Tahesha Miller.
Nag-lunch muna kami ni Kisha sa BUFFET 101 at bumili ng mga iba ko pang gamit sa school bago kami umuwi.
"Hesha, bukas maaga tayo papasok ahh may aasikasuhin kasi ako sa school eh" sabi sakin ni Kisha habang nilalagyan ng cover ang notebook ko
"Anong oras ba tayo aalis?" Tanong ko sa kanya
"7:30 kasi kailangan bago mag 8:00 nandun na ako eh" sagot niya sa tanong ko
Pinagpatuloy ko naman ang pag-plaplantsa sa uniporme namin ni Kisha. Pinaghatian namin ni Kisha ang gawaing bahay tuwing umaga siya ang mag-luluto ng breakfrast namin ako naman ang mag-huhugas tapos kapag gabi ako naman ang mag-luluto tapos siya naman ang mag-huhugas ako rin ang mag-plaplantsa ng damit namin habang siya naman ang mag-lalaba ayaw na kasi naming kumuha ng katulong dahil kaya naman namin gawin lahat iyon.
"Tapos na ako sa mga notebook mo Hesha may ipapa-cover ka pa ba?" Tanong niya
"Wala na ako nalang ang mag-covover ng mga libro ko salamat pala" sabi ko
"You're always welcome Hesha" sabi niya tapos tinakpan niya ang bibig niya gamit ang palad niya dahil humikab siya
"Matulog ka na tatapusin ko lang ang pag-plaplantsa tapos matutulog na rin ako"
"Sige wag kang magpapapuyat ahhh" sabi niya tinanguan ko naman siya
ILANG minuto ang lumipas natapos na rin ako sa pag-plaplantsa kaya inayos ko na ang mga gamit ko sa school at inilagay ko ito sa aking bag bukas ko nalang lalagyan ng cover ang mga libro ko next week pa naman namin kasi gagamitin ang mga libro.
Nag-linis muna ako ng bahay bago matulog dahil nakakahiya naman kay Kisha kung pag-gising niya marumi ang bahay niya.
*the next day*
Nagising ako sa amoy nang niluluto ni Kisha kaya agad agad kong inayos ang kama ko at naligo.
"Good Morning" bati ko sa kanya ng makalabas ako ng kwarto ko
"Good Morning Hesha! You're just in time kakatapos ko lang mag-luto ng breakfast natin" sabi niya habang inilalagay sa plato ang bacon na niluto niya
"Nagising ako sa amoy ng niluluto mo e" sabi ko
"By the way wag mo nang hugasan yung plato mamaya nalang kasi baka ma-late tayo" sabi niya tumango naman ako at nag-hugas ng kamay bago ako kumain
NANG makarating kami sa school agad kaming nag-hiwalay ni Kisha dahil may gagawin siya ako naman dumeretso sa room.
Pagdating ko sa room wala pa ang mga kaklase ko si Miss Flores lang ang nakikita ko sa loob.
"Good Morning po" bati ko kay Miss Flores ng makapasok ako sa loob ng classroom
"Miss Miller? Ang aga mo naman ata anyway Good Morning" sabi niya
"Maaga po kasi pasok ni Kisha eh kaya maaga rin po akong nakapasok"
"Sabay kayo?"
"Opo" sagot ko sa tanong niya habang inilalagay ang bag ko sa upuan
"Can you do me a favor?" Tanong ni Miss Flores sakin
"What is it Miss Flores?" I asked
"Pakibigay naman ito kay Miss Galvez you can find her at the Guidance Office" sabi niya sakin at ibinigay sakin ang bundok ng papel.
'Tinanong ko lang naman kung ano ang iuutos niya ahh hindi ko naman tinanggap e'
"S-sige po" sabi ko at lumabas ng dahan dahan sa room baka kasi mahulog ko ang papel na toh.
NANG makarating ako sa Guidance Office pinalapag ng secretary ng guidance ang papel na hawak ko sa table ng guidance councilor.
"Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Can someone tell me how can this be" may naring akong kumakanta ng makalabas ako ng G.O isa lang ang masasabi ko ang ganda ng kanyang boses
Tumungo ako sa room kung saan ko narinig ang boses at sumilip sa bintana
"wow" bulong ko sa sarili ko ng nakikita ko rin siyang nagpapiano
"Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Can someone tell me how can this be" pagpapatuloy niya sa kanyang pagkanta habang nakapikit parang dinadamdam niya talaga ang kanta
"Hesha?" napatalon naman ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Kisha mula sa likod ko
"K-Kisha? Kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya
"Kakarating ko lang nakita kasi kita dito eh kaya pinuntahan kita, Bakit mo nga pala pinapanuod si Jazmin?" Jazmin? Sino yun?
"Jazmin?" tanong ko sa kanya
"Siya Jazmin Whitewood" turo ni Kisha sa kumakanta
"Jazmin pala pangalan niya" bulong ko sa sarili ko
"Woi! Tinatanong kita kung bakit mo siya pinapanuod" pag-ulit ni Kisha sa kanyang tanong
"Narinig ko kasi ang boses niya kanina e tas nagandahan ako sa boses niya kaya pinanuod ko siya" sagot ko sa kanyang tanong
"Do you want to be friends with her?" tanong ni Kisha sakin
"Sure why not?" nagulat ako sa sumagot sa likuran tiningnan ko naman kung sino ang sumagot
'Si Jazmin!!!'
Akala ko ako yung tinatanong ni Kisha siya pala!!!!
"What's your name?" tanong sakin ni Jazmin
"T-Tahesha Miller, Hesha for short" sagot ko
"I'm Jazmin Whitewood, You can call me Jaz" pakilala niya sakin at nag-shake hands kami
"Bago ka lang ba dito?" tanong niya sakin
"Oo" sagot ko
"Jazmin ikaw muna bahala kay Hesha ahh" sabi sa kanya ni Kisha
"Don't worry i'll take care of her" nakangiting sinabi ni Jaz kay Kisha "ka-ano ano mo si Kisha?' tanong niya sakin
"Pinsan ko siya" sagot ko npa-ahhh naman siya
"Gusto mo i-tour kita dito?" Tanong niya sakin
"Sige ba!" Excited ko na sagot
"ITO ang green house ng school dito mo makikita ang iba't-ibang uri ng halaman dito by the way ano ang favorite mong bulaklak? At bakit mo paborito ito?" Tanong niya sakin habang inaamoy niya ang tulip
"white Chrysanthemum because it means Loyal and Devoted Love" sagot ko "E ikaw ano?" Tanong ko sa kanya
"Red Roses" sagot niya
"Why?"
"Because i love romantic stuffs and red roses means romantic love" sagot niya habang pinagmamasadan ang bushes ng mga pulang rosas
BINABASA MO ANG
Break Free
Teen Fiction[Endless Love Series #1: Break Free] Bata pa lamang si Wilson ng mag-hiwalay ang magulang niya. Nasak-sihan nito ang mga pag-aaway sa pagitan ng mga magulang nito. At dahil sa nasaksihan niya, nangako ito sa sarili niya na hindi ito 'tutulad sa ama...