Nakarating na ako sa school namin.
Pumasok na ako sa school campus at dumeretso sa aming classroom.
"G-Good morning, President!"
Sabi sa akin nang isang babae na nakaupo sa tabi nang pintuan nang room.
"Good morning"
Binati ko siya at umupo na sa aking pwesto. Kaslukuyan akong nakaupo sa tabi nang bintana.
Tinignan ko ang ilalim nang desk ko at nang binuksan ko ito, maraming sobre ang nagkandahulog mula sa desk.
"Tsk... Eto nanaman..."
Binuksan ko isa isa at binasa. Puro lang love letter at kung ano anong mga pagcoconfess ang nakasulat.
Nang nakita ko kung sino ang nagsulat nang huling sulat ay medyo nasiyahan ako dahil ang nagsulat nito ay ang vice president nang aming room, si Yui.
Ang sabi sa sulat ay pumunta daw ako sa rooftop nang building dahil may gusto siyang sabihin sa akin.
Habang nagbabasa ako ay dumating na ang aming guro kaya naman nagsimula na ang aming klase.
Nang matapos ang klase namin ay agad ako dumeretso sa rooftop habang lunch break pa namin.
"S-Salamat pumunta ka..."
"Ayos lang yun... Bakit mo nga pala ako tinawag dito?"
"A-Ano kasi... M-may gusto akong aminin sa iyo"
"Ano yun?"
"G..."
"G?"
"G-Gusto kita!"
"Ahh... Pero, seryoso ka ba talaga sa nararamdaman mo?"
"O-Oo naman! Sigurado ako!"
"Sorry.... Pero... May gf na kasi ako"
"P-Pero! K-Kahit na! Please just give me a chance!"
"P-Pwede naman... pero... Kailangan ko muna tanungin si Sylvia..."
"K-Kung ganoon, pwede ba akong sumama sa iyo?"
"Mamaya... After natin ayusin yung paperworks sa school office, sabay na tayo umuwi"
"S-Sige"
"Mauna na muna ako... Di pa ako nakakakain eh"
"S-Sige, Dan..."
Umalis na ako at iniwan siya sa rooftop. Agad naman akong bumalik sa room namin at kinain ang dinala kong lunch.
Nang matapos ang lunch break ay tinuloy na namin ang klase at natapos nang maaga nang dahil sa wala ang next teacher namin.
Agad naman akong dumiretso sa office at nakita si Yui na nagaayos nang mga papers sa loob.
"Pwede ba akong pumasok?"
"Dan?!"
"S-Sorry kung nagulat ka"
"Ah... Eh... Ayos lang, sige pumasok ka na"
Pumasok naman ako nang office at tinulungan si Yui. Nang matapos kami ay nilock na namin ang pinto at naglakad na pauwi.
"Ako na magdala nang bag mo"
Offer ko sa kanya. Para kasing naweweirdan ako pag di ako tumutulong.
"P-Pwede ba?"
"Oo naman"
Sabi ko at iniabot na niya ang bag niya sa akin.
Naglakad kami nang halos sampung minuto bago nakarating sa bahay namin.

BINABASA MO ANG
World's Strongest
FantasiaUnbeatable guy with unbeatable powers and henceforth called World's Strongest Cover by: @coffeecreameclair Date started: February 19,2019 Date finished: ???