Pabibo

5 0 0
                                    

"Okay class, dismissed." Saad ng aming guro at agad namang nag-taas ng kamay ang katabi ko.

"Ma'am, i-papass po ba 'yong assignment?" Tanong niya.

Nabaling ang masasamang paningin sa kanyang kinaroroonan.

"Oh yes, thanks for reminding me ms. Sheridan. Please pass your assignments." Saad ng aming guro.

Kanya-kanyang buntong hininga naman ang pinakawalan ng mga kaklase ko habang kinukuha ko sa bag ang assignment na nagawa ko.

"Pabibo talaga eh."

"Bida bida."

"Siya siguro ang nawawalang kapatid ni Jollibee. Hahahaha!"

"Porket may nagawa lang eh!"

"Ok na sana kung hindi lang umepal yang kupal na yan!"

Agad naman akong siniko ng nasa kanang gawi ko.

"Pagsabihan mo nga yang kapatid mo. Bawas bawasan niya kamo ang kapabibohan niya." Malakas niyang bulong sa akin na siguradong narinig naman ng kapatid ko.

Yes, that's right. Ang tinaguriang "pabibo" sa klase namin ay ang kapatid ko. Bakit parehas kami ng grade level? 2 years akong ahead sa kanya pero na-accelerate din siya nang dalawang beses kaya mag-kapantay na kami ngayon.

"Lagi nalang bang ganito? Pag may assignment akong pinapagawa, tanging ang magkapatid lamang na Sheridan ang nakakapag-pass. Try to be responsible class. Gayahin niyo ang Sheridan sisters. Sige na, umuwi na kayo." Iritang saad ng aming guro.

Walking distance lamang ang aming bahay, mula sa paaralan na kinabibilangan namin kaya madalas kaming mag-lakad pauwi.

"Pinapasabi pala ng mga kaklase natin na bawasan mo daw ang pagkabibo mo." Walang ganang pambabasag ko sa katahimikan habang kami'y naglalakad.

"Ganun na ba talaga kasamang ipaalala ang assignment natin kay ma'am? Hindi ko naman gustong mabagsak o kaya'y wala silang maipasang assignment eh. Nanghihinayang lang talaga ako sa effort na iginugol ko kagabi para lang matapos ang assignments na ipinagawa sa atin." Pangangatwiran niya.

"Pwede ba? Just stop that pabibong thingy na ginagawa mo. Minsan, nakakahiya na sa part ko ang pagiging ate ng isang pabibong estudyante. Pinaghirapan ko din yung assignment ko okay? Pero dahil hindi ako pabibo at kasing-selfish mo, hinayaan ko nalang matapos ang klase nang hindi pa nababanggit ni ma'am ang tungkol sa assignment natin. Tss, hindi ako nakikipagtalo sa mga kaklase natin everytime na pinagkukwentuhan ka nila. You know why? Kasi may point naman sila eh. Ilugar-lugar mo din kasi yang pagiging pabida mo." Singhal ko, at tuluyan nang pumasok sa gate ng aming bahay.

---

Nauna na akong pumasok sa kapatid ko dahil ayokong uminit agad ang ulo ko once na pumasok kami, at tanging ang pagiging pabibo niya lamang ang maririnig naming bulungan sa paligid namin.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang aming guro para sa first class namin ngunit hindi pa rin pumapasok si Cassey na kapatid ko.

Nag-simula nang mag-discuss si ma'am ngunit agad na bumukas ang pinto at niluwa nito ang pinagpapawisang kapatid ko.

"Good morning ma'am. I'm sorry I'm late." Naghihingalong saad nito.

"Why are you late?" Takang tanong ni ma'am.

"Hindi po gumagana ang printer namin sa bahay, kaya nakipagpilahan pa ako sa isang printing shop para matapos ang assignment ko sa subject na ito." Nakayukong saad niya.

"Pinaalala nanaman ng kumag."

"Epal talaga."

"Pabibo nanaman."

One Shot Stories (set)Where stories live. Discover now