U N O

31 4 1
                                    

M I K O

"Anong oras ba darating yung hinire ninyong architect? May bago pa naman tayong kliyenteng darating." Bulyaw ni Lucas.

"Jusko, first day na first day late na agad. Sino bang nag-interview doon?" Christoff.

May bago daw kasi silang hinire na Architect.

Mag 10 am na wala pa din siya.

"Pa-importante ah. Dinig ko hindi pa naman talaga lisensyado. RMP pa lang ang nakukuha. Malamang sa malamang babae yan. Ang mga babae nga naman." Si Alexander.

"Huy, Phillip. Ano na?" tanong ko kay Phillip.

Siya kasi nag-interview doon.

Ang sabi niya magaling daw at subok na.

Sigurado daw magugustuhan namin siya.

Ako nga pala si Miko Razon. Isang Civil Engineer. I am working with my team they are my College Barkada. Lalaki kaming lahat dito sa office kasi ayaw nila mag-hire ng babae kasi baka daw magselos mga girlfriends nila. Yep, I am still single, I am waiting for someone na hindi ko alam kailan babalik o kung babalik pa nga talaga.

"Oo nga Phillip, in 30 mins darating na kliyente. Huy!"

"Chill lang guys, nasa lobby na daw siya. Christoff wag masyado pa-stress. Loko parang dika inaalagaan ni Bea."

"G*go! Sympre nakakahiya naman sa kliyente pinagmamalaki natin na may Architect na dito sa firm natin. Isa pa, kaibigan nang dad ko yung darating. Baka mapahiya ako, tayo."

"Sino ba kasi yan? Kilala mo ata at binacker mo dito sa firm? Nako, Phillip wag lang sana palpak yang Architect mo. Malilintikan ka talaga."

"Ang iinit niyo mga brads. Oh ito na pala siya e. Architect kamusta? Long time no see."

Lahat kami ay napatingin sa pintuan.

Pagtingin ko sa...

"Babae nga..." Alexander.

Babae nga...

Ang babaeng...

"Joneng!" Lucas. "Hala, ikaw na ba talaga yan?"

Tuluyan nang pumasok ang babae

Kasalukuyang pinagkakaguluhan siya nang mga kasama ko.

Parang kanina sobrang diskusyon ang ginagawa nila, halos mag-away away na sila kung sino ba talaga yung Architect.

Ngayong nandito na siya halos hindi sila magkamayaw sa kakausisa sa kanya.

Nananatili ako sa posisyon ko.

"Miko. Long time no see. Erhm, sorry Engr. Miko Razon na pala dapat."

Lumapit sa akin ang babae

Shit!

Ang ganda!

Ang bago!

Babae

Ang babaeng...

"Hoy Razon! Galaw galaw baka ma-stroke! Ayiiie!!!!" inaasar ako ni Alex.

Kinuha nang babae ang kamay ko at nakipag-shake hands

At tumigil ang mundo ko.

Siya nga...

Ang babaeng pinakamamahal ako.

Nandito na siya sa harapan ko.

Akala ko hindi ka na babalik, my love.

"Nandito ang client. Come here Joneng, let me introduce you to your first client."

it was you, LoveWhere stories live. Discover now