Fabricated Plagiarist

1 0 0
                                    


[ Fabricated Plagiarist ]

Napangiti ako nang matapos ang akdang isinusulat ko.

"Meghan, ano nanaman bang nginingiti-ngiti mo?" Tanong ni Charry.

"Nah. Natutuwa lang talaga ako every time may natatapos akong story." nakangiting sagot ko.

"Tsk. Weird. Wala namang nakakaappreciate ng works mo kasi hindi mo naman pinapabasa sa iba. Anong nag-momotivate sayo para makapag-sulat?" Tanong ni Charry.

"My favorite writer, Henry Hunt is my inspiration to write. By the way, mind your own business can you?" Iritang tanong ko.

"Tsk. Di pwede mag-tanong? Pabasa nga." Saad niya at nag-pout.

"Di ka cute para mag-pout. Oh ito." Abot ko sa kanya ng notebook ko.

Agad kaming tumungo sa aming silid nang marinig ang pag-tunog ng bell.

"Ms. Arieta, nasabi mo na ba ang ipinasasabi ko kay Meghan?" Tanong ng aming guro kay Charry.

"I'll tell her later sir." Tugon naman ni Charry.

Lumipas ang ilang minuto at umalis na si Sir Fidel sa aming silid.

"Bes, ano yung pinapasabi ni sir sa akin?" Tanong ko kay Charry.

"Ah. Oo nga pala bes, nakaraan ko pa dapat ito sasabihin eh. May writing competition dito sa school bukas and I told sir Fidel na magaling kang mag-sulat. Kinakailangan mo lang ibigay bukas ang limang works mo, at ang mapililing piece ay bibigyan nila ng opportunity na makapag-publish ng sariling libro na hindi kailangang gumastos ni isang sentimo." Pag-uulit niya.

"Really? Baka ito na ang daan patungo sa pinapangarap ko. Yiiiiieeee. Anong oras ko dapat i-pass?" Tanong ko.

"Uhm.... 5pm daw eh." Sagot niya naman.

---

After class, I immediately went home para matipa ko agad ang aking piece sa Microsoft word.

Hinalukay ko ang bag ko, at nataranta ako nang mapagtantong nawawala ang notebook ko.

Fudge! Saan ko ba nailagay yun? Kinalma ko ang aking sarili at pilit na inalala kung saan ko iyon nilapag.

Aish... I almost forgot, hiniram nga pala ni Charry yung notebook ko.

Ilang beses kong idinial ang kanyang numero ngunit hindi man lamang nito sinagot kahit isang beses.

Siguro i-titipa ko nalang bukas pag nakuha ko na sa kanya ang aking notebook.

---

Maaga akong nagising at derederetsyong sumakay patungo sa aming paaralan.

Tumungo ako sa aming silid ngunit di ko mahagilap si Charry doon.

Tapos na ang first two classes namin ngunit di pa rin siya nagpapakita sa akin.

Lunch break na kaya naisipan kong umuwi na muna sa aming bahay.

Again, tinawagan ko ulit si Charry ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na di ko mawari. Don't tell me, may nangyaring masama sa kanya?

Oh no!? Paano yung competition? Aish. Kailangan pa naman eh limang akda ang ma-ipasa ko.

Gagawa nalang ako ng bago pero ilang oras nalang ang natitira.

Gagayahin ko nalang yung plots na naisulat ko nakaraan sa notebook ko. But the problem is, wala na akong time para pagandahin ito nang husto kaya mas maganda parin ang mga naisulat ko doon nakaraan.

One Shot Stories (set)Where stories live. Discover now