S A I S

26 1 2
                                    

Nagising ako ng marinig kong may nagsshower sa bathroom ko.

Iniisip ko bakit may naliligo sa kwarto ko.

Kinabahan ako bigla.

**RIIIIIINNGGG

Nagulat ako sa nagrring na phone, napatingin ako. Hindi sa akin phone.

Lucas calling...

"Shit!" May narinig akong nag-curse sa loob ng banyo. Biglang nagbukas yung pinto, at iniluwa nun si Miko...? Miko Razon na half-naked with that tuwalya on his lower body while dripping wet...

"AAAaaaaaHHHHHHHhhhh!" Napatakip ako ng mukha ko, nagulat ako sa kanya.

Saka unti unting nag-sync in sa akin lahat.

Yung tumawag siya

Bumukas yung pinto ng kwarto ko saka niya ako hinalikan.

Yung umiiyak siya.

Umiyak din ako.

'Don't leave....me' Nagulat ako biglang narinig ko sa utak ko yung boses ko na sinasabi yon.

"Hey! Jo. What? Why?" -Miko.

Nakatakip pa din ako ng kamay ko sa mukha ko.

"Patakip takip kapa diyan, parang di mo pa nakita to kagabi." Tapos tumawa siya.

"Magbihis ka na nga!"

"Oo na! Ayaw mo bang makita katawan ko? Hahaha."

"MIKO RAZON!"

"Yes yes. Oo na bibihis na."

Tapos narinig kong nagsara yung pinto ng banyo ko.

Dahan dahan kong tinanggal yung kamay ko sa mukha ko tapos...

"MIKO RAZON!!!!" sinigawan ko siya.

Paano ba naman kasi nasa harapan ko pa pala siya.

"HAHAHAHAHAHA!" tawa niya habang tumatakbo papasok ng banyo.

"Bwisit ka!"

***RIIIIIINNNNGGG

Nagriring nanaman yung phone niya.

"Pakisagot si Lucas ata yan." Sigaw niya mula sa bathroom.

"Ayoko nga! Ikaw na lang." Ayaw ko kasing sumasagot ng cellphone ng ibang tao.

"Dalian mo na, baka urgent."

"Edi dalian mong magbihis diyan tapos ikaw sumagot."

Biglang bumukas yung pinto tapos isang kamay palang nung t-shirt yung nakasuot tapos tinitignan niya ako ng masama na parang 'sasagutin mo lang naman e'

"Oh pare." Pagkasagot niya ng call. "Nandito sa flat ni Jo." Tapos sinipa ko siya.

Tapos tinignan ko siya na parang 'bakit kailangan mong sabihin yon'

"Bakit ka napatawag?" then he gave me this look 'why? What's wrong with that?'

>///> Kainis tong si Miko, ano na lang sasabihin nila Klint. Edi kapag nakita ko sila, aasarin nila ako. Tsk tsk!

"Ah okay sige. Sabihin mo I'll be there in 40." Then he dropped the call.

"Bakit kasi kailangan mo pang sabihin kay Lucas yon? Kaya nga diko sinagot para di niya malaman na magkasama tayo e." Agad kong sabi sa kanya

"Alam naman niya na dito ako pupunta kagabi e. Kinonvoy (convoy) niya ako para makarating dito." Paliwanag niya.

"Sabi ko na nga ba e! Lasing ka kagabi!"

it was you, LoveWhere stories live. Discover now