Chapter 4

30 4 0
                                    

Tahesha Miller.

KANINA PA nagku-kuwento si Jazmin tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam ngunit kahit iilang oras ko pa lamang siya nakikilala ay magaan na ang loob ko sa kaniya. Masaya siyang kausap at kasama. Nasa cafeteria na pala kami. Pag-katapos niya akong i-tour ay kaagad itong nag-yaya na mag-punta sa cafeteria.

"Noong una kong 'pasok dito, wala akong naging kaibigan.. Ni isa, kaya siguro ako palaging mabu-bully, kesyo tatapunan nila ako ng mga juice ganon, mahirap kasi akong i-approach dahil sa hitsura ko, kilala nila ako dahil sa nickname kong Ice Princess pero hindi nila kilala ang ugali ko," Mapait itong napa-ngiti at huminga ng malalim. "Pero nang makilala ko sina Kisha, which is 'yong cousin mo nga, trinato nila ako ng maayos at 'doon ko na sila naging kaibigan.." Mahabang lintaya niya kaya napa-ngiti ako at tumango.

Mabuti pa siya, may totoong mga kaibigan. Ako? May mga kaibigan nga, plastic at pahamak naman. Mabuti na lamang ay nakilala ko na ang tunay na kulay nila, kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa akin at sa kinabukasan ko.

Pero kahit ganoon, nagpa-pasalamat pa din ako sa kanila, at sa mga magulang ko. Kasi dahil sa kanila, hindi ako mapa-padpad dito at hindi ko nakilala ang babaeng ito.

"Ikaw? Hindi ko pa alam ang tungkol sa iyo, mag-kuwento ka naman.." Nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko ang nangyari sa akin kumakailan lang or hindi na.

Natatakot kasi ako na baka kapag nalaman niya ang tungkol sa buhay ko ay iwasan niya ako.

"Ano kasi.. Jazmin.." Napa-yuko na lamang ako at bumugtong-hininga. Wala din akong nagawa kung hindi sabihin iyon. "Hindi kasi ako 'tulad ng ibang babae diyan na masaya at malaya. Ni isa ay hindi ko iyon naranasan; ang pagma-mahal ng isang magulang, totoong mga kaibigan.. Hindi ko naranasan ang mga 'yan. Nag-rebelde ako sa mga magulang ko at ay napa-sama ako sa mga inakala kong totoong mga kaibigan, at dahil 'doon ay muntikan na akong maga-hasa.." Nag-crack ang boses ko habang sinasabi iyon 'saka nag-angat ng tingin.

Nakita kong nagulat si Jazmin, base sa hitsura nito. Hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha kong kanina pa 'gustong mag-badiya. Ako ba iyan, Hesha! Hindi ba't sabi mong hindi ka na iiyak? Hindi mo na iiyakan ang bagay na iyon? Anong nangyari?!

"A-At ngayong alam mo na ang tungkol sa akin.. S-Sana ay hindi mo na ako iwasan.." Sinubukan kong punasan ang mga luha ko ngunit hindi ko magawa. Tumayo ako na ikinagulat niya pa lalo. "I'm sorry pero kailangan ko ng umalis.." Akmang aalis na ako nang higitin ni Jazmin ang braso ko kaya napa-upo ulit ako sa upuan.

Tiningnan ko siya, nakita ko itong malungkot na naka-tingin sa akin. Purong awa ang nakikita ko sa mga mata niya at ayaw ko noon! Ayaw kong kinaaawaan nila ako! Mas lalo nilang ipina-pamukha sa akin na para bang isa akong taong walang alam o walang kayang 'gawin.

"Miserable ang buhay ko, J-Jazmin.. Kaya hindi n-na ako magta-taka kung lalayuan mo ako kasi sino ba namang tao ang 'gustong manatili sa 'tabi ng isang 'tulad ko, hindi ba?" Mabuti na lamang ay napigilan ko ang pag-hikbi ko kung hindi, malamang ay pinagti-tinginan na kami ng mga tao. Mabuti na lamang ay walang masiyadong naka-tingin sa direksiyon namin.

"Kung iniisip mo na iiwasan kita, hindi ko kailanman gagawin iyon, Hesha. Mag-kaibigan na tayo so anong rason para iwasan ka?"

"Hindi ka ba nangdi-diri sa akin? Muntikan na akong magahasa!" Sigaw na bulong ko.

"Ano naman kung madami ka nang pinag-daanan? Rason ba iyon para iwasan ka?" Mahinahon nitong tanong sa akin kaya natigilan ako at napa-isip.

"Oo?" Patanong kong sagot kaya huminga ito ng malalim at umiling-iling.

"Kahit ano pa ang mga pinag-daanan mo, kaibigan pa din kita at hindi kita iiwasan.. Hindi ako katulad ng mga peke mong kaibigan na hinayaan ka lang sa lalaking iyon, I may be an Ice Princess pero hindi ako peke. You can trust me, Hesha." Naka-ngiti nitong saad sa akin at pinunasan ang mga luha ko 'saka ako niyakap. Niyakap ko naman siya pa-balik at nag-salita,

"Thank you, Jazmin. Thank you.." Pagpa-pasalamat ko sa kaniya. Kumalas siya sa 'yakap at ngumiti sa akin.

"No problem, basta huwag mong iisipin na iiwasan kita, okay? Kasi hindi mangyayari iyon." Ang nasabi na lang niya 'saka tumayo kaya tumayo na din ako.

"Tara, hanapin na natin ang pinsan mo, baka kung 'saan na nagpu-pumunta.." Natatawa nitong sabi kaya tumawa rin ako at tumango. 'Sabay kaming nag-lakad sa hallway.

Habang nagla-lakad ay hindi ko maiwasan na mapa-ngiti dahil naaalala ko ang mga sinabi ni Jazmin kani-kanina lamang. Hindi ko 'lubos maisip kung bakit siya binu-bully noon, aba! She's one of a kind kaya! Mag-sisi kayo please..

Kahit sinong tao ay gugustuhing maka-sama ang isang Jazmin Whitewood kasi bukod sa tunay itong kaibigan, mapagka-katiwalaan pa!

Alam kong malas ako sa lahat ng bagay ngunit suwerte naman ako kila Jazmin at sa pinsan kong si Kisha.

Sana ay mag-tuloy-tuloy na ang lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko. 'Gusto ko kasing maranasang mabuhay ng masaya at 'payapa.

Ngunit hindi pa din ako nakakalaya sa miserable kong buhay, I want to Break Free at alam kong darating din ako 'doon.

Kapag natuto na akong pahalagahan ang sarili ko..

"Aish! Kahit kailan talaga ang babaeng iyon, kung 'saan-saan nagpu-pumunta. Ang sakit na ng mga paa ko.." Pagma-maktol ni Jazmin at huminga ng malalim. Akmang tutulungan ito nang may humarang na lalaki sa amin.

Natigilan ako dahil ang 'dilim ng awra nito. 'Gulo-gulo ang kaniyang buhok, at tila wala sa sarili nito base sa hitsura niya.

Hindi naman sa jinu-judge ko siya pero iyon ang first impression ko sa kaniya, e.

"Wilson.."

____

Eyy! Haha😂💖

-ItsMeJuhyunSeo

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon