C U A T R O

15 3 0
                                    


JOAN

Nagising akong may nangangalampag na mga kasangkapan. Umaga na pala. Agad akong tumingin sa tabi ko. Teka bakit katabi ko si Miko?

Fuck? Agad akong napatingin sa ilalim ng kumot ko. Phew! May damit pa kami parehas.

I poked his cheeks, "Miko?"

"Hmm?"

"Bangon na umaga na."

"5 mins pa. Antok pa ako."

Hoy! Para kaming mag jowa dito! Kinikilig ako ang aga aga!

Tapos biglang may kumatok. Napatayo ako kaagad sa pagkakahiga. Para akong napaso. Haha.

"Joneng. Kakain na, malapit na din sila Alex." Sigaw ni Christoff mula sa labas.

"Oo, ito na."

Niyugyog ko ulit si Miko.

"Miko, tayo na."

"Oo sige."

Tapos tumayo na ako at dumiretso sa banyo at naghilamos. Grabe wala man lang palit palit damit. Kadiri! Inamoy ko sarili ko, baka kasi mabaho na pala ako. Haha.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Miko na nakaupo sa may kama at nag iinat inat.

"Sorry nakita tabi ako sayo kanina madaling araw, ang lamig kasi wala akong kumot."

"Okay lang." Feeling ko kamatis na sa pula yung pisngi ko.

Dapat hindi na niya sinabi, hindi ko na nga pinansin e.

"Ano MVP? Naka shoot kna ba?" pang aasar kaagad ni Lucas nang makalabas kami ng kwarto.

"Ulol! Walang ganon." Tapos umupo kaagad si Miko

"Papunta sila Alex ngayon kasama client at mga gamit."

"Bat kasi nakalimutan natin yung gamit?"

"Bobo ninyo e."

"Ganun din naman guys kung dala natin yung mga gamit kagabi hindi rin tayo makakapag sukat kasi madilim na noong makarating tayo dito."

Nang makarating sila Alex kaagad din kami nagsimulang magsukat ng lote. Kasi diring diri na din sila sa mga katawan nila, wala pa kaming ligo.

Pagka uwi na pagka uwi namin sa maynila, umuwi ako kaagad sa flat ko. Good thing nasa firm yung kotse ko nga pala.

Pagkatapos kong naligo ay bumalik ako kaagad sa building kasi Friday palang at may trabaho parin. Architect don't have rest in their vocabulary. Resting are for weaks. Haha.

Nandito na ako ngayon sa firm, wala pa yung iba. Pero Alex and Phillip naiwan na sila doon sa site.

"Yes sir. Maybe next week kailangan na namin yung mga trabahador." It's Miko

'Sino yan?' I mouth uttered to him.

Tapos itinaas niya yung kamay niya parang sinasabi niyang 'wait lang'

"Sige sige. Let me know kaagad, maybe we are needing 50 mens, 25 for morning shift and 25 for evening shift. Gusto ng kliyente namin, matapos sa loob ng isang buwan yung project."

Umupo na ako sa desk ko para masimulan na yung mga paper works ko kasi ako ang kukuha ng building permit ng structure doon sa lugar. Hayyy! Adult life you sucks!

"Yung sa construction yon. Tumawag na ako para as soon as next week masimulan na kaagad yung project."

"Nasan yung iba?"

it was you, LoveWhere stories live. Discover now