Hi! Cupcake.....sabi ni Jeralyn kay Rodel.
Nang nakita niya ako na nasa pintuan sabi niya agad "oooppppsss... Sorry nakalimutan ko wala na pala tayo." At bigla akong tiningnan at pangiti niyang sabi " Hi, Farah".
Pero nang narining ko ang cupcake nilang tawagan dati parang may dumudurog sa puso ko. Hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko, pero alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng ma-inlove sa kanya.
Hoiii! Farah, si Raymond andun sa clinic duguan. Sabi ni Michael.
Nagsitakbuhan ang mga kaklase ko pati rin kami ni Muffin.
Anong nangyari bakit ganon, sunod-sunod ang namamatay sa pangkat na ito? Sabi nang isang estudyante sa first year.
Siguro may demonyo. Sabi naman ng kasama niya....
Napansin kong lahat nang kaklase ko andito sa clinic ngunit wala si Jeralyn at Ryan.
Pumunta kami ni Muffin sa canteen. Nakita namin silang dalawa na kumkain at nag tatawanan. Parang tumigil ang oras ni Rodel at nakatitig lang sa kanilang dalawa.
Napaisip ko tuloy kung may nararamdaman paba si muffin kay Jeralyn.
Nakisabay kami ni Muffin kina Jeralyn kumain, dahil walang nang table.
Ha? Si Raymond iyon ahh... Tinawag niya ako at sinabi na huwag daw akong lalapit kay Jeralyn.
Tiningnan ko si Jeralyn at nang tiningnan ko uli si Raymond nawala na siya at na-alala ko na patay ba pala siya at sa takot dahil nakipag-usap ako sa multo sumigaw ako....
Ahhhhhh! Natingala si Rodel at sinabing Anong nangyari sayo?
Sa takot ka at hinahabol ko ang hininga ko kaya nawalan ako ng malay.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
• May feelings pa kaya sila....

BINABASA MO ANG
Revenge!
HorrorPaano kung ang mahal mo ay pinag-aagawan ng isang buhay at patay na tao! Ipaglalaban mo ba ito?