Authors Note: Youngfilipina:
Hey Guys! thank you nga po pala sa patuloy na pag babasa nitong A Guy who is one sided love! Love ko kayo! uunahin ko muna ito tapusin at isusunod ko na iupdate ang When he fell in love with a ghost too? sana mabasa nyo din po iyon, syempre basahin nyo muna ang That Ghost bago yun, bale story yun ng friend ni albie (That Ghost) :) Dito sa chapter na ito ay mag sisimula na ang pinakahihintay ko hahaha charot! SALAMAT po ulit. kaunting kembot nalang mag 1k na ito. Comment lang kayo! and also like my page on facebook!
Thanks.
- - - -
CHAPTER 7
"Alleli hija...Hija..."
Nadidinig ko ang boses ni Manang kahit na naka pikit pa ako pero gising na talaga ako ayaw ko lang imulat muna ang aking mga mata dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.
"Gumising kana Hija..." ramdam ko na din na inuuga nya na ako sa balikat. wala na ako magagawa kundi imulat ang mga mata ko. marahan ko minulat ang mata at nakita si Manang Ising na naka upo sa tabi ko. dahan-dahan akong umupo at sumandal sa head board ng Kama.
"Hija papasok ka ba ngayon sa Coffee shop mo?" tanong nya saakin.
"Ah opo Manang." sagot ko. itinaas ko ng kaunti ang kumot ko dahil sa nakaramdam ako ng ginaw.
"Oh sya mag ayos kana para maka sabay kana kay Wallace paalis." sabi nya saakin habang naka ngiti.
Bigla ko na alala ang pangyayari kagabi. nung na pa upo ako sa sahig ng kalsada sa tapat ng bahay, malakas ang ulan at higit sa lahat ang pag uusap namin ni Wallace. ganun ko na ba sya na saktan at humantong na ayaw nya na saakin.
na pa buntong hininga nalang ako ng maalala yun, na saktan kasi ako. wala naman ako masamang intensyon ang gusto ko lang ay yung makipag ayos sakanya di ko naman iniisip na gawin syang rebound dahil wala na kami ni Mart.
"Hija..." muling tawag ni Manang kaya na pa tingin ako sakanya.
"Po Manang?" tanong ko. sana hindi nya matananong yung nangyari kahapon dahil "Kahapon ng gabi nakita ko si Wallace ba pumasok sa bahay na basang basa pag katapos ikaw naman ang pumasok may nangyari ba sainyong dalawa?"
bumuntong hininga muna ako saka sumagot. "Opo manang." sagot ko. "Gusto ko lang naman na makipag ayos na kay wallce ang kaso na galit sya saakin, iniisip nya na kaya ako makikipag ayos dahil na wala saakin si mart at sya ang ipapalit ko. hindi naman ganun ang intensyon ko."
"Hija...wag ka sana ma o-offend sa sasabihin ko. " tumingin ako ng darekta kay Manang. "Na saktan na kasi ng lubos si Wallace ang dapat mo lang gawin ngayon ay hayaan mo muna syang makapag isip at makapag pahinga. " na pa tungo ako sa sinabi ni Manang, tama sya ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit umiiwas na saakin si Wallace hindi ko sya pinahalagahan simula palang. binalewala ko sya at pinaramdam na hindi ko sya gusto. "Sige na hija mag ayos ka na."
Pag kasabi ni Manang bumangon na ako ang kaso bigla akong nahilo buti nalang napa hawaka ako agad sa side table ng kama. siguro na bigla lang ako sa pag bangon kaya ako nahilo. nag tungo na ako agad sa banyo para maligo, ng nakapag ayos na ako lumabas na ako ng kwarto at sakto namang lumabas si Wallace sa kwarto nya nakatitig kami sa isat'isa hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa pangyayari kahapon.
BINABASA MO ANG
A Guy who is One sided Love
Ficțiune generalăAng tanging hangad lang ni Wallace ay ang mahalin din sya ng asawa nya na si Alleli, halos lahat ginawa nya upang mahalin sya ng pabalik. ngunit sa pag lipas ng mga araw ang puso ni Wallace ay sumuko na. sumuko na mahalin si Alleli, dahil sobra na s...