TITLE : M.U. = "M"alabong "U"gnayan
Link : http://www.wattpad.com/story/22582200-m-u-m-alabong-u-gnayan-oneshotstory
"Sige na Dennis! Kasi naman eh, minsan na nga lang magrequest sa'yo. Pretty Please?"
Sabi ko sa kaharap ko na nagbeautiful eyes pa ako, papayag na yan. Yan pa! eh ang lakas ko kaya dyan!
"Sige pero last na ha! Ikaw talagang babae ka di ka mauntog nang magising kana!"
eto naman gagawin din naman request ko sasamahan pa nya ng pangaral. Pang apat balik na sya dito galing dun sa kabilang dulo ng field. Kaya di ko sya masisisi kung aayaw na talaga sya sa pinapagawa ko, pagod na 'to sa pabalik balik na takbo paroon at parito sa pwesto ko. Pero kasi sya lang maaasahan ko, hoping parin kasi ako. Hoping ako na mapansin parin ako ng taong mahal ko.
Makalipas ng ilang minuto, ayan na ulit si Dennis di ko mapigilang maexcite sa sasabihin nya. Ginawa ko syang messenger kahit uso na cellphone ngayon. May pinabibigay akong letter sa taong nasa kabilang dulo field at naghihintay ako ngayon kung makakatanggap na ba ako ng sagot sa pang apat na beses pagpapunta ko sakanya. Kahit man lang isa may matanggap na sana ako.
Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko ng kitang kita ko ng dalawa kong mata ang pagbagsak ni Dennis sa field. Sa bilis ng takbo nya nadapa sya at dahil field yun, maraming tao ang nakakita at syempre as expected pinagtawanan pa sya imbis na tulungan. May ilan na lumapit sakanya para tulungang makatayo at laking gulat ko nang mapansin kong nabalian pala sya. Yung mga taong nagtawa sakanya kanina napalitan ng awa dahil di ko alam kung bakit ganon kahina ang buto nya para mabali dahil lang sa pagbagsak nya dahil sa pagkakadapa. Dinala na nila si Dennis sa clinic at di naman ako makasunod, pano ba naman kasi, ako ang dahilan kung bat nangyari sakanya to, kung di ko sya pinapabalik balik sa pagtawid sa field di mangyayari 'to. Nakokonsensya ako sa ginawa ko sana di nalang ako nagpumilit na magpapansin sa taong ngayong alam na alam ko namang wala na akong halaga.
------------------------------------------
First year highschool ako, lagi akong hinahatak ng kuya kong fourth year sa isang meeting na sa una palang eh inayawan ko na. Ang Spiritual Youth Ministry na ang kuya ko ang isa sa mga officer. Lagi nalang kasi akong inaantok sa mga meetings nila buti nalang ngayon sa Gym nila naisipang magmeeting. Nakakasilay ako sa crush kong naglalaro ng basketball. Kilig na kilig pa man din ako ng may humaharang sa direksyon nya. Napakapapansin, akala nya siguro sakanya ako nakatitig kaya puro lingon sakin. Itiningin ko nalang yung mata ko sa nagsasalita sa harapan. Pero kahit anong konsentrasyon ang gawin ko di ko mapigilang di lingunin yung lalaking yun na panay ang titig na sa'kin. Di mo alam kung nang aasar ba sya o ano eh di ko naman sya kilala. Oo member din sya ng SYM pero excuse me, wala akong balak kilalanin sya, pinagbibigyan ko lang si kuya kaya di ko kailangang makipagsocialized sa kanilang lahat. Okay na sakin yung nakaattend ako ng meeting kahit wala naman akong naintindihan dahil inaantok ako.
Lumipas ang ilang araw tila ako ang usap usapan ng ka-member ko sa SYM. Lagi daw akong bukambibig nung Gian na yun. Lagi daw akong hinahanap lalo na nung natakasan ko si kuya kahapon sa meeting. Umuwi kasi ako kagad. Kung dati walang masyadong kumakausap sakin dahil pinipilit kong wag maging kapansin pansin, ngayon kilalang kilala na nila ako. Dahil sa Gian na yun. Ang second year na sinasabi nilang tall, dark and handsome eh may crush daw sakin. What the heck diba? Tall and dark lang sya pero di sya handsome no.
Everytime na may meeting kami, halatang halata nga na may gusto sya sa'kin, obvious na obvious na kasi ang pagtitig nya sakin na kulang nalang eh matunaw ako sa lagkit ng titig nya. Pag nililingon ko naman sya at nagkakatama ang paningin namin bigla nalang syang iiwas then babalik nanaman ang titig pag di ko na sya tinitingnan.
BINABASA MO ANG
SWAK na Quotes para sa'yo !
DiversosNew Quotes that fits to your taste! Read.Comment.Vote.Follow