Counting Stars

1 0 0
                                    


[Counting Stars]

Gaya ng aking nakasanayan, agad akong dumeretsyo sa aming bubong at pinagmasdang mabuti ang mga kumikislap na bituin sa langit.

Totoo kaya? Totoo nga bang ang mga namatay dito sa lupa ay ang mga bituing nagnininginig sa itaas?

"Ma? Pa? Nandyan ba kayo?" Malungkot na saad ko.

As expected, walang kakaibang nangyare. Tss, what a stupid belief.

"Ma, pa. Magbigay naman kayo kahit konting sign kung sakaling nandyan kayo." Saad ko.

Bobo na kung bobo pero anong magagawa niyo kung simula pagkabata eh yun na ang pinaniwala sa akin ni Mama.

Nagsimula akong magbilang ng mga bituin simula sa aking kanang gawi.

1...

2..

3...

4...

5...

Sa gitna ng aking pagbibilang ay bigla akong napatigil...

Omooo. Sunod sunod na shooting stars ang lumitaw. Is this what they call meteor shower?

First time kong makakita ng ganito ka-gandang tanawin.

"Ito na ba? Ito na ba yung sign na nandyan kayo sa itaas?" Namamanghang tanong ko.

As far as I remember, matutupad daw ang mga kahilingan pag pumikit ka at hilingin ito habang may shooting stars.

Ipinikit ko ang aking mga mata...

Dear bulalakaw,

Hinihiling kong magkaroon ako ng poging jowa na isa sa mga bituing nasa itaas.

"HAHAHAHAHA!" Bigla akong natawa sa imposibleng kahilingan kong iyon.

Bakit yun ang hiniling ko? Malandi na kung malandi pero alam ko namang hindi magkakatotoo iyon.

Lumipas ang tatlong minuto at wala na akong maaninag na meteors.

Napagdesisyonan ko nang bumalik sa loob kaya tumayo na ako sa aking pagkaka-upo.

"WAAAAAAAHHHHHHH!" Tili ko sa sobrang takot.

Laking gulat ko nang mapansin ang presensya ng isang gwapong lalake na nakaupo rin sa may bandang gilid ng aming bubong. Imposibleng makarating siya dyan ng hindi ko namamalayan dahil maingay ang bubong namin.

Fudge! How did he get there?

"S-sino ka?" Utal na tanong ko.

"I'm Cloud Scott. Galing ako doon." Saad niya at itinuro ang kalangitan.

"W-what? Why are you here?"

Nagpakawala ito ng isang nakakalokong ngiti, humakbang papalapit sa akin, at nag-iwan ng isang halik sa aking noo.

"Hindi ba't ikaw ang dapat kung tanongin kung bakit mo hiniling na makarating ako dito?" Nakangising tanong niya.

"Yes, alam kong hiniling kong magkaroon ng poging jowang isa sa mga bituin pero hindi ko sinabing ikaw." Tugon ko.

"Sa pag-sabi mo ng salitang, 'pogi' eh ako na agad ang itinutukoy mo kaya ako ang ipinadala dito." Saad nito.

Am I dreaming!? Kung oo, sana'y magising ako dahil baka namatay ako sa kilig.

Agad kong kinapa ang phone ko sa aking bulsa at binuksan iyon. I searched the name, 'Cloud Scott'.

Tinignan ko ang profile picture nito at nakumpirmang siya nga ang nasa litrato.

Tinignan ko ang mga posts at laking gulat ko sa nakita ko.

Denver Sillon is with Cloud Scott

Jan. 25, 2016 • 🌏

I really can't believe na wala ka na. Hindi ko inakala ng iiwan mo kami. Hindi ba't nagsumpaan tayong walang iwanan? Rest in peace Cloud. Condolence po sa mga kamag-anak niya.

Like | comment | share

Patuloy ako sa pag-scroll at ang kanyang pagkamatay ang halos nilalaman ng timeline niya.

Napabuntong hininga nalang ako sa aking naiisip.

"Matagal ka na palang patay. Nakakalungot lang isipin na mas inuna ko pang hiniling na magkaroon ng jowa kesa bumalik dito sa mundo sina mama at papa. Kung yun sana ang hiniling ko edi sana magkakasama na ulit kami ngayong pamilya ng masaya." Naiiyak na saad ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi man ako ang iyong ama, o ina, gagawa tayo ng pamilyang masaya na pinapangarap mong matupad." Nakangiting tugon niya.

Lumipas ang ilang araw at hindi ako nahihirapang mahulog sa kanya kaya napag-desisyonan kong ipakilala siya sa aking mga kaibigan.

Agad akong tumungo sa coffee shop na napagkasunduan naming magkakaibigang puntahan habang kasama ang jowa kong si Cloud.

Derederetsyo kaming pumasok sa loob at salubong ang kilay ng mga kaibigan ko habang nakatingin sa akin.

"What's with that face?" Tanong ko.

"Meghan, I thought ipapakilala mo yung jowa mo?" Tanong ni Rose.

"Don't tell me tinotalk shit mo lang kami?" Iritang tanong ni Keziah.

Takang tumingin naman ako sa aking gilid at binalik ang paningin sa kanila nang makumpirmang katabi ko nga lang si Cloud.

"Bulag ba kayo?" Iritang tanong ko.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Cloud at ngumiti.

"Babe, sila nga pala ang mga kaibigan ko. Si Rose, Keziah, at Fairyn." Nakangiting saad ko at tumango naman ito.

Ibinaling ko ang aking paningin sa aking mga kaibigan at hindi maipinta ang mukha ng mga ito.

"Meghan, you're crazy." Iling iling na saad ni Rose.

"I told you, she's crazy. Ilang beses ko na siyang nakitang nagsasalitang mag-isa." Nandidiring saad ni Kez.

"I'm sorry to say this Meghan, pero mukhang kailangan mo na talagang mag-patingin sa psychiatrist. Nakakatakot eh." Takot na sabi naman ni Fairyn.

Agad silang umalis at naiwan naman akong puno ng pagtataka. Natigil ang aking pag-iisip nang biglang mag-salita ang katabi ko.

"I'm sorry babe. I haven't been able to tell you that you're the only one who can see me here in this world." Malungkot na saad ni Cloud.

❤Piper S.❤

One Shot Stories (set)Where stories live. Discover now