A Guy who is one sided love
Chapter 10
WALLACE POV
SABADO buti nalang at natapos ko na ang lahat ang dapat tapusin na gawain sa opisina, wala na akong masyadong gagawin buong mag hapon kundi ang mag pahinga nalang. Simula nung pangyayaring naganap noong isang gabi sa bahay namin ni Alleli nung nalaman ng papa nya ang tungkol sa relasyon nila ni Mart at pinaalis na ito sa puder ko nakaram ako ng luwag sa pakiramdam. Hindi ko din pinag sisihan ang mga sinabi ko noong din gabing iyon sa harapan ng magulang naming, bakit pa ako mag papangagp na ayos kaming dalawa kung alam naman naming may mali na sa relasyon naming simula nung umpisa, na pakasalan ako ni Alleli.
Argh! Dapat di ko na iniisip pa ang mga iyon. Kailangan mag patuloy ako sa buhay, hindi lang sya ang babae sa mundo madami pang iba dyan na mamahalin ako at hindi ako sasaktan!
Nang makarating na ako sa bahay ay agad ko naman pinark ang sasakyan sa garahe at sinalubong ako ni Mang karding. Oo nga pala kailangan kong maka usap silang dalawa ni Manang ising dahil nagising ako kahapon ng gabi na pansin ko wala sila sa kwarto nila. Dumeretso na ako sa loob ng bahay para hanapin si Manang ising ng hindi ko sya Makita sa sala ay pinuntahan ko naman ang kusina baka sakaling nag luluto sya.
Pag ka punta ko iba ang nakita ko.
Hindi si Manang ising...kundi si Alleli.
Ano ang ginaggawa nya dito?! Wala na syang karapatan pang pumunta dito sa bahay ko dahil hindi na kami mag asawa pa!
"Oh Wallace nariyan ka na pala." Sabi nya na may ngiti sa labi. "gutom kana ba? Nag luto ako ng paborito mong ulam." Sabi pa nya at inilagay ang ulam sa plato.
"Sinong nag papasok sayo dito sa bahay ko?!" galit kong tanong sakanya. Huminto sya sa pag sasandok ng kanin at saka tumungo. "Sa pag kakaalam ko hindi na kita asawa. Bakit nandito ka?! Sino nag sabing pwede ka mag labas
pasok dito sa pamamahay ko?!"
"Wallace ano kasi—" hindi nya na ipag patuloy ang sasabihin nya ng dumating si Manang ising. Tumabi ito sakanya at hinawakan sa kamay.
"Wallace, wag ka naman maging ganyan kay Alleli. May pinag samahan naman kayo saka ako ang nag dala sakanya dito."
"Manang. Una po wala kaming pinag samahan ni Alleli at saka po wag nyo na syang papuntahin pa dito sa pamamahay ko! Doon sya sa bahay nya mamalagi!"
"Wallace wag kang sumigaw."
"Manang. Mas mabuti pa po na ibalik nyo na sya sa bahay nila at baka sumugod pa dito ang magulang nya."
"ayoko bumalik." Bigkas ni Alleli kaya naman napa tingin ako agad sakanya. Naka tungo sya at may lungkot sa mga mata nya, pwes di ako madadala sa drama nya! Bitag nya yan para maawa ako at patuluyin ko sya dito.
"Ayoko bumalik sa bahay, mag isa lang ako at magiging malungkot lang ako doon." Patuloy nya.
BINABASA MO ANG
A Guy who is One sided Love
Ficción GeneralAng tanging hangad lang ni Wallace ay ang mahalin din sya ng asawa nya na si Alleli, halos lahat ginawa nya upang mahalin sya ng pabalik. ngunit sa pag lipas ng mga araw ang puso ni Wallace ay sumuko na. sumuko na mahalin si Alleli, dahil sobra na s...