Chapter One: The Queen

2.2K 51 1
                                    

Veronica Hawtale

Ruthless,

Deadly,

Dangerous,

Evil,

They call me that, but who cares? I am the Queen, my rules are everything. Whoever dares to defy me will meet their end.

And when I said end... it means me.

I am death itself.

"Queen." Walang emosyon na naglakad ako para lagpasan ang napakahabang hilera ng mga myembro ng mafiang pinamumunuan ko.

Hindi na ako nagaksayang batiin sila pabalik~kahit tapunan man lang ng isang sulyap kahit pa magkandakuba-kuba na sila sa kakayuko para bigyan ako ng galang.

I am the Queen, and no Queen will ever bow down to greet her slaves.

I walked gracefully towards the elevator.

"Tartarus" Walang emosyong sabi ko sa usherette bago ipinikit ang mga mata ko.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang sinasakyan kong elevator kaya muli kong idinilat ang mga mata ko bago naglakad papunta sa isang kwarto.

Pagkapasok ko pa lang ay malakas na sigaw ng sakit at paghihirap ang agad na sumalubong sakin.

Ng mapansin nila ang presensya ko ay mabilis na tumayo sila ng tuwid at nagbigay galang, pwera na lang sa lalakeng kasalukuyang nilalatigo ang isa pang lalake na naliligo na sa sarili nitong dugo.

"Hades."

Natigilan sya sa ginagawa nya at mabilis na pumihit paharap saakin bago ako nginisihan at akmang yayakapin ng tignan ko sya gamit ang blangko kong mukha.

"Queen! Long time no see!" sigaw nya na lang bago naglakad papunta sa lamesa ng mga gamit na ginagamit nya sa pagpapahirap ng mga taong may atraso sa organisasyon.

"Anong nakuha mo?" Tanong ko sakanya bago naupo sa isang bakanteng monoblock chair na nakaharap sa pwesto ng lalakeng halos hindi na makilala ang mukha dahil sa sobrang daming dugo na nakabalot sa buong katawan nito.

I saw how he gritted his teeth kaya lihim na napangisi ako.

Hades is cruel.

A materialized demon.

Wala syang sinasanto, walang kinakaawaan.

That is why he rules Tartarus, the underground.

This part of Olympus is his lair. This is where he would torture and play with anyone who have sinned agaisnt Olympus.

Alam na alam ko ang reaksyon na iyon.

Malamang ay hindi pa kumakanta ang lalakeng kanina nya pa pinapahirapan.

He hates it kapag pinapahirapan sya sa isang bagay. Ayaw na ayaw nyang hindi nasusunod ang gusto nya. He is short tempered and you won't like it when you get into his nerves. And on top of it all, he hates being humiliated, especially infront of his superior.

Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakahawak na pala sa binti ko ang lalakeng tinotorture ni Hades. Napansin naman yun ni Hades kaya akma itong pupunta saamin ng pigilan ko ito gamit ang isang daliri.

Ibinaba ko ang tingin ko sa duguang lalake na ngayon ay nagmamakaawa na saakin.

"Parang awa nyo na pakawalan nyo na ako. Wala akong alam kung paano nasira ang system. Wala kayong ebidensya. Hindi ko kasalanan kung bakit napasok ang Olympus ng kalaban." umiiyak na saad nito habang nakahawak parin sa binti ko na ngayon ay basang-basa na ng dugo na malamang ay galing sa mga kamay nya.

Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon