AGWIOSL - 1

214 5 6
                                    

Chapter 1

AGWIOSL

WALLACE POV

MAAGA akong nagising para ipag luto ng agahan si Alleli at tinutulungan naman ako ni Manang Ising sa pag hahanda. yung nangyari kahapon ng gabi ay hindi ko nalang inisip pa at dinamdam dahil dalawang taon na din nya sinasabi saakin na hindi ako makakapasok sa puso nya. ramdam ko talaga ang pag ayaw nya saakin lalo na itong Arrange Marriage. sa umpisa palang tutol na sya sa set up na ito, tanda ko pa noon kung pa ano sya mag makaawa sa magulang nya na wag ipakasal saakin dahil may mahal syang iba at ayaw nya ito masaktan. may parte saakin na malungkot ako at na iingit doon sa lalake, buti pa sya mahal ni Alleli samantala ako eto nanlilimos ng pag mamahal mula sakanya. noong grumaduate kami ni Alleli ng kolehiyo at nag karoon ng sariling trabaho ay doon lang kami pina kasal. at ng ikasal kami ni Alleli ay doon na ipina mahala saakin ang ACG COMPANY na pag mamay-ari ng ama nya noon na ngayon ay ako na ang nag mamay-ari.

Na pa buntong hininga ako habang iniisip ang lahat ng pangyayaring dumaan sa buhay ko at sa buhay namin ni alleli. Noong high school palang ako ay gusto ko na talaga si Alleli. hindi nya pa ako kilala noon, school mate ko sya at lahat ng estudyante ay humahanga talaga kay Alleli. madami akong ginawa upang mapansin manlang nya ako pero kahit isa walang umepekto. nang grumaduate naman kami ng High school ni Alleli ay sinadya ko talaga alamin kung saan ba sya papasok na university, ng malaman ko kung saan sya mag aaral ng kolehiyo ay agad naman ako kumuha ng entrance exam at sa kabutihang palad ay naka pasa ako. mula ng mag kolehiyo kami ay wala pa talaga akong lakas na loob na lumapit sakanya, madami na din ang umaaligid sakanya at hanggang sa na balitaan  ko nalang na may boyfriend na sya. na saktan ako nung mga panahon na iyon, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa torpe ako at walang lakas na loob.

Akala ko noon hanggang doon nalang, pero may ginawa ang tadhana. may okasyon kaming pupuntahan ng magulang ko birthday daw kasi nung kaibigan nila kaya kailangan andoon kami at may ipapakilala daw yung kaibigan nya saakin. ng makarating kami sa nasabing lugar ay na mangha ako at nagulat. ang may kaarawan pala ay ang daddy ni Alleli. buong gabi kay alleli lang ako naka tingin dahil sa gandang taglay nya kahit simple white dress lang ang suot nya. ng matapos ang party ay ginayak naman kami noon na pumasok sa bahay nila at pinapunta kami sa Library ng mansion nila. at doon sinabi sa mismong harapan namin ni Alleli na Arrange Marriage kami at matagal na daw itong pinag ka sunduan. hindi ko din aasahan ang nag reaksyon ni Alleli nung ganing iyon, umiyak sya at lumuhod sa harapan ng magulang nya at sinabing ayaw nya ng ganito dahil may nobyo sya at ayaw nya itong masaktan. pero gumuho ang pag asa ni Alleli dahil hindi pumayag ang ama nya, kailangan hiwalayan nya na daw ang lalakeng iyon.

Hanggang sa pinakasal na kami. dapat nga ang kasal ang pinaka masayang araw, pero saamin ni Alleli ang makasal saakin ay isang bangungot na gusto nya ng magising. may isa nga lang hindi alam ang mga magulang namin, bago ang kasal kina usap nya ako papayag lang daw sya na maikasal saakin pero ang kapalit hindi sila mag b-break ng boyfriend nya. at dahil sa gusto ko sya makasama at maging asawa ay pumayag ako sa kondisyon nya.

"Hijo?"

na pa tigil ako sa pag iisip ng may tumawag saakin sa may gilid ko kaya agad naman ako tumingin, at nakita si manang ising na mukhang nag aalala na naman saakin. para na din syang pangalawang ina ko na ayaw ko pag aalahanin.

"Po Manang?" naka ngiting sagot ko sakanya.

A Guy who is One sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon