"Kapag natapos natin yung project, out of the town tayo?"
"Sure brads. Kaya dalian mo na at ipresent na natin to agad sa client at ma-approve na. Atat na atat nako makatikim ng dagat."
Kasama ko ngayon si Lucas, papunta kami sa resto i-mmeet namin yung client. Dapat si Christoff kasama ko e. Kaso bad timing nagkasakit si gago.
It has been a week since nag-work ako sa firm nila. I must say, these guys are good at work. Kahit mga maloko sa katawan, seryoso naman sila pagdating sa trabaho.
"Kailan mo balak mag-boyfriend, Jo?"
"Ikaw kailan mo balak mag-girlfriend?"
"Kailan ba ako makakatanggap nang matinong sagot sayo? Hindi ka parin talaga nagbabago, parang walang gap na 5 years. Para ikaw parin yung Joneng noon."
"Dami mong satsat."
"Kailan nga? May irereto ako sayo."
"Wala pa sa ngayon. Saka na, saka nagffocus muna ako sa career ayoko muna sabayan ng sakit ng ulo."
"Sayang, may reto pa naman ako sayo."
"Save it, Lucas. Wala pa talaga sa isip ko yan."
Actually, narealize ko after 5 long years of staying in Korea. Wala akong balak na mag-jowa. Although, meron mga nanligaw sa akin doon pero hindi ko naisip na magkaroon. Pero noong bigla ko ulit nakita si Miko, parang...
"Sayang si Miko pa naman sana reto ko sayo."
"Gago, walang talo talo sa barkada."
Bro code kumbaga. Matimbang sa akin ang mga kaibigan ko kesa sa feelings ko. Kaya nga naitago ko noon na gusto ko siya e. Sa akin lang bag anon. Crush na crush ko noon si Miko Razon pero patay malisya lang ako.
"Hindi ka naman namin kabarkada ah?"
"Ah, sige ganyanan tayo Lucas ah."
"No. Hindi sa ganon. What I mean is, wala ka naman natatapakan kung sakali man maging kayo ni Miko."
"Lucas, stop. Seryoso, wala pa talaga sa isip ko."
Parang sira tong si Lucas, baka umasa ako niya. Nako marupok pa naman ako pagdating kay Miko. Hahaha.
"Sabi mo e."
"Saka hindi ako magugustuhan ni Miko, iba ang type niya."
"Pinangungunahan mo naman yung sitwasyon e. Teka, bakit ka nga pala umalis noon after mo nag-graduate?"
"Ah yun ba? Wala dream ko talaga noon pumunta nang Korea. Una ang balak, gift lang sa akin nang fam ko which one-month ako doon. That was the original plan. Tapos noon malapit na ako umalis, tumawag yung friend ko na Korean noon sabi niya yung tito niya naghahanap ng apprentice. At first nahirapan akong kumbinsihin ang family ko, lalo na Daddy ko. Pero ayun kalaunan napapayag ko rin sila. Tapos, habang nag-aaprentice ako doon, nag-aaral din ako at the same time kaya napatagal ako doon."
Kaka-kwento ko, sakto naman nandito na din kami sa meeting place.
"Brads bakit?"
May kausap sa phone si Lucas, kakatapos lang namin kausapin yung client.
"Oo brads, nagustuhan niya. Tuwang tuwa nga siya e. As soon as possible daw start na ang construction."
Yep, approve agad sa unang quote palang. Hahaha.
"Maging architect natin e" Tapos tumingin sya sa akin. Then nag-thumbs up siya. "Ano? Victory party na? Saan tayo? Sa dati? Osige, kita kita na lang doon."
YOU ARE READING
it was you, Love
RomanceEXO Kai as Miko Razon and f(x) Krystal as Joan Dela Cruz What would happen if you meet your college crush again after 5 years and the both of you will be a colleague at work? Would you still pursue your untold love? And when Love finally showed up a...