya-maya ay dumating na si Miss Flores, ang adviser namin.

“Good morning, class.” bati ni Miss Flores. Tumayo rin kami.

“Good morning, Miss Flores.” bati namin pabalik.

“Take your seats, everyone.” umupo na kami.

“Except you, Miss.” tumingin siya sa 'kin.

“Go in front, please.” tumango ako at naglakad na papunta sa harap.

Pero nagulat ako nang may paang sumolpot sa harap ko. Hindi ko naiwasan 'yun kaya natisod ako. Nagtawanan sila. Tss.

“Stop it, class. Are you okay, Miss?”

Agad akong tumayo at tumango.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad.

“Introduce yourself.”

“I am Tahesha Miller.” nag-bow ako.

“Miller? Pinsan ka ba ni Kisha Bautista?” tumango ako. Natahimik sila.

“Sorry sa pagpatid ko sayo kanina.” biglang pagso-sorry ng lalaki kanina.

Kumunot ang noo ko. Huh? Ang weird ng mga 'to.

Bumalik na ako sa upuan ko.

Nag-discuss na si Miss Flores kaya nakinig na lang ako.

Break time na nang magkita ulit kami ni Kisha.

“Hesha!” pagkaway niya. Nilapitan ko naman siya.

“How's it?” tanong niya.

“Okay naman. Ang weird nga, eh. Noong sinabi kong pinsan kita, bigla silang nanahimik at parang natakot.” natawa naman siya.

“Ang totoo niyan, sikat nga talaga ako rito.” nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi nga?” natatawa siyang tumango.

“Oo nga.” sabi niya.

Kumain na lang kami pagkatapos naming mag-usap.

The rest of the day turned out good, with my classmates not pestering me.

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon