Bitter

1 0 0
                                    

[Bitter]

February 14, 2019

Napairap ako nang makita ang mga rosas at tsokolate na hawak ng mga kaibigan ko. Tsk, believe me, sa una lang yan. Mag-hihiwalay din yang mga yan. Pinapatagal pa, magbebreak din naman. Kung ako sa kanila, maaga pa lang, titigilan ko na.

"Gosh, kinikilig ako sa mga bulaklak na binigay mo sa akin babe. I'm sure ikaw na talaga si Mr. Right at hinding-hindi mo ako iiwan magpakailanman." Saad ni Jamaykha sa jowa niya.

"Eww, so cheesy. 'Yong iba nga, binigyan na ng anak, pero iniwan pa rin. Ikaw pa kaya na binigyan lang ng rosas tapos plastic pa? Psh, mag-asawa nga nag-hihiwalay, kayo pa kayang mag-jowa lang!?" Singit ko sa landian ng dalawa.

"Pwede ba? Wag mo kaming itulad sa'yo na porket ilang beses nang nabigo sa pag-ibig, mabibigo at mabibigo ulit. Nasaktan lang nang ilang beses, hindi na agad naniniwala sa salitang forever. Tsk, bitter much Kate?" Natatawang singhal ni Jamaykha.

"Paano ba naman hindi pagiging bitter yan? Eh siya lang walang jowa na kasama ngayon sa group date natin eh." Natatawang pang-asar naman ni Ladine.

Mas lalo akong nanlumo nang mag-subuan ng pagkain ang mga couples na kasama ko. Tsk, may pasubo-subo effect pa. Ano kayo? Bata?

Lumipas ang ilang minuto at napagdesisyonan naming umalis na sa restaurant na iyon.

"Uhm, guys, I'm sorry to say pero say goodbye na sa mga future ex niyo. May girl's bonding pa kami. Anyway, we have to go. Thanks for the lunch." Saad ko suot ang pekeng ngiti at hinila na palayo ang tatlo kong kaibigan.

"So? What are we going to do now?" Iritang tanong Aubrey.

"We'll make our day, more exciting." Nakangising tugon ko.

"You're making me nervous huh? Anong gagawin natin dito sa romantic park? Hindi na namin kasama ang mga boyfriend namin." Takang tanong ni Jamaykha.

"Don't worry. We aren't here para makipagdate. We're here para mapaaga ang break up ng mga couples." Nakangising saad ko.

"WHAAAAAT!?" Sabay sabay nalang tanong.

"Ano ba? Wag nga kayong mag-inarte. Hindi ba't gustong-gusto ninyong magsagawa ng mga pranks?" Saad ko sabay pakawala ng isang nakakalokong ngiti.

"Tsk, bitterness overload huh? Anyway, I'm in." Nakangiting sabi ni Aubrey.

"Me too." Pagsang-ayon ni Ladine.

"Do I have a choice? Fine, just join me in." Iritang saad ni Jamaykha.

"Don't worry Jam, ikaw lang ang magiging camera girl namin. HAHAHAHAHA." Natatawang saad ko.

Nag-simula na kaming mag-lakad at sinimulan na ni Aubrey ang aming binabalak habang nagpipigil naman kami ng tawa sa gilid.

"H-honey? Akala ko ba ako lang?" Naiiyak na tanong Aubrey sa lalake na may kasamang babae at hindi naman maipinta ang mga itsura nito.

"What is she saying?" Tanong ng babae sa lalake.

"I don't know." Tugon naman ng lalake.

"You don't know? I can't believe you! Hindi ba't sabi mo, mahal mo ako. Then now? Ano!? You're going to act as if you don't know me? Para ano? Para hindi ka hiwalayan ng kabit mong yan!?" Galit na sigaw ni Aubrey sa lalaking hindi niya kilala habang kami naman ay hindi na makahinga sa pagpipigil ng tawa.

Nagulat naman kami nang biglang sinampal ng babae ang lalake.

"I thought nagbago ka na. Akala ko hindi mo na ako lolokohin. But now? Ako pa pala ang ginawa mong third party?" Hindi makapaniwalang saad ng babae.

One Shot Stories (set)Where stories live. Discover now