TRES

19 4 3
                                    

Nagising ako nang may tumamang liwanag sa mata ko, teka hindi ko sinara yung kurtina ko kagabi?

Teka, bakit ako nandito sa flat ko? Diba umiinom ako kagabi? Nasa bar ako? Paano ako nakauwi? Hala?

Shocks! Ang sakit ng ulo ko ah. May hang over ako tae naman.

Umupo muna ako sa kama ko at pilit na iniisip kung paano ako nakauwi at anong nangyari kagabi. Grabe! Wala talaga akong maalala. Maliligo na nga muna ako.

Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako. Shit! Wednesday pa lang may trabaho pa pala ngayon. Nako ang bobo ko naman talaga. Umakyat ako ulit sa kwarto ko para magpalit ng damit kasi nakapambahay lang ako. Jusko po Lord 11am na. Late na late na ako.

Nagmadali na akong bumaba sa parking lot. Eh sa sinuswerte nga naman talaga ako, nasa firm yung kotse ko dahil hindi ko dala at nakisabay ako kay Lucas papunta sa client tas sa bar. Good morning my Wednesday. Grabe napakaswerte mo nga naman.

Habang nag-aabang ako ng taxi, biglang may tumigil na kotse sa harapan ko. Bumaba yung salamin nang bintana at nakita ko kung sino ang driver.

"Get in!" utos niya.

"Late ka din?"

"Hindi no. Haha! Ikaw ang late."

"Eh bakit ka andito dapat nasa office ka na."

Tinuro niya yung sa may backseat, mga pagkain.

"Wednesday ngayon, ako ang nakatoka sa lunch natin. Tapos nung nakita kong nasa parking lot yung kotse mo naisip ko na wala kang sasakyan kaya nagbakasakali akong paalis ka na at daanan ka para makasabay."

"Nice timing!"

"Miko Razon to e!"

"Nakalimutan mo yung Engineer sa unahan. Hahaha!"

Swerte padin talaga ako. At doble pa yung kasi si Miko pa ang sundo ko. Infairness, ang bango ng kotse niya ang lalaki ng pabango niya. Shet nakakakilig naman isipin na magkasama kami sa iisang kotse.

"Hindi ka pa nag-aalmusal, hula ko."

"Madam Auring is that you? Haha."

"Hahaha! Kamusta ulo? Walang hang over?"

"Ayos na. Nakaligo na ako e. Mawawala din yon kapag nakaligo ako. Anong oras pala kayo umuwi kagabi? Teka paano ako nakauwi?"

"Hindi mo alam paano ka nakauwi?"

"Hindi? Kaya nga tinatanong ko sayo?"

Bigla kong naalala yung amoy ng kotse niya. Shit hinatid ba niya ako?

"Hinatid mo ako?"

"Oo."

"Tapos?"

Bigla siyang nagbreak ng kotse kaya nabigla ako.

"Hindi mo alam pagkatapos?" tinakpan niya nang kamay niya ang katawan niya.

"Hoy wag mo akong pinalolo loko Miko! Sasampalin kita!"

"Pagkatapos mong gawin yon, makakalimutan mo lang agad? Parang walang nangyare? Hindi mo lang ba ako pananagutan? Anong klase ka?"

"Miko Razon isa pa kokonyatan na talaga kita diyan. Umayos ka!"

Bigla naman nang-ring yung phone niya at sinagot niya.

"Oo ito na. Mga patay gutom."

Tapos nagsimula na ulit siyang magmaneho. Naka-pout pa siya habang nagmamaneho, parang tanga lang. Pero ang cute niya. Putek wala naman ata siyang ginagawa na hindi ko nagugustuhan. Hahaha!

it was you, LoveWhere stories live. Discover now