Celebrity

1 0 0
                                    


[ Celebrity ]

December 2013

"Can you be my girlfriend?" Tanong ni Clyde.

Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata at kitang kita ang kislap ng mga ito.

"Yes." Masayang sambit ko.

Agad naman akong niyakap ng mahigpit nito.

"Sobra mo akong pinasaya." Bulong niya habang hindi parin tinatanggal ang pagkakayakap namin.

---

February 2014

"Babe, ano bang pangarap mo?" Curious na tanong ko.

"Pangarap kong makasama ka habang buhay." Nakangising saad niya na nagpapula naman ng aking pisngi.

"I'm serious babe." Saad ko.

"Seryoso naman ako ah?" Natatawang sagot niya.

"What I mean is, anong gusto mong maging profession sa future? You know? Malapit na tayong mag-college." Tanong ko.

Tinignan lamang ako nito habang nag-iisip.

"Actually hindi ko rin alam. Ikaw? Ano bang gusto mo?" Tanong niya.

"To tell you the truth, bata pa lamang ako eh gusto ko nang maging isang tanyag na artista pero ngayon, gusto ko pa rin maging artista, pero dapat ikaw ang katambalan ko." Nakangising saad ko ngunit nagbago ang masayang expression nito at nanatiling tahimik.

"Babe? Is there something wrong?" Curious na tanong ko.

"Nope. Naalala ko lang bigla yung contract na ino-offer sa akin." Saad niya at nagpakawala ng isang mapait na ngiti.

"What do you mean?" Tanong ko.

"May binigay sa aking contract ang isa sa mga sikat na media company. 5 years of working for them as an actor pero tinanggihan ko iyon kahit may malaking perang naka-abang." Tugon niya.

"What!? Binigyan ka na ng opportunity habang ako eh iba't ibang auditions ang sinasalihan ko tapos tinanggihan mo lang?" Gulat na tanong ko.

"My dad is a well known actor before and because of his career, iniwan niya kami para mapanatili ang kanyang kasikatan samantalang kami naman ngayon ni mom ay naghihirap. I hate being a celebrity dahil wala kang privacy sa private life mo. Ayokong matulad sa ama ko." Malungkot na ulat niya.

---

December 2017

I don't know why but after telling him what my dream is, palagi niya ako sinusuportahan sa mga auditions at sumasali din siya gaya ko. Pero as usual, lagi siyang natatanggap pero tinatanggihan niya lamang ang mga iyon every time na malaman niyang hindi ako nakapasok.

Patungo kami ngayon sa studio ng KBS para sa panibagong audition.

*Kring... Kring...

Bago pa man kami makarating ay malakas na tunog ang sumira sa linyang pinapractice ko habang naglalakad.

"Hello?" Tanong ko.

📞: "Good afternoon this is Dr. Chua, is this the daughter of Jamie Park?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes it's me. Ano pong pakay nila?" Tanong ko.

📞: "Get here as soon as possible at Myunghunggi Hospital, because I need to tell you something important." Tugon niya.

Agad na bumilis ang tibok ng aking dibdin. Sa sobrang taranta ay tumungo agad ako doon.

Patakbo akong dumeretsyo sa loob habang nakasunod pa rin si Clyde na puno ng pagtataka.

One Shot Stories (set)Where stories live. Discover now